Chapter 7: Shinro Town
MAAGANG-MAAGA pa lamang ay nambulabog na ako sa mga pinuno para makaalis na sa Vionre. Muli ko kasing napanaginipan ang mga pixies ko. Hindi dahil nakikipag-komunikasyon sila sa akin, kung hindi ay dahil lamang sa isang masamang panaginip. Dahil siguro sa aking maraming pinag-iisip kagabi ay nagkaroon ako ng masamang panaginip, at kasama na roon na may nangyari raw na masama kina Mina, Chime at Karissa.
Syempre, kinabahan ako. Hindi naman kasi imposible na saktan ng mga disipolo ang mga pixies ko. Ang tanging pinanghahawakan ko na lamang ngayon na nagpapatunay na buhay pa silang tatlo ay ang Pixie Seal na nasa palapulsuhan ko.
Isa itong triangle na nahahati equally into three. Blue, yellow at green ang mga kulay ng bawat nahating parte na ito. Blue for Karissa, yellow for Chime and green for Mina.
May iba pang design sa triangle na hindi ko na lamang pinagtutuonan ng pansin. Ang tinatandaan ko lamang ay kung mabawasan ang kulay ng triangle, may namatay sa kanila. At iyon ang ikinatatakot ko na mangyari. Hindi pwede...
Napabuntong-hininga na lamang tuloy ako, pero pilit pa rin na ngumiti dahil nasa harap ko na ang mga pinunong gusto rin pala akong makausap bago ako umalis.
Kita ko ang nakasimangot na mukha ni Glory. Pati na rin ang nakataas na isang kilay ni Miren. Seryosong mukha ni Lucio at poker face na mukha ni Jenlo. Mga walang paki at inaantok na mukha naman ang iba pa. May isa pa ngang nanghikab na agad namang siniko ng katabi niyang papikit-pikit na ang mga mata.
Hindi ko na lang sila pinansin at kay Jenlo-- pinunong Jenlo na lamang itinuon ang pansin. Nakatingin ito sa akin ng diretso bago unti-unting gumuhit sa kaniyang labi ang isang ngiti.
"Lianna, kung hindi dahil sa iyo, nandito pa rin ang mga Ginfriz at patuloy na nilalagasan ang aming mga nasasakupan. Kung hindi dahil sa iyo, baka pati kami ay napahamak na." Sinserong pahayag niya sa akin. At parang hinaplos ang aking puso noong makita ko na naiiyak ang matandang pinuno.
Pati ang iba pang mga pinuno na naririto sa silid ngayon ay nagulat sa inasta ng kanilang pinaka-pinunong Jenlo. Agad silang sinenyasan ni Lucio at sa isang iglap, nagsi-alisan na ang mga ito at iniwan kami ng matandang pinuno ng kaming dalawa lamang.
Hanga ako dahil sa ginawa nilang iyon. Sobra kasi ang paggalang nila sa pinuno nila sa puntong maiintindihan agad nila ang nararapat na gawin kahit na walang utos mula sa kaniya. Sobrang nakakahanga...
Lumapit sa akin ang matandang elf leader at hinawakan ang aking mga kamay, bago unti-unting yumuko. Halos napaamang naman ako dahil sa ginawa niya. Dahil nga sa gulat ay halos hindi na ako makakilos.
"Sobrang rami ang napahamak at namatay dahil sa mga Ginfriz na iyon." Rinig ko ang mahinang paghikbi ng matandang pinuno, na siyang parang humaplos muli sa aking puso. "Ako ang pinuno nila. Ako ang dapat nagpoprotekta sa kanila. Pero anong nagawa ko para sa mga nasasakupan ko? Wala. Walang-wala."
Agad akong bumitaw mula sa pagkakahawak niya sa mga kamay ko at ipinatong ko ang mga kamay ko sa balikat niya. Napatingin siya muli sa akin kaya nakita ko ang nakakahangang ekspresyon ng isang pinunong marunong makonsensya para sa kaniyang mga nasasakupan. Isang natatanging pinuno.
"Sa totoo lang, may nagawa ka, pinunong Jenlo." Nakangiti kong sambit. "May ginawa ka, at iyon ay ang lahat na iyong makakaya."
Kita ko ang pagkislap ng kaniyang mga mata at mas lalo pang nagsi-agusan ang kaniyang mga luha. Mga luhang purong sinseridad at paglilingkod sa nasasakupan. Luha ng isang pinunong kahit ginawa na ang lahat ay sinisisi pa rin ang sarili dahil sa mga nangyari sa kaniyang bayan.
"Siguro ay marami nga ang mga namatay. Pero hindi mo ba naisip ang mga buhay na nailigtas nila? Namatay silang lumalaban." Pagpapatuloy ko sa pagsasalita. "Oo, hindi nila natalo ang mga Ginfriz, pero alam kong sa maikling panahong pilit nila silang nilalabanan ay ang panahon ng kanilang pagsasakripisyo para sa kanilang pamilya, minamahal at mga kababayan nila."
BINABASA MO ANG
Lianna Crest
FantasyNormal na buhay lamang ang tinatamasa ni Yanna Fluterion kasama ang kinamulatan niyang kapatid. Masaya at mapayapa. Wala na siyang maiihiling pa. Ngunit dahil sa isang insidente, pakiramdam niya'y biglang gumuho ang dapat ay normal na niyang buhay. ...