ANGEL POV
Pag baba ko ng tricycle ay nag bayad lang ako at pumasok na ng bahay, nakita ko si ate na kumakain sa sala habang nanonood sa tv
"Ate sila mama?" Tanong ko kay ate pag kalapag ko ng bag ko sa upuan
"Namalengke" sagot ni ate
"Namalengke tanghali, ayos yun, madedate lang sila ni papa eh sus" sabi ko
"Hayaan mo na lang, kumain ka na lang dyan" sabi pa ni ate
"Sabi ko nga kakain na eh" sabi ko, tumayo na ako at kumilos para kumain
"Oh kamusta naman ang first day?" Tanong ni ate
"Maayos naman, kami kami nga ulit mag kakaklase eh" sagot ko
"Nako, ayusin mo yang pag aaral mo ha" ate.
"Syempre naman ako pa ba" nakangiting sabi ko, pag tapos kong kumain ay nag paghinga na lang din muna ako kasama si ate, di rin nag tagal nag kwentuhan at tawanan na ang nangyari
"Wow mukhang nag kakatuwaan kayo ah" sabi ni mama pag dating nila
"Ma saan kayo galing?" Tanong ko
"Sa palengke" sagot ni mama at pinakita ang mga dala nyang plastic bag na nag lalaman ng mga binili nila
"Ayiee nag date lang kayo ni papa eh" sabi ko sa kanila
"Ikaw talagang bata ka" papa.
"Hahahaha" sabay sabay na tawa namin.
Nag kwentuhan na lang ulit kami, kwenikwento ni papa ang mga ginagawa namin ni ate nung mga bata pa kami hanggang sa ngayon, hindi namin namalayan na mag gagabi na pala, kaya pala nag luluto na si mama
"Kamusta naman ang first day nyo?" Tanong ni mama
"Mabuti naman po" sagot ko
"Ok lang naman, ganun pa rin" ate.
"Pagbutihin ninyo ang pag aaral nyo mga anak" sabi ni papa
"Opo" sabay na sagot namin ni ate
"Kaklase ko pa rin sila jane at nics" sabi ko
"Maganda kung ganun, dahil may kilala ka at may kaibigan ka" sabi ni papa
"Anong maganda, eh basagulera yung mga yun" nagulat ako sa sinabi ni mama
"Hindi sila basagulera ma" sabi ko
"Ayos ayusin mo ang pag aaral mo" sabi na lang ni mama, pag tapos namin kumain ng hapunan ay pumasok na ako sa kwarto at naupo sa kama, bigla din naman pumasok si ate
"Hayaan mo na lang yun si mama wag mo ng pansinin yung mga sinabi nya kanina, basta wag mong pababayaan ang pag aaral mo" ate.
"Nakakainis lang ate, yun ba ang pagkakakilala nya kela jane, hindi naman sila war freak ate, kaibigan ko sila, alam mo naman yun ate diba, alam mo din kung ano kami ni jane noon, kaya kilala ko na sya" sabi ko
"Wag mo na lang pansinin si mama, mag pahinga ka na may pasok pa tayo bukas" sabi lang ni ate at nahiga sa kama nya
Magkasama kami ni ate sa iisang kwarto, pero tig isa kami ng higaan, hindi ako makatulog agad kaya naman nilibang libang ko muna ang sarili ko hanggang sa nakatulog na ako