Chapter 10

0 1 0
                                    

Chapter 10: Guardians

NAPAKURAP-KURAP ako dahil sa sinabi niya. S-Seryoso ba siya?

"Oh. My. Ghad." Rinig kong wika ni Emie na nasa likuran ko. Dahil d'on ay natauhan ako at napaatras.

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo." Wika ko at saka hinarap si Emie. "Emie, mali ata ang napuntahan nating lugar. Tara na."

"Hindi! Hindi! Nasa tamang lugar tayo." Pigil ni Emie sa akin na papaalis na sana. Hinarap ko siya muli at pinagtaasan ng kilay.

"Siya si Helios. Myembro siya ng Guardians. Makakatulong siya sa iyo." Paliwanag ni Emie sa akin. Napahinga na lamang ako ng malalim bago hinarap si Helios. Okay, wala na akong mapagpipilian kung hindi ang harapin ang inuntog ko.

"Then?" Sukong sambit ko. Muli kong ipinag-krus ang mga braso ko.

"Anong then then ka diyan?" Taka at nakapameywang na sambit ni Emie. "Syempre kailangan nating sumama sa kaniya! Dadalhin niya tayo doon sa loob ng kastilyo. At... at... waaaaahhh!"

Nagtatalon-talon na na parang tanga si Emie kaya hindi ko na lang siya papansinin. Binalingan ko si Helios na kasalukuyang nakatitig sa amin na para bang manghang-mangha.

"Matutulungan niyo ba kami?" Suplada kong sambit sa kaniya. Well, sinadya ko talaga ang tono ko na ginawang pa-suplada mode. Para maiba. Char.

"Iniinsulto mo ba kami, binibini?" Nakangiti pa rin na tanong niya sa akin. Nakasandal lang siya sa haligi ng gazebo at nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon. Feeling cool. Eh hindi naman.

"Hindi naman. Ini-recommend lang kasi kayo ng kasama ko sa akin. Hindi ko naman alam kung anong magagawa niyo." Wika ko sabay tingin sa mga kuko ko. "Hindi iyon pang-iinsulto. Nagsasabi lang ako ng totoo na wala akong alam sa inyo, o kahit sa kung anong magagawa niyo."

Tumango siya sa akin at umayos na ng tayo.

"Kakaiba ka sa lahat ng humingi ng tulong sa amin." Wika niya at pinagmasdan ako. "Paano ka nakakasiguro na tutulungan ka namin, lalo na sa pamamaraan ng pagsasalita mo sa akin?"

Napatigil ako sa kunwaring pagtingin sa kuko ko dahil sa sinabi niya. Muling tumaas ang kilay ko. Mukhang nasasanay na talaga ako sa ginagawa kong ito ah?

"Wala akong pake kung hindi kayo tutulong." Wika ko bago siya muling tinignan. "In the first place, hindi ko rin gustong magpatulong. Sadyang wala lang akong magawa dahil mabilis ang kasama ko."

Sarkastiko ko siyang sinagot bago nilingon si Emie na tumatalon pa rin with matching actions pa ang sinasabi.

"Tapos makikita ko si Night, ta's mala-love at first sight siya sa akin, tapos... tapos... Aaaahhhhhh!!!!!"

Iniwas ko na lang ang tingin ko kay Emie na kulang na lang gumulong sa lupa dahil sa pag-oover daydream.

"You see, medyo hindi siya matino." Pabalang ko na sambit. Siya naman ay napakurap-kurap.

"O-Okay..." Tila na-awkwardan na sambit niya at tumalikod na. "Follow me, dadalhin ko kayo sa guesthouse namin."

Naglakad na ako pasunod sa kaniya ng muli siyang lumingon.

"And please, settle your comrade's behavior first." Nakangiti ng alinlangan na sambit niya sa akin. "Masyadong sensitive si Lotus, ang isa naming kasama, sa mga bisita. Baka palayasin niya ang kasama mo."

Tumango lang rin ako ng alinlangan sa kaniya bago binalingan si Emie na nakatulala na anamn at nakangiting-aso. Kung saan-saan na naman siguro lumilipad ang imagination nito.

Lianna CrestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon