CHAPTER 22

1 0 0
                                    

JANE POV

Pag pasok ko sa bahay ay nagulat ako ng sinalubong ako ni kuya at may hawak na isang basong tubig, iniabot nya sakin yun kaya kinuha ko na lang at ininom ang tubig

"Salamat" sabi ko kay kuya

"Wala yun, kain ka na rin" sabi nya

"Mag bibihis muna ako" sabi ko

"Ikaw bahala" sabi lang ni kuya at bumalik na sa kusina para ilagay ang baso, umakyat na ako at pumasok sa kwarto ko para mag palit ng damit, napahawak naman ako sa kwintas na suot ko, meron nga pala ako nito, pag baba ko at kumain lang ako at nanood sa tv "Wala ka bang ibabalita dyan?" kuya, napatingin naman ako sa kanya

"Balita saan?" tanong ko

"Anong ganap ngayong lunes sa school nyo?" Kuya

"Maayos naman" sagot ko

"Balita ko ano-" hindi natuloy ang sasabihin nya ng mag salita ako

"Ano?" tanong ko sa kanya

"Balita ko sabay sabay kayong kumain kanina" sabi ni kuya

"Ah oo" sagot ko "Sino naman nag sabi sayo?" tanong ko kay kuya

"Nakita ko sa pics" sabi ni kuya at pinakita ang picture namin kanina

"Hala gagi, sayo pala na send yan hahaha kala ko sakin nasend" natatawang sabi ko kay kuya

"Kay nics na acc to diba" kuya

"Oum, ginamit ko kasi cellphone nya pang selfie hahaha, tapos sayo pala nasend" sabi ko, hindi ko nakita kung May convo ba sila o wala "Patingin nga" sabi ko at kinuha ang cp ni kuya, yung pics lang na sinend ko ang nakita ko hindi sila nag chachat, malay ko kung nag chachat ba sila o hindi diba hahaha ang sama ko na ata

"Send mo na sa acc mo" sabi ni kuya, kaya naman sinend ko na lang at binalik sa kanya ang cellphone nya

"Sige salamat" sabi ko at umakyat na para magpahinga, nahiga ako kama ko at nag basa ng libro hanggang sa nakatulog na pala ako, pag gising ko ay nagulat ako ng katabi ko na si lory, bakit naman sya natulog dito, hinayaan ko na lang sya, tumayo na ako at nag cr, pag labas ko ng cr ay umuunat na si lory, hindi ko na lang pinansin at bumaba na ako, maya maya lang nakasunod na sakin si lory

"Oh gising ka na pala, sakto kakatapos ko lang mag luto, kumain na kayo" sabi ni mama

"Bakit ikaw hindi ka kakain?" Tanong ko kay mama

"Busog pa ako" sabi ni mama

"Himala" sabi ko at nag punta na lang ng kusina, pumasan sakin si lory "Aray ha ang bigat mo kaya" sabi ko sa kanya

"Ang gaan gaan ko lang ate eh, parang gusto ko na lang tuloy mag diet hahaha charot lang" lory.

"Yay, may pa charot charot ka pang nalalaman ha" sabi ko kay lory habang nag sasadok ng pagkain "Si kuya?" tanong ko nang mapansing wala si kuya

"Nasa kwarto nya" sabi ni lory

"Tawagin mo na kaya" utos ko kay lory

"Luh, ayoko nga bahala sya dyan ano sya chicks" sabi pa ni lory

"Ako na nga lang" sabi ko, utos ko gawa ko hahaha, umakyat muna ako at kakatok na sana ako sa pinto ng kwarto ni kuya ng biglang bumukas "Kakain na" sabi ko kay kuya

"Alam ko" sabi nya, inakbayan nya ako at sinabay sa pag lalakad, tinanggal ko naman ang kamay nya "Arte" sabi pa ni kuya

"Ang panget mo kasi tapos aakbay ka sakin yak" sabi ko

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE BAD GIRLS TRIOWhere stories live. Discover now