"Everything happens for a reason. We may not know the reason just yet but I believe it's a path towards a better outcome."
Kim's POV
It's already 7 in the evening at nandito parin ako sa park, nag-iiyak. Halos apat na oras na akong nandito.
Alam kong hindi ito ang Kim na nakasanayan niyong makita pero wala eh, the situation forced me to show this side.
Ilang saglit, nakarinig ako ng busina ng sasakyan.
"HOY! Nandyan ka lang pala? Alam mo bang kanina pa ako kinukulit ng nanay mo?!" Si Rex pala. Agad kong pinunasan yung luha ko pero mukhang nakita niya kaso yun nga, hindi niya pinansin.
Napa-buntong hininga ako. Rex, not now please. Walang wala ako sa mood ngayon.
Narinig ko siyang bumaba ng sasakyan niya at naglakad palapit sakin.
"Ano, hindi mo ba ako papansinin?!" Napuno nako.
Tumayo ako at binigyan ko siya ng isang sampal.
"Minsan nga hindi lang yung sarili mo ang isipin mo! Isipin mo rin naman na hindi lang basta basta pwedeng baliwalain ang pinagdadaanan ko, pwede ba?!" Natahimik siya at iniwan ko siyang nakatayo dun.
Imbis na sumakay sa kotse niya, tumakbo nalang ako pauwi.
Tumatakbo habang umiiyak. Bakit ba ko ba nararanasan tong mga bagay na to? Wala naman akong ginawang masama ha? Nagmahal lang naman ako.
"Oh, Kim. Kanina pa kita hinihintay ah. Saan ka ba galing?" Rinig kong sabi ni mama nung pumasok ako ng bahay.
"Kim? Anak?" Napansin yata niyang puro luha yung mukha ko at namamaga yung mata ko.
Pero hindi ko siya pinansin at dere-deretso lang ako sa taas. Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad ko itong nilock.
BINABASA MO ANG
Ang Lovelife ko... Paano na?! [SLOW UPDATE]
RomanceSa panahon ngayon na madami ang ayaw mabuhay ng walang lovelife, paano nalang kung ang sayo ay sirang-sira na? Natural ay sasabihin mo ang mga salitang "Ang Lovelife ko... Paano na?!". Hindi ba't dumadating din tayo sa puntong susuko na sana tayo pe...