CHAPTER 15

3 1 0
                                    

JANE POV

Nang makauwi ako dumeretso na agad ako sa kwarto ko, ngayon ko lang napansin na may hawak pala akong isang box, nilapag ko muna ang bag ko sa kama ko at umupo, bubuksan ko na sana ang box, kaso may biglang kumatok na ikinagulat ko kaya naman nabitawan ko ang box

"Jane bakit di ka pa nag bibihis?" Bungad na tanong ni mama

"Wait Lang po" sabi ko at kinuha ang box na nahulog

"Ano yan?" tanong ni mama

"Di ko alam, di ko pa nga nabubuksan eh" sabi ko

"Buksan mo na, saan ba galing yan?" Tanong pa ni mama

"Binigay sakin ng Bebe ko" natatawang sabi ko

"May bebe ka?, pakilala mo nga sakin" sabi ni mama

"Di joke lang binigay sakin to ng ka schoolmate ko" sabi ko kay mama, pag bukas ko ng box nakita ko na ang laman isang bracelet na may nakasulat na pangalan ko "Ma tignan mo" inabot ko kay mama ang box para makita nya

"Binili mo ata to eh" sabi ni mama

"Hindi ah, wala naman akong pera, para makabili ng ganyan" sabi ko

"Bakit pangalan mo nakalagay dito?" Tanong ni mama

"Kaya nga binigay sakin kasi pangalan ko nakalagay eh, ang ganda no ma, may isa pa ma eh binigay ni ms. Bautista pinabibigay daw sakin, wait" sabi ko kay mama nung naalala ko yung binigay ni ms. Bautista, kinuha ko yun sa bag at binuksan ang bag "Bakit parang parehas?" Tanong ko dahil same lang ng box pinag kaiba lang ay ang kulay, yung galing kay ma'am ay black ang galing naman sa lalake maroon "Hindi ko pala natanong pangalan nun" sabi ko dahil diko nakilala yung lalake kanina sayang naman "Ma tignan mo kwintas, ang ganda" sabi ko kay mama ng makita ang laman ng binigay ni ms. Bautista "Ang ganda no ma" sabi ko pa

"Sigurado ka bang sayo yan, bakit ka naman nila bibigyan ng ganyan" nag tatakang sabi ni mama dahil ngayon lang din ako nakatanggap ng ganito

"Di ko alam binigay lang nila sakin wala namang sinabi" sabi ko, kulay silver ang bracelet ko, ang kwintas naman ay kulay gold

"Ingatan mo yan, at yang kwintas isuot mo yan panakot sa aswang yan" sabi ni mama

"Panong panakot?" Tanong ko

"Tanso yan magandang isuot mo na lang, mag bihis ka na kumain ka na dun malamig na yung ulam" sabi ni mama bago lumabas, tumayo ako para mag bihis, pag tapos kong mag palit ng damit kinuha ko yung kwintas na binigay sakin at sinuot, ang ganda ng kwintas dahil cross ang pendant, gold pa ang kulay, ganto yung gusto kong kwintas dahil ganto yung kwintas na nakita ko sa crush ko noon, kaya nagustuhan ko ang ganito, pag tapos kong isuot yun bumaba na ako para kumain, dumeretso na ako sa kusina dahil nagugutom na rin ako, nag hahanap ako ng ulam sa lamesa pero wala dahil nasa kaserola pala kung saan niluto ni mama na tinolang manok, habang kumakain ako bigla namang dumating si kuya "Ngayon ka lang kuya late ata uwi mo?" Bungad na tanong ko sa kanya dahil dapat mas nauna syang umuwi kesa sakin

"Nag punta pa kami sa bahay ng classmate ko gumawa kami ng project bwesit naman" inis na sabi nya

"Bakit?" Tanong ko

"Pano yung ate ni angel parang tanga dikit ng dikit sakin di ako makapag concentrate kaya natagalan kami" naiinis na sabi nya pa, kumuha sya ng plato at ng pagkain nya bago umupo sa kabilang upuan

"Baka type ka ayieee" pang aasar ko pa kay kuya

"Yak mandiri ka nga" sabi ni kuya at kumain

THE BAD GIRLS TRIOWhere stories live. Discover now