Chapter 13: Weird
INIWAN nila ako ng mag-isa kagaya ng in-instruct ko sa kanila kanina. May ilan pa nga na tumutol pero wala rin silang nagawa dahil sinamaan ko sila ng tingin. Still, hindi ko pa rin alam kung bakit parang takot na sila sa akin.
Naririto ako ngayon sa isang empty hall. As in sobrang laki at taas pero walang laman. Plain white lang ang buong paligid at ang naiiba lang ata ay ang isang pinto doon sa gilid na siyang ginamit ko para makapasok rito. Pati nga ang suot kong damit ay purong puti at nakasayad sa sahig. Para tuloy akong parte lang ng silid dahil sa nagkahalong parehong kulay ng aking damit sa sahig.
Dala ko rin ang garapon na nasa harap ko.
I cleared everything in my mind at huminga muna ako ng malalim bago sinimulan ang ritwal.
Tumayo ako ng maayos habang nasa unahan ang kanan kong paa. Pinagsalubong ko ang aking mga palad sa paraan na para akong nagdadasal. At sa pagpikit ko ay nasisiguro kong lumakas ang hangin sa paligid, na inililipad na ang puti kong kasuotan ngayon.
Muli akong huminga ng malalim bago umusal ng isang dasal na sana'y marinig ng diyos na tumutukoy ng lokasyon.
"Sa kapangyarihang inyong taglay...
Gabayan ang aking paglalakbay.
Mithiin ko'y puro...
At sana'y ito'y dinggin niyo."
Iminulat ko ang mga mata ko ng marahan, kaya nakita ko ang unti-unting pagliwanag ng sahig na tinatapakan ko ng kulay gintong liwanag. Inulit ko ng paulit-ulit ang mga katagang sinambit ko, kaya mas kumalat pa ang liwanag na bumubuo ng mga linyang magkakarugtong.
Nagsimula sa paanan ko ay ang isang maliit na bilog na kumonekta sa mas malaking bilog dahil sa walong linya na nabuo. Ang malaking bilog naman ay nasapawan na naman ng isa pang malaking bilog. Sapat lamang ang distansiya ng mga ito. Sa labas ng pinakanasa-labas na bilog ay may nabuo ring linya, hanggang sa nakita ko ang isang octagonal star. Sa dulo ng mga sinag nito ay may nabuo ulit na isang bilog. At isa na namang bilog sa pinakalabas.
"Sa kapangyarihang inyong taglay...
Gabayan ang aking paglalakbay.
Mithiin ko'y puro...
At sana'y ito'y dinggin niyo."
Pinaghiwalay ko ang mga palad ko at ibinuka ang mga braso ko sa magka-ibang direksyon. Unti-unti kong itinaas ang kanan kong tuhod habang paulit-ulit pa rin sa pagbigkas ng dasal. Habang paulit-ulit ko itong sinasambit ay pinakiramdaman ko rin ang paligid.
Dapat naman talaga ay nasa gubat ako or something before gawin ang ritwal. Pero hindi ko pwede iyong gawin dahil malalaman ng mga dark beast ang mga ginagawa ko. Baka maunahan pa nila akong puntahan ang sasabihing direksyon ng kalikasan.
If I'm just a normal spellcaster, talagang hindi gagana ang ginagawa ko. Pero may malaki na akong koneksyon sa kalikasan kaya kahit hindi ko sila kaharap ay mararamdaman ko pa rin sila. I'm already a part of the nature...
"Sa kapangyarihang inyong taglay...
Gabayan ang aking paglalakbay.
Mithiin ko'y puro...
At sana'y ito'y dinggin niyo."
Muli kong ipinikit ang aking mga mata, kasabay ng paulit-ulit kong sinasambit.
"Sa kapangyarihang inyong taglay...
Gabayan ang aking paglalakbay.
Mithiin ko'y puro...
BINABASA MO ANG
Lianna Crest
FantasyNormal na buhay lamang ang tinatamasa ni Yanna Fluterion kasama ang kinamulatan niyang kapatid. Masaya at mapayapa. Wala na siyang maiihiling pa. Ngunit dahil sa isang insidente, pakiramdam niya'y biglang gumuho ang dapat ay normal na niyang buhay. ...