Chapter 4: Disciples
"SIGURADO ba kayong aalis na kayo?" Malungkot na tanong ni Milena. Tumango naman kaming apat nina Chime, Mina at Karissa. Huminga na lamang siya ng malalim bago kami nginitian.
"Mag-ingat kayo." Sambit niya. Muli kaming tumango at yumuko bilang paggalang sa kaniya. Ngumiti muna ako bago pumasok sa ginawa niyang portal. Sumunod naman sa akin ang mga pixies ko.
She is Milena Sturnborge, ang naging trainor ko sa loob ng halos sampong buwan. Isa siyang half human, half elf. Asawa siya ni Fritz, iyong elf na tumulong sa akin para makabalanse noong nakaraan.
Nakapagpasya kasi ako na gusto kong mas maging mahusay sa mga bagay-bagay. Nagtanong ako kina Karissa at ini-recommend nila si Milena. Nakatira rin siya sa Sheneria kasama ang sampong anak nila ni Fritz. Yeah, medyo masipag silang gumawa.
Noong una, akala ko masungit siya dahil sa pamamaraan ng pag-train niya sa akin. Strict kasi siya pero kalaunan ay napagtanto ko na paraan niya lang iyon para mas matutunan ko ang mga dapat matutunan. Tinuruan niya ako tungkol sa kapangyarihan, spells, different races, history at iba pa. At kaya kami aalis na para hanapin ang Phlecere.
Tanda ko pa na nabanggit ito ng mga sumalakay sa amin noong gabing nawala si Cheska. Hinahanap ito ng mga disipolo at alam ko kung bakit.
Ang Phlecere ay ang pinakamalakas na keep na naitala sa buong Legertis. Ang kadalasang keep na makikita sa mga palengke ay mga crystal balls. Naglalaman ang mga keep ng mga kapangyarihan na kayang mag-boost ng ibang kapangyarihan. Kadalasan ay mahihina at maliit na percent lamang ang mabo-boost sa kapangyarihan mo kapag ordinaryong keep lamang ang ginagamit mo. Marahil ay gustong mas mapalakas pa ng mga disipolo ang kanilang mga kapangyarihan kaya nila gustong kunin ang Phlecere.
Pinagpapasahan raw kasi ang Phlecere magmula pa noon at right now, walang may alam kung nasaan ang keep na iyon. That's why pupunta ako sa dating bahay namin ni Cheska. Natatandaan ko pa na nagtanong ang isang disipolo kay Cheska kung saan niya raw inilagay ang Phlecere, which means, nasa kamay ito noon ni Cheska.
Hindi naman siguro gan'on katanga si Cheska para dalhin palagi ang Phlecere. Maaaring itinago niya ito somewhere sa bahay namin dati. Posibleng naunahan na ako ng mga disipolo sa paghahanap. Pero deep inside, I know na wala pa rin sa mga kamay nila ito.
Why? Because wala pang nababalita na may nakakita na sa Phlecere muli. Imposibleng hindi kakalat ang balita na tungkol roon dahil involved rito ang pinakamalakas na keep sa buong Legertis.
Gusto kong maunahan ang mga disipolo para mapigilan ang kung ano mang binabalak nila sa Phlecere, at para na rin ibalik ang Phlecere sa dati nitong kinalalagyan.
Few decades ago kasi ay hindi naman talaga isang keep ang Phlecere. Sabi ni Milena, ito ay isang power source ng isang gubat. May magnanakaw raw na kumuha rito at unfortumately, may isa pang magnanakaw raw na kumuha rin dito sa magnanakaw na iyon. Dahil sa balita na nagtataglay ito ng pinakamakapangyarihan na kapangyarihan, hinanap ng mga tao ito hanggang sa naging pasa-pasahan na. Hanggang sa nawala na nga ito ng tuluyan at wala ng nabalitaang may nagmamay-ari nito.
Para makabalik sa amin ay kailangan kong makapunta sa Mavelwood Forest. Iyon ang kinatitirikan ng bahay namin noon. Pero sa kasamaang palad, sobrang layo pa ng lalakbayin ko para makarating roon. Pero ayos lang. Kaya ko namang lakbayin kahit sobrang layo pa para lang sa mga nararapat kong gawin.
Iminulat ko ang aking mga mata noong maramdaman ko ang paglabas namin sa portal. Bumungad sa amin ang isang masiglang bayan.
"Chime, nasa Ovlias na ba tayo?" Rinig kong tanong ni Mina kay Chime. Hindi ko na lang sila pinansin at naglakad na papalayo sa portal entrance.
BINABASA MO ANG
Lianna Crest
FantasyNormal na buhay lamang ang tinatamasa ni Yanna Fluterion kasama ang kinamulatan niyang kapatid. Masaya at mapayapa. Wala na siyang maiihiling pa. Ngunit dahil sa isang insidente, pakiramdam niya'y biglang gumuho ang dapat ay normal na niyang buhay. ...