JANE POV
Nasa camella kami ngayon kung saan kami nag gagala o natambay, nag papalipas lang naman kami ng oras dito kapag walang magawa
"Oy, bukas na pasukan, anong balak?" Angel.
"Wala, tinatamad pa akong pumasok" Nics.
"Tamad ka naman talaga" sabi ko sabay inom ng softdrinks
"Wow, nagsalita ang pinakatamad samin" Nics.
"Ahahaha, kayo talaga magsisimula nanaman kayo, ano ngang balak nyo, mag aaral pa ba kayo? Di joke" Angel. "Ano nga, tanong ko lang papasok o hindi?" Dagdag pa ni angel.
"Papasok na hindi" sabi ko.
"Hays, ikaw ba nics?" Tanong pa ni angel kay nics
"Ewan ko" sagot lang ni nics
"Ang panget nyo talagang kausap kahit kailan" sabi pa ni angel, kwentuhan at tawanan lang kami hanggang sa mag ala singko na pala, kaya naman napag pasyahan na namin umuwi
"Daanan nyo ako sa bahay bukas" sabi ko sa kanilang dalawa habang nag lalakad
"Aba jane baka gusto mong ikaw naman ang dumaan samin, lagi na lang kami nag susundo sayo, prinsesa ka?" Mataray na sabi ni angel.
"Oo nga naman jane baka gusto mo, lakarin mo rin kung trip mo" nics, hindi namin namalayan na malapit na pala kami sa bahay namin
"Madadaanan nyo din naman ako dito" sabi ko
"Oo na dadaanan ka na namin, dadaan lang kala mo susunduin ka namin, asa ka pa, hahaha di joke lang, susunduin ka namin kaya dapat maaga kang gumising, kung hindi iiwan ka namin" Angel.
"Opo gigising ako ng maaga, ano papasok pa ba kayo sa bahay o uuwi na kayo?" Tanong ko sa kanila
"Hindi na uuwi na nga eh" nics.
"Uuwi na kami, baka hinahanap na ako samin" angel.
"Sige sige Ingat kayo" sabi ko
"Ingat sila samin" nics.
"Oo na hahaha, bukas na lang ulit" sabi ko pa, bago sila tuluyang naglakad paalis, hinintay ko lang sila na makalayo bago ako pumasok ng bahay "Andito na po ako" sabi ko pag pasok ko, dumeretso na lang ako sa kwarto ko at nagpahinga, makalipas ang ilang sandali bumaba na ako para kumain na sana kaso nag luluto pa si mama kaya naupo muna ako at nanood sa tv kasama si papa at ang bunso kong kapatid na si lory
"Jane tawagin mo na kuya mo dun at kakain na" utos ni mama na agad ko namang sinunod, kaya umakyat na ako at kumatok sa pinto ng kwarto ni kuya
"Kuya kakain na daw" sabi ko
"Susunod na lang ako, may tatapusin pa ako" sabi lang ni kuya, kaya naman bumaba na rin ako para makakain na
"Susunod na lang daw sya ma, may tatapusin pa daw" sabi ko at naupo, maya maya lang bumaba na rin si kuya
"Jane bukas pasukan nyo na, mag aral ng mabuti ha, graduating ka pa naman" papa.
"Opo" sagot ko lang, tahimik kaming kumain hanggang sa matapos, umakyat na rin ako para makapag pahinga na, isasarado ko na sana ang pinto ng kwarto ko ng biglang sumulpot si lory
"Ate papasok, kahit ngayon lang" lory.
"Ge" maikling sabi ko, hinayaan ko na lang na nakabukas ang pinto ng kwarto ko, kinuha ko ang libro sa table ko at binasa habang nakaupo sa kama ko, nang tignan ko si lory, may binabasa din syang isang libro ko "Ano yan?" Tanong ko kay lory
"Emergency Couple" sagot nya
"Gusto mo bang hiramin muna?" Tanong ko pa sa kanya
"Oo naman" tumayo sya habang hawak ang libro "Pahiram ako ate, balik ko pag tapos kong basahin" dagdag nya pa
"Ingatan mo yan" sabi ko na lang, ngumiti na sya at lumabas ng kwarto ko, mabuti naman ay kusa nyang sinara ang pinto ng kwarto ko, binasa ko na lang ang librong hawak ko hanggang sa nakatulogan ko na, nagising na lang ako dahil kay lory