Chapter 11: Agreement
NAPATULALA ako dahil sa nakita. Pati nga si Emie na nasa loob na ay naka-awang ang bibig dahil sa nasasaksihan.
Sobrang gulo ng paligid. May mga nagkalat na mga bagay at may isang maliwanag na bola na hinahabol ang isang... pusa?. Iyon ang maliwanag na bagay na bumungad sa amin kanina. Ano ba iyon? Mini-star?!
May mga gumagalaw na vines na paligid at pilit hinahablot ang nahulog na babae kanina. May nakalutang na bagay at ang basa ng sahig dahil parang binaha ng tubig. Seryoso?!
Akala ko pa naman, matitino sila dahil may pa-guardian-guardian pa silang nalalaman. Pero... jusmio.
May pitong tao akong nakikita sa loob. Isang lalaking nagbabasa ng librong nakabaliktad. Huh? baliw na ba siya? Babaeng nakikipag-usap, o nakikipaglandian, sa isang lalaking namumula na ang tenga. Ang babaeng hinahabol ng mga vines na parang ginahasa na ang hitsura dahil sa ang gulo ng buhok.
Lalaking tumatawa at nakatingin sa babaeng hinahabol ng vines, probably the one who's controlling the vines. Dalawang babaeng ang sama ng tingin sa isa't isa with matching hands pointing each other na may kasamang tubig sa isa at nakalutang na bato sa isa. Wait, saan nanggaling ang bato?
Pumalakpak si Helios at sa isang iglap ay napatigil sa paggawa ng kung ano ang mga taong nasa silid. Napa-ayos sila ng tayo at naglaho ang mga sira, gulo at kalat sa paligid. Naging maayos ang lahat na para bang walang nangyari. Pati kami ni Emie ay napa-ayos ng tayo. Nakatayo kasi siya malapit sa lalaking tumatawa na isang vine controller.
"Good morning sa inyong lahat." Pagbati ni Helios sa kanila. "Sila ang mga sinabi ko kanina na nangangailangan ng tulong. Sila sina--."
"Yeah, yeah. Pinakilala mo na sila kanina." Parang boring na sabi ng babaeng may tubig sa kamay kanina.
"Oh, my bad." Tila nang-aasar na sambit ni Helios. Para bang nasisiraan na siya, o mas tamang sabihing nasisiraan na sila ng bait.
Naglakad na si Helios papasok ng silid kaya sumunod ako. Nakatitig at tahimik lang na nagmamasid ang mga 'Guardians' sa akin.
"Maupo muna kayo, mga binibini." Tila ay isang maginoong nilalang na sambit ni Helios. May pa-lahad-lahad pa siya ng kamay na nalalaman. Muntikan ko pa siyang hambalusin dahil sa nasaksihan.
Tahimik naman kaming umupo ni Emie sa isang sofa na medyo malaki ang distansya sa isa't-isa.
"Ayun nga, may sinasabi sila na problema na hindi nila malutas ng sila-sila lamang--." Hindi na natapos ang kaniyang sasabihin ng sumabat na ako.
"Excuse me? Kaya kong lutasin iyon, without someones help." Sarkastikong sambit ko. "There's just someone here na pursigidong pilitin akong magpatulong."
Nakita ko ang pagyuko ni Emie dahil sa sinabi ko. Sila naman ay natuon sa akin ang pansin, probably dahil sa aking sinabi.
"Yanna, right?" Tumango ako sa babaeng may levitation ability. "Hindi ko gustong sabihin ito, pero..."
Bumuntong-hininga ang babaeng kayang magpalutang, na tila ba ay pinapakalma ang sarili. Pero matalim ako nitong tinignan pagkatapos.
"Ikaw na nga ang tinutulungan, ikaw pa ang may ayaw! Ang choosy mo namang babae ka--!" Hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin ng tumayo na ako.
"Sino bang pumipilit sa inyong tulungan ako?" Sarkastikong sambit ko, habang nakataas ang isnag kilay. "I'm leaving. Excuse me."
Naglakad ako ng marahan papunta sa pinto. Tinangka akong pigilan ni Helios pero nag-teleport na ako papunta sa labas. Akala ko ay nakalabas na talaga ako sa mala-palasyong lugar na iyon, pero dinala lang ako ng teleportation ability ko sa harap ng isang painting. Ang painting kanina...
BINABASA MO ANG
Lianna Crest
FantasyNormal na buhay lamang ang tinatamasa ni Yanna Fluterion kasama ang kinamulatan niyang kapatid. Masaya at mapayapa. Wala na siyang maiihiling pa. Ngunit dahil sa isang insidente, pakiramdam niya'y biglang gumuho ang dapat ay normal na niyang buhay. ...