Kim's POV
3 days! Ugh. 3 days na akong hindi pinapansin ni Drei. Ni-hindi nga siya pumapasok e :(
Actually, hindi ako nalulungkot e. NAIINIS PA NGA AKO >3<
Alam ko, bestfriend ni Drei si Anne pero sapat na dahilan na ba yun para malimutan niyang may girlfriend pa siya na namimiss siyang sobra? -______-
At dahil Sunday ngayon, rest day ko \o/ Tinext ko si bestie na magkita kami sa Starbucks.
Bakit dun? Ala lang. Haha ^o^ Medyo malapit sa subdivision namin e. Parang di ako badtrip noh? Haha!
>>sa Starbucks<<
Haay. Kahit kelan late parin talaga tong si Nikka Lopez. Babatukan ko to e. Wuy, pero mahal ko tong bestfriend kong to ♡ ^______^
Nung lumingon-lingon ako sa paligid ko, may isang pamilyar na mukha akong nakita.
Teka..
Nilapitan ko para makumpirma kung siya nga iyun. At, viola! Siya nga ^^
"Uy, Rex! Long time no see ah. Di ka na pumapasok eh." Bati ko sakanya habang kinakalabit siya.
"Get away from me." Cold na sabi ni Rex.
ANONG MERON DUN SA LALAKING YUN? ISA PA TATADYAKAN KO NA PAGMUMUKHA NUN. MASYADO NA AKONG BADTRIP SA MGA NANGYAYARI. MAAYOS KO NAMANG TINATANONG AH!
Huhu. Ba't ba ganto ang mga lalake ngayon? Si Drei, di na ako pinapansin. Text at tawag ko di na sinasagot! Aba. Humanda siya sakin +____+
Tapos, eto namang hampas-lupang si Rex. Yung maayos mong tinatanong at nagpapaka-friendly ka lang naman pero coldness niya ang isinukli niya sakin? #&!=#^@
Ayan. Nakikita niyo na ang amazona side ko -_____- Di na tulad sa mga dating chapters na pacute ako at masayahin.
"Uy bestie. Ayos ka lang ba? Yung kilay mo oh! Nagsasalubong." Kalabit sakin ng isang babae.
"Hay salamat. Dumating ka na rin." Medyo may inis na sabi ko sakanya.
"Hihi. Sorry. Nasiraan kasi yung taxi na sinakyan ko e." Yakap niya sakin. Ay. Di ko talaga matiis tong babaeng to. Haha :D
Umoo nalang ako at naglakad-lakad sa park habang nagchichikahan. Malapit lang ang Starbucks sa park e.
"Uy. Bestie. Ano? May balita ka na ba tungkol kay Drei?" Lingon ko sakanya ng may bahid ng kalungkutan sa mukha. Namimiss ko na kasi siya e. Sobra!
"Uhm. Sorry. Wala talaga. I tried asking help from others pero.." She just shrugged. Ah okay. Ganyanan pala, Drei? Pfft.
"Ay. Gusto mo bang mapan--" Naputol yung dapat na sasabihin ni Nikka dahil biglang nag-ring ang phone ko.
Nung dinukot ko ang phone ko, si mama pala ^o^ AH! NAMISS KO SIYA HUHU
"Teka lang, bestie!" Sabi ko kay Nikka bago tumayo.
Agad kong sinagot yung call.
"HI MAMAAAA! NAMISS KITA SOBRAAA!" Wala akong pakialam kung mapagsabihan pakong baliw dito. XD
"Oh. Anak! Namiss din kita." Bati ni mama mula sa kabilang linya.
"Kamusta na po ba kayo?"
"Mamaya na tayo mag-kamustahan, Kim. Nandito ako ngayon sa bahay! Nasaan ka ba?" Masiglang sabi ni mama. Oh, alam niyo na kung san ko na-mana ang pagiging masayahin ko. ^______^ Pero about sa ugaling amazona.. Uhm. Hulaan niyo. HAHA c:
Pero anyway, nanlaki mata ko nung sinabi niyang nandun siya sa bahay. MAMAMIYA! WOWOWOW! SO NYEO SHI DAE! XD
"KYAAA! OSIGE PO MAMA. PAUWI NA PO AKO! BYE! MAHAL KO PO KAYOO! TEEHEE."
"Oh. Sino yun, bestie?" Tanong sakin ni Nikka nung bumalik na ako sakanya.
"SO NYEO SHI DAE, BESTIE. SI MAMA! NANDITO NA! DUN TAYO SA BAHAY KO. IPAPAKILALA KITA!" Masaya komg sabi kay Nikka.
[A/N: Sensya kung panay So Nyeo Shi Dae. HAHAHA. Ala e. SONE si author. XD]
"Ay! Sige sige! Excited nakong ma-meet yung mother dear mo! Hahaha." Arte lang? Hahaha!
Pumara ako ng taxi at nagpadala ako agad sa bahay.
Nikka's POV
"Kuya-Manong-Mr Taxi! Paki-dalian po please! Nandun na ang mama ko sa bahay!" Pagkukulit ni Bestie kay Manong taxi. XD
Tignan mo tong babaeng to. Parang kanina lang bipolar e. Ngayon, wagas ang ngiti. Aabot na sa tenga. Pero mahal ko yan. Haha!
"Suri pu, ma'am. Mabagal lang pu talaga akung magpatakbo ih. Para pu iwas disgrasya." Uy. May accent pa tong si Manong. Natawa tuloy kami ni Kim.
Habang tumatawa ako, napansin kong mukhang nag-iisip siya ng seryoso. Kinalabit ko siya,
"Oh. Ano nanamang problema mo?" Napa-grin nalang siya sa tanong ko at biglang sumigaw ng sumigaw. Ay. More like tili pa pala ang ginagawa niya.
"Oh. Anu pu bang nangyare sainyu miss?" Nerbyos na tanong ni Manong. XD Nerbyoso pala to e. HAHAHA
"Eh kasi po, NATATAE NA PO AKO KUYA! DALIAN NIYO NA PONG MAGDRIVEEEE!!" Napatili nanaman si Kim habang bahagyang nagwawala sa taxi.
"HA? OSIGI PU!" Dahil dun, nagpaharurot na si Manong sa pagmamaneho.
Naramdaman kong gumagawa lang ng paraan tong si Bestie kaya nakisakay narin ako. XD
"WAAA. MANONG! AKO RIN PO! MUKHANG DI NA PO AKO AABOT DALIAN NIYO POOOO!" Sumbat ko. HAHAHA. Ang saya. XD
After ilang minutes, nakarating na kami sa bahay nila Kim, nagbayad siya then umalis na yung taxi.
Nung umalis na yung taxi, humalakhak na kami sa tawa.
"Nakita mo ba yung expression ni Manong kanina? HAHAHA. Parang siya pa talaga yung natatae!" Mas lumakas ang tawa ko dahil dun. Hahaha! Oo nga naman. Pinagpapawisan na si Manong nun. XDD
"Oh. Mukhang ang saya niyo ata, girls?" Isang babaeng maganda ang bumungad samin nung binuksan ni Kim yung gate O_______O
-----------------------------
A/N:
TT______TT Pasensya na kung sobrang tagal nung update.
Dahil diyan, dadamihan ko ang updates :D
Sana hindi nawala ang readers ko /le dies
-- Derp
BINABASA MO ANG
Ang Lovelife ko... Paano na?! [SLOW UPDATE]
RomanceSa panahon ngayon na madami ang ayaw mabuhay ng walang lovelife, paano nalang kung ang sayo ay sirang-sira na? Natural ay sasabihin mo ang mga salitang "Ang Lovelife ko... Paano na?!". Hindi ba't dumadating din tayo sa puntong susuko na sana tayo pe...