JANE POV
Sumunod lang ako kay ms. bautista habang dala ang gamit nya, nang makarating kami sa faculty nila ay binigay ko sa kanya ang gamit nya, babalik na sana ako ng room nang bigla syang mag salita
"Sandali lang Velasquez, dyan ka muna saglit lang" sabi ni ma'am at pumasok naman sa loob ng faculty nila, nag hintay naman ako pero hindi rin nagtagal lumabas si ms. Bautista, nagulat ako nang may iabot sya sakin na isang maliit na bag, ano nanaman to "Pinabibigay yan sayo, kaya ikaw ang isinama ko" kinuha ko naman yun ng dahan dahan dahil diko naman alam kung kanino to galing "Sige na balik ka na sa room nyo salamat, mag aral ng mabuti para sa future mo" nakangiti pa ring dagdag nya
"A-ahh sige po ma'am, salamat po" nasabi ko na lang kay ma'am, iniisip ko lang kung sino ang nag papabigay neto, hinayaan ko na lang hanggang sa maka balik ako sa room, nakita ko naman ms. dela cruz na nakatayo na sa harap "Ma'am sorry I'm late" sabi ko, nilingon nya naman ako
"Saan ka galing?" Tanong ni ma'am
"Hinatid ko po kasi si ma'am Bautista" sabi ko pa
"Ahh ok, pumasok ka na bilisan mo May quiz tayo, 5mins pa para makapag review" sabi nya lang pumasok agad ako at umupo sa upuan ko, kinuha ko ang notebook ko para makapag review, binasa kong mabuti ang mga sinulat namin kahapon ay nung mga nakaraan pa "Times up" biglang sabi ni maam, binasa ko ulit yung bandang dulo para talagang tapos "Pakitago lahat ng notebook ballpen lang ang nakalabas" dagdag nya pa, tinago ko naman na ang mga gamit ko sa bag, ang iba naman ay nasa ilalim ng kanilang upuan, unti unti namang inabot ang bawat test paper, pag dating naman sakin ng papel agad ko naman nang sinimulan ang pag sasagot, nasa kalagitnaan na ako ng pag sasagot nang bigla akong napatingin sa labas, nagulat ako ng may nakita akong isang lalaki na nakangiti habang nakatingin sakin, bigla naman syang umiwas ng tingin at nakapamulsang umalis, sino naman kaya yun, nag patuloy na lang ako sa pagsasagot hanggang sa natapos na ako, pag tapos ko mag sagot pinasa ko kay ma'am ang test paper ko at nag paalam na mag ccr lang, pinayagan nya naman ako kaya lumabas na ako, habang nag lalakad ako pababa ng hagdan bigla akong natalisod kaya na out of balance ako, napabilis ang pag baba ko sa hagdan mabubunggo na sana ako sa pader, nagulat ako ng may lalaking biglang humarang sa harapan ko, bale nakorner ko sya sa pader, kunting kunti na lang ang pagitan ng mga mukha namin kunting galaw nya mahahalikan ko na sya, kaya naman dali dali akong umatras palayo sa kanya
"Teka, ikaw?" Tanong ko, sya yung lalaki kanina na nakatingin sakin habang nag sasagot ako "Ah aray, potek" nasabi ko ng bigla kong maramdaman ang sakit ng paa ko kaya naman napaupo ako at hinawakan ang paa ko, sobrang sakit bwesit, di naman ako nakatakong, gulat ako ng bigla syang lumapit sakin aktong bubuhatin nya sana ako nang pigilan ko sya "Bakit?" Tanong ko
"Masakit diba, hahatid na kita sa clinic" sabi nya
"Ha, hindi na, thanks na lang" sabi ko, pag tayo ko naman bigla nanaman akong muntik matumba, agad nya naman akong nasalo, binuhat na nya ako, di na lang ako nag salita hinayaan ko na lang kahit ang daming kinginang nakakakita, nahihiya na ako, hindi ko naman kilala tong lalake na to eh, pag dating namin ng clinic nilapag nya lang ako sa bed paupo, nag uusap sila ng nurse pero hindi ko marinig kung ano bang pinag uusapan nila, pag tapos agad naman ng lumabas ng clinic yung lalake, lumapit naman sakin ang nurse at tinanong kung saan yung paa ko na masakit tinuro ko naman yun tinanggal nya ang sapatos ko at hinilot ng dahan dahan ang paa ko, ang sakit pa naman, matapos yun nag pahinga muna ako saglit, dito na rin ako ang cr sa clinic, mga ilang sandali pa nawawala wala na ang sakit kaya naman umalis na ako dahil kaya ko naman ng mag lakad, pag labas ko ayun ang daming tao potek breaktime na kaya naman nag madali akong umakyat sa taas nakasalubong ko si ma'am sa hagdan