Chapter 2: Alone
HINDI ko na alam kung anong nangyayari sa paligid ko. Ang alam ko lang ay nagbigay ako ng regalo kay Cheska dahil friendship anniversary namin at sa isang iglap ay nagkakagulo na sa loob ng bahay.
"Yanna, run!" Sigaw ni Cheska bago biglang tumalon papunta sa ibabaw ng kabinet. Nabasag ang bintana at nakita ko kung anong iniwasan niya. Isang dagger...
Dahil umiwas si Cheska ay tuloy-tuloy na bumulusok sa direksyon ko ang dagger. Huli na para umiwas kaya sinalo ko na lang ito. Automatic na naging invisible rin ito dahil nasa ilalim ako ng isang invisibility spell. Hindi ko namalayang naisilid ko pala ito sa bag na dala ko dahil sa pagkagulat at pagkataranta.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, lalo na noong biglang nasira ang buong bintana ng silid ni Cheska. May pumasok na tatlong naka-kapa ng kulay itim mula rito. Dahil sa pagkataranta ay napa-atras na lamang ako. Hanggang sa natagpuan ko na lamang ang sarili kong tumatakbo papalabas ng silid. Leaving Cheska alone...
Kahit kabisado ko naman ang buong sulok ng bahay, hindi ko na alam kung saan ako napunta. Nasisiguro kong medyo nakalayo na ako dahil humihina na ang mga kalabog na naririnig ko na nagmumula sa silid na iyon.
Naghanap na lamang ako ng pwede kong mapagtaguan, kahit na invisible naman ako. Nakakita ako ng isang malaking kabinet kaya doon ako nagtago, habang umiiyak at niyayakap ang bag na ibinigay ni Cheska sa akin.
Hindi ko alam kung sino ang mga iyon. Hindi ko alam kung bakit sila nandito. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Hindi ko maintindihan! Wala akong maintindihan...
Napahagulgol na lamang ako dahil sa aking mga naisip. Si Cheska... Iniwan ko si Cheska... Napatigil ako bigla sa pag-iyak at nanlaki ang aking mga mata. Tama! Si Cheska!
Halos murahin ko ang aking sarili noong matandaan ko iyon. Bakit ko ba iniwan si Cheska doon ng mag-isa?! How stupid of you, Yanna!
Lalabas na sana ako sa aking pinagtataguan para balikan si Cheska noong may narinig akong kaluskos, parang tunog ng heels. Hindi ko na lang itinuloy na lumabas sa takot na isa iyon sa mga naka-kapang itim.
"Well, well, well." Tunog ng babae ang narinig kong nagsalita. Nangilabot pa ako noong tumawa siya na mala-demonyo. Diyosko! Sino ang pinagtatawanan niya? May kausap ba siya o natutuliling na?
"Ang ganda pala ng bahay ni Yasmin eh. Pwede kong ibenta ito pagkatapos siyang ligpitin. Bwahahahahaha!" Tawa niya ng mala-demonyo. Nagulat naman ako sa aking mga narinig. Yasmin? As in Francheska Yasmin Fluterion? At saka anong liligpitin?
Napakurap-kurap ko na lamang ang aking mga mata sa narinig. Hindi pa nasobrahan ang aking pagiging tanga kaya alam kong ang ibig sabihin ng 'liligpitin' ay ang pagpatay nila kay Cheska. Pero bakit?! Sa isang iglap, lumuluha na naman ako ulit.
They are planning to kill Cheska, but here I am, hiding and letting them proceed to their plan. Hindi ako pwedeng tumunganga lamang rito. I need to save Cheska's ass. Again, lalabas na sana ako pero napatigil noong marinig ko ang isang daing.
"Ouch! Don't touch me, you freak!" Nanlaki ang aking mga mata noong narinig ko ang boses ni Cheska na dumadaing. Narinig ko pa ang pag-ubo nito at alam kong nasa hindi magandang sitwasyon siya.
"Shut up, Yas... or should I call you, Cheska? Hahahaha! Nag-iba ka pa talaga ng pangalan para lang makatakas sa amin, eh noh? Tsk. Tsk. Tsk." Ani naman ng isang mala-demonyong boses ng babae na siya ring unang narinig ko kanina. Now that they found her, I really need to do something!
Pinakiramdaman ko ang paligid. Ipinikit ko ang aking mga mata at binilang kung ilang aura ang meron malapit sa akin. Matapos ang ilang segundo ay nalaman ko na kung ilan sila na nakapalibot kay Cheska. 1 aura for Cheska and 9 aura from the unkown trespassers. I wonder where are the other three because as far as I remembered, twelve sila na pumunta rito.
BINABASA MO ANG
Lianna Crest
FantasyNormal na buhay lamang ang tinatamasa ni Yanna Fluterion kasama ang kinamulatan niyang kapatid. Masaya at mapayapa. Wala na siyang maiihiling pa. Ngunit dahil sa isang insidente, pakiramdam niya'y biglang gumuho ang dapat ay normal na niyang buhay. ...