CHAPTER 3

4 0 0
                                    

NICS POV

"Hello nickel, sorry kung natagalan ako" medyo natatawa pang sabi ni sir at inilapag ang mga gamit nya sa table nya

"Ok Lang yan sir" napatingin naman ako kay diana, wow ha close na ba sila, di nya pa nga kilala eh

"So, mag papakilala muna ako" sabi ni sir "I'm Rhonik Lee" habang sinusulat ang pangalan nya sa blackboard "Mr. Lee kung tawagin, Math teacher nyo, ok pwede ko bang iarrange ang upuan nyo?" tanong nya pa

"Pwede naman sir" si diana nanaman

"Tsk" pabulong ko pa, tumingin naman sakin si jane, diko na lang pinansin, tumayo na ang iba sa likod habang kami nakaupo pa rin

"Boys muna dito ah" inisa isa nya na hanggang sa matawag na kami, katabi ko si angel si Jane nasa likod dahil alphabetical ang ginawa ni sir "Ganyan ang pwesto nyo kapag subject ko" dagdag nya pa, so lesson saglit napakadali naman neto, eh lalo na kay Jane fav subject nya pa naman ang math amp, sakit kaya sa ulo, hanggang matapos ang math subject, bumalik na kami sa upuan namin kanina

"Lintek yan may pag ganun ganun pa ng upuan daming alam, wala tuloy akong makausap kanina di ko naman close yung mga katabi ko bwesit eh" sabi agad ni jane

"Hahahaha patayo tayo ka pa, dyan ka rin naman pala uupo" natatawang sabi naman ni angel kay Jane

"Badtrip nga" sabi ni jane, bigla namang pasok ng last subject teacher namin

"Ok class, science teacher" paulit ulit nanaman tapos lesson saglit sulat sa blackboard then ipapaliwanag, mabilis na natapos ang last subject namin kaya uwian na, nang biglang nag vibrate ang cellphone ko

"Babs nasaan ka na?" nakangiting tanong ko, nakatingin naman sakin si Jane

"Ah babs di muna ako makakasabay kasi may lakad kami nila mama susunduin ako" elle

"Ah ganun ba, sige mag iingat kayo ah" nagulat ako ng bigla nyang binaba ang tawag "amputa, binaba agad bastosan" sabi ko pa, inayos ko na lang ang gamit ko

"Anong sabi?" tanong ni Jane

"Hindi daw muna sya makakasabay satin may lakad daw sila ng mama nya" sagot ko habang nag aayos

"Lakad lang pala eh tayo nga may gapang pa eh" natawa naman ako sa kanya

"Pwede naman tumakbo diba" singit ni angel

"Yay kapagod nun" Jane.

"Puro talaga kayo kalokohan tara na hahahahaha" natatawa talaga ako sa dalawang to eh pag si Jane nag simula na ng topic kung saan saan na makakarating ang kalokohan "12:30 na oh nandyan na yung mga grade 9 sa labas, para makauwi na rin tayo" nilabas ko na yung payong ko para mamaya

"Sana all may payong" Jane.

"Di kasi kayo nag dadala ng payong" sabi ko sa kanila

"Bakit pa mag dadala eh kung meron ka naman" angel, habang palabas kami ng building

"Oo nga naman, May point naman si angel hahahahaha" nag apir pa ang dalawang kupal, pag dating sa mga kalokohan at biruan mag kasundo yang dalawa at ako ang target

"Bukas ulit dadaanan ka pa rin naman namin Jane kaya maaga kang matulog at maaga kang gumising kupal ka" angel to Jane

"Oo na pasensya ka na god bless" Jane

"Jane bukas makikikain ako sa inyo sabihin mo kay tita dun ako kakain sa inyo para madagdagan nya ang almusal hahahahaha charot basta dun ako mag aalmusal sa inyo ah" natatawang sabi ko kay Jane, habang nakasakay kami sa tricycle

"Oy ano, ikaw lang, damot mo naman, syempre ako din, ahahahaha" angel.

"Oo na puro kayo pagkain agahan nyo para makakain agad kayo" Jane.

"Ikaw kamo dapat agahan mong gumising dahil kung hindi, Edi hindi" Angel

"Oo na hahahahaha pababa na ako oh" Jane

"Gege Ingat" sabi namin ni angel sa kanya, bago sya bumaba

"Oumm kayo din ingat, Ge bukas na lang ulit" Sabi ni jane pag baba nya ng tricycle, kumaway na lang din kami, sinundan ko pa sya ng tingin hanggang sa makapasok sya sa bahay nila, nakauwi na rin ako si angel naman ang huling bababa ng tricycle dahil malayo layo pa sya

THE BAD GIRLS TRIOWhere stories live. Discover now