Chapter 3: Starting Again
"KUMAIN na ba, bes?"
"Hindi pa rin eh. Subuan kaya natin?"
"'Wag na 'noh. Baka tayo isubo niyan."
"Shh. Manahimik nga kayo. Nag-sesenti 'yong tao oh."
"Psh. Maka-alis na nga. Wala tayong mapapala sa pangit na taong 'yan."
"Oo nga. Baka mahawa pa tayo sa kapangitan niyan."
Hindi ko na lang pinansin ang mga bulungan ng tatlong lamok na nasa likuran ko. They're at least of my concern right now. Napahinga na lamang ako ng malalim habang inaalala ang karumaldumal na sinapit ni Cheska.
'Escape, live and start again for me, Yanna...'
Live and start again? Really, Cheska? Really?! How can I live if I felt like dying right now?! How can I start if I want to end it now?! Just... how?
Napahagulgol na lamang ako dahil sa naisip. Nahawaan na siguro ako kay Cheska, naging iyakin. Napatanaw ako sa langit, kahit na medyo natatabunan ito ng mga dahon at talulot ng mga bulaklak na naririto.
Ches, are you up there?
Pilit akong ngumiti, kahit na alam ko naman wala ng ngingiti pabalik sa akin.
'Wag mong sasabihin sa akin na wala ka diyan ha? Bawal ka sa impyerno. Banned ka daw r'on sabi ng Daddy Satan mo. Harhar!
Napatawa ako ng mahina, na agad ring napalitan ng hagulgol.
Cheska...
***
NAKATITIG lamang ako pagkaing nasa harap ko. Lumulutang ang maliit na mesa na siyang pinapatungan ng mga ito. Nakakatakam ang mga pagkaing naroroon ngunit kahit anong gawin ko ay wala talaga akong gana. Kapag tinitikman ko ay parang wala lang lasa kaya mas mabuti sigurong hindi na lang ako kumain.
"Hoy, Karissa? Wala ba tayong gagawin? Isang linggo na siyang ganiyan."
"Wala."
"Pero--."
"Hindi natin alam kung ano ang nararamdaman niya. Hayaan na muna natin siya."
"O-Okay."
Napapikit na lang ako ng mariin. Yeah, isang linggo na. Isang linggo na magmula noong mawala siya. Pero kahit na gan'on ay wala pa ring kupas ang sakit na nasa dibdib ko. Hindi ko pa rin mapaniwalaan na wala na talaga si Cheska. Hindi pa rin ako naniniwala.
Again, and as usual, I cried myself to sleep.
***
"KARISSA! Hindi na ako papayag na ganiyan na lang palagi! Mag-iisang buwan na ito!"
"Ako rin! Nakaka-irita na siya! Palaging umiiyak tapos hindi pa kumakain ng maayos. Tignan mo nga oh? Buto't balat na lang siya! Magkakasakit siya niyan eh!"
"Tumahimik nga kayo. Baka--."
"Kung hindi mo siya kakausapin, kami na lang ni Chime!"
BINABASA MO ANG
Lianna Crest
FantasyNormal na buhay lamang ang tinatamasa ni Yanna Fluterion kasama ang kinamulatan niyang kapatid. Masaya at mapayapa. Wala na siyang maiihiling pa. Ngunit dahil sa isang insidente, pakiramdam niya'y biglang gumuho ang dapat ay normal na niyang buhay. ...