Chapter 6: Problems
HALOS magmura na ako ng magmura dahil sa pagkataranta. Imposibleng mangyari ang mga ito, hindi ba? Akala ko ba binabantayan ng mga pinuno ang bayan? Did I trust them too much?
Ilang beses akong napahinga ng malalim at mas binilisan pa ang paglipad. Plano ko ang pagtakas na lamang at iligtas ang sarili ko, pero para ano? Para hayaan ang isang inosenteng bayan na maubos ang mga nakatira? Para magaya sila sa Ovlias? Para dalhin ng konsensya ko ang mga nangyari? Psh. Mas mabuting tumulong na lang.
Nang makita kong malapit na ako sa bayan ay huminto ako sa himpapawid. Tinignan ko ng mariin ang bayan at doon ko napansin ang mga Ginfriz na inaatake ang mga mamamayan. Dalawa sa kanila ay lumilipad at dinadagit ang mga mamamayan at doon sa himpapawid hihigupin ang kapangyarihan.
Ang isa ay nasa mga kabahayan at naninira kasabay ang panghihigop ng kapangyarihan ng mga mamamayan. Ang isa naman ay nasa mga katubigan at inaatake ang mga sirena at sireno, pati na rin ang iba pang mga magical creatures na naroroon sa mga katubigan.
Pero, wait...
Paano nakarating agad rito ang mga Ginfriz? Oo, mabibilis silang tumakbo. Pero sobrang imposible na makarating agad sila rito sa maikling panahon lamang. Kung ibabase ko kasi sa kung kailan ko sila huling nakita (iyong sabay-sabay silang umatake sa akin sa ere), sobrang bilis naman yata nilang tumakbo para makarating agad rito.
Kahit nga nasa-full speed na ako sa paglipad kanina ay natagalan pa ako. Kaya bakit sobrang bilis nila? Ako ba iyong mabagal lang talaga o sadyang may mali?
Mas pinagtuonan ko ng pansin ang isang Ginfriz, iyong umaatake sa mga katubigan. Kita ko ang pagdampot niya sa isang papalangoy na sana at paalis na isang sireno. Nagpumiglas ang kawawang sireno sa mga kamay ng Ginfriz. Ngunit hindi nakatakas sa paningin ko ang kulay ng mga mata ng sireno. Bakit kulay ube? Unti-unting nanlaki ang mga mata ko.
F*ck! Bakit hindi ko napansin agad?!
Natanto ko ang isang tang*nang bagay na hindi ko man lang napansin kanina. Ilusyon! May gumamit ng ilusyon! Ngunit sino ang nag-cacast ng ilusyon? Superstrength at hypnotism lamang ang kaya ng mga Ginfriz. Kaya sino?
Isinawalang-bahala ko na lamang muna ito. Kailangan ko na kasing makalabas rito. Ngunit paano? Ramdam ko ang biglaang panghihina ng katawan ko, na para bang may humihigop rito. Sh*t! Dahil sa naramdaman ko, bigla akong nag-panic. Posibleng pinagpipyestahan na ng mga Ginfriz ang katawan ko.
Ang masaklap, wala akong alam na pwedeng pangontra sa isang ilusyon. Para maka-iwas, may alam akong paraan. Pero ang makatakas? I don't think so. Kaya isa sa mga pinaka-delikado na kakayahan ang illusion magic eh. Dahil walang may alam kung paano makakalabas sa isang ilusyon.
Pero hindi pwedeng mamamatay ako sa ganitong paraan. Paano na lang ang mga pixies ko?
"Think, Lia. Think!" Wala sa sariling bigkas ko. Hindi ko nga namalayan na 'Lia' na pala ang nagamit kong pangalan sa sarili ko, ang short term ng 'Lianna'. Hindi ko na lang pinansin ang nasambit ko.
Kasabay ng panghihina ng katawan ko, ay ang biglaang pagsakit ng ulo ko. As in, sa sobrang sakit, bigla kong nabitawan ang levitation spell na na-icast ko. At sa isang iglap, ay bumubulusok na ako paibaba.
"ARRGGHH!!" Hindi mapigilang sigaw ko. Pakiramdam ko ay binibiak ang ulo ko dahil sa sakit. Ramdam ko ang mas panghihina ng katawan ko, at ramdam ko rin ang pagdudugo ng ilong ko.
"B-Bakit... nagawa?!"
"Patawad!"
"Imposible..."
BINABASA MO ANG
Lianna Crest
FantasyNormal na buhay lamang ang tinatamasa ni Yanna Fluterion kasama ang kinamulatan niyang kapatid. Masaya at mapayapa. Wala na siyang maiihiling pa. Ngunit dahil sa isang insidente, pakiramdam niya'y biglang gumuho ang dapat ay normal na niyang buhay. ...