Chapter 5

0 2 0
                                    

Chapter 5: Vionre

MAAGA pa lang ay gising na ako. Umalis na ako kaagad sa Inn na tinuluyan ko kagabi at agad na nagtungo sa gubat katabi ng bayan ng Periphor.

Napanaginipan ko kagabi sina Mina at nanghihingi sila ng tulong sa akin. Nasisiguro kong sila talaga ang tumawag sa akin gamit ang panaginip at hindi mga impostor dahil sa seal na nasa aking pala-pulsuhan. Itinuro nila ang kasalukuyang lokasyon nila at sinabi rin nilang huwag daw akong magpakampante. Nag-iiba raw sila ng lokasyon at hindi nila alam kung saan sila dadalhin ng mga disipolo.

Nakuha sila ng mga ito noong pumasok ako sa restaurant. Hindi ko napansin ang pagkawala nila dahil akala ko nakasunod lang sila. Napansin ko lang noong matapos akong maka-order.

Oo, pinagsisihan ko talaga na hindi ko pinansin ang pagkawala nila. Sanay naman kasi akong bigla na lang silang nawawala, tapos babalik rin bigla. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanila.

Hindi ko alam kung anong kailangan ng mga disipolo kina Mina. Hindi rin kasi alam nina Karissa kung bakit sila kinuha. Basta raw may bigla na lang nag-cast ng spell sa kanila at nawalan sila ng malay. Pagkagising nila ay nasa isang magical cage na sila at hindi makagamit ng kapangyarihan. May nadalang isang wishing ball si Mina pero isa na lang ang natitirang wish na maiitupad nito at ginamit nila ito para makausap ako for a limited time.

Noong nakapasok na ako gubat ng Vionre ay nag-cast ako ng isang spell. I tried to communicate to my pixies gamit ang spell na kinast ko pero wala rin itong silbi dahil sa isang malakas na magic force na pumipigil sa aking ma-reach sila. Hindi ko alam kung bakit gan'on na lang kalakas ang magic force na iyon. Posibleng may ginagamit na talisman ang nag-cast ng magic force na iyon.

At kung gan'on nga, wala na akong magagawa kung hindi ang sagipin sina Chime sa pamamagitan ng paglaban sa mga Disciples. At ang unang paraan para roon ay ang sundan sila. Hindi ko alam kung anong eksaktong gagawin ko pero isa lang ang alam ko.

Ayaw ko ng muling mawalan ng kaibigan at kapamilya.

Tumalon ako sa isang malaking ugat at nagpatuloy sa pagtakbo. May nadaanan pa akong isang kumakain na baboy-ramo na may pakpak, also known as Gurgapig. Dahil sa gulat sa biglaang pagdating ko ay agad itong napatakbo at naiwan ang pira-pirasong Orange Witchgrass flower.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa pagtakbo. Muli akong tumalon sa isang malaking ugat at tumakbo na naman.

Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari kina Mina, Chime at Karissa. Ni hindi ko nga alam kung safe pa ba sila, o kung buhay pa ba. Nag-aalala na ako at talagang hindi na ako makapag-isip ng maayos.

Tumalon ako sa isang malaking ugat at tumakbo na naman. Sa totoo lang, pagod na ako. Parang sobrang layo naman kasi ng pusod ng gubat na ito. Hindi kalayuan ay may nakita na naman akong malaking ugat kaya naghanda ako para tumalon, ng bigla akong natigilan. Ilang beses na akong nagpabalik-balik rito ah?

Dahan-dahang humina ang pagtakbo ko hanggang sa huminto na ako. Nasa harap ko na ang malaking ugat. Dahan-dahan akong tumawid rito at tinignan ang paligid.

Nakita ko ang pira-pirasong bulaklak na Orange Witchgrass. Naaalala ko na ito ang kinakain ng Gurgapig kanina. Napakuyom ko ang aking mga kamay. May nakikipaglaro sa akin ng hindi ko alam.

Inilibot ko ang aking tingin sa paligid at nag-obserba. May naglalagay ng invisible portal para pabalikin ako rito sa malaking ugat na ito. At kadalasang nangti-trip na mga nilalang sa gubat ay ang mga elves na walang magawa sa buhay.

"Magpakita ka sa'kin." Wika ko. Wala akong narinig na tumugon kaya naglakad ako, na siyang pinagsisihan ko rin. May natapakan akong isang invisible portal at sa isang iglap ay nahulog ako sa ilalim ng lupa, literally sa ilalim ng lupa.

Lianna CrestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon