Chapter 12: Rainbow Fireflies
"AT paano ka naman nakakasiguro na ma-uuto mo na naman kami?" Tila galit na tigre na sambit ni Lotus sa akin. Napahinga tuloy ako ng malalim.
"Hhmm. Tignan natin." Sabi ko at inilagay ang aking isang kamay sa ilalim ng baba ko, tila ay nag-iisip ng malalim. "Kung hindi ko kayo madadala sa Phlecere, mas mabuti siguro na ilahad ko na lang sa konseho ang mga itinatago niyo."
Agad na nagprotesta ang mga mata nila dahil sa sinabi ko. Para bang binagsakan sila ng langit at lupa dahil sa mga reaksyon nila.
Ang grupong 'Guardian' ay hindi legal. What I mean is, hindi nakarehistro ang grupong ito sa mga grupo ng mga nangtutugis ng mga kriminal. Sa mata ng batas, kalaban rin ang grupong ito. At kapag nalaman ng konseho ang ilang taon na nilang itinatago na existence ay tiyak na mapaparusahan sila ng kamatayan.
Oo, gan'on kalala ang maaari nilang makuhang kaparusahan. Gan'on rin kalala magbigay ng parusa ang mga konseho. Kaya nga nila itinago ang grupo dahil alam nilang iyon ang kahihinatnan nila.
Kapag kasi gagawa kayo ng isang grupo, at gusto niyong lumaban sa mga kriminal, mabibigyan sila ng isang taon para makapagrehistro. Kapag lumampas na sa isang taon ang grupong ito na hindi pa rin rehistrado, tutugisin na ang mga myembro nito ay susunugin na ang mga pag-aari nila.
Sa obserbasyon ko, wala namang tumutugis na konseho sa kanila. Ibig sabihin, hindi pa nila ala ang pagkakilanlan ng grupong ito. Sinadya ng mga Guardians na hindi ipakilala ang grupong ito dahil balak na nilang hindi magparehistro, at hindi ko alam kung bakit o hindi ko lang talaga maalala.
Hindi ko rin alam kung paano nila napapanatiling tahimik ang mga taong nakakita na sa kanila, iyong mga nakakakilala na sa kanila. Paano nila nasigurong hindi sila ipagkakanulo sa mga konseho ng mga tinulungan nila?
"Okay, we'll help you." Sukong sambit ni Shia. Napangiti naman ako ng tagumpay.
Magsisimula akong muli, mga inutil at hangal na mga nilalang. Limang taon ang nasayang dahil sa pagkawala ko, pero hindi iyon makakahadlang sa aking pagbabalik.
Tatlong taon akong nawalan ng malay sa pangangalaga ng kapatid ko na si Cheska. Isang taon ko siyang nakasama bilang kapatid at dahil sa isang insidente ay nawala siya sa piling ko. Halos dalawang buwan akong nagluksa, at sampong taon kong pilit na ibinangon ang sarili sa pamamagitan ng aking pagsasanay. Sumakatutal, limang taong nawala ang presensya ko rito sa mundo.
At ngayong nandito na ako, wala ng makakapigil sa akin. Sisiguraduhin kong hindi mauulit ang nakaraan, at hindi ako magpapadala sa sarili kong katangahan.
Sa pag-aakala nilang natapos na ang laro dahil sa pagkawala ko, nagkakamali sila. Ang pagkawala ko at ang pansamantalang pagkawala ng aking mga ala-ala ay ang siyang simula pa lamang. Simula pa lamang ng larong ito.
Ako ang magmamanipula, habang lingid sa kaalaman nila. Akala nila'y nanalo na sila, pero bagong simula pa pala ang pagkapanalo nila.
Sa larong ito, kailangan ko ng kakampi. At ang mga Guardian na minsan na akong niloko noon ay isa sa mga pinagpipilian ko. Hindi naman kasi masyadong nakakaapekto ang mga ginawa nila sa akin. Basta lang, hindi ko na uulitin ang katangahan ko noon.
"What's your full name?" Tila nag-aalinlangan pa na tanong ni Helios. Oo nga pala, 'Lianna' lang ang nalalaman nila sa akin.
Dahil sa itinanong ni Helios ay biglang nanumbalik sa akin ang isa sa mga napag-usapan namin ni Ferroah.
"Sino ba talaga ako? Sabi mo, marami kang nalalaman sa akin?" Agaran kong tanong sa dyosang nasa harapan ko. Wala na akong pake sa posisyon niya. Tutal, parang tuwang-tuwa pa nga siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Lianna Crest
FantasíaNormal na buhay lamang ang tinatamasa ni Yanna Fluterion kasama ang kinamulatan niyang kapatid. Masaya at mapayapa. Wala na siyang maiihiling pa. Ngunit dahil sa isang insidente, pakiramdam niya'y biglang gumuho ang dapat ay normal na niyang buhay. ...