Chapter 30: A-Ate?

33 0 1
                                    





Anne's POV 





"Kaya ba engaged na sila ni Kim?" Pagkatapos na pagkatapos kong sabihin to ay agad akong hinatak ni Jellie palabas ng room at dinala ako sa baba, sa may swing. 



"A-Anong meron?" Tanong ko sakanya. Bigla kasing nag-iba ang expression niya sa mukha. 



"Totoo ba yang sinabi mo?" Medyo nagbebreakdown na ang voice niya, "E-Engaged sila?"Sabi na eh. Ang daldal ko kasi. Ngayon, naiinis na tuloy ako sa sarili ko dahil may nasabi akong hindi dapat. 



"Oo." Wala akong magawa kundi umamin. Naisip ko din kasi na she deserves to know the truth. 



"Sht." Rinig kong sabi niya at bigla siyang umiyak. Nagulat ako dun pero hinayaan ko lang siyang umiyak. Niyakap ko siya, medyo may katagalan din siyang umiiyak eh. 



Ilang saglit, tumigil na siya at nagpunas ng luha. 



"Akala ko, n-naka move on na ako." Napa-ngiti siya. But this time, yung ngiti na nakakalungkot, "Akala lang pala." 



"Siguro yun ang dahilan kaya kami nagbreak. Dahil sawa na siya sakin, at nakahanap na siya ng bago." She added. 



"No. Wag mong isipin yan. There's gotta be a good reason sa mga nangyayari." I really hope there's a good reason behind these happenings. 



"Ayoko. Ayoko na." Sabi ni Jellie, "Aasa nanaman ba akong mahal niya ako? Magbubulag-bulagan ba ako sa mga nangyayari? Ayoko na, susuko na ako." Somehow, nakikita ko ang sarili ko sakanya. It's as if parehas kami ng pinagdadaanan. 



"Jellie, kapit lang. Mahal mo si Rex diba? Malay mo, time will come na magiging okay din ang lahat." 



"Oo nga pero.." She paused for a while, "Si Kim.." Tinignan niya ako. 



"What about her?" Tanong ko."If she has Drei nung mga oras na yon, why the hell would she agree to that engagement of theirs?" Oo nga no? Napaisip ako bigla. I mean, kung totoo ngang mahal ni Kim si Drei, hindi siya papayag dito. 



"May punto ka." Sabi ko, "Kasi--" Hindi ko na natuloy yung susunod kong sasabihin dahil may isang boses na nagsalita. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Lovelife ko... Paano na?! [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon