JANE POV
Nagbibihis na ako para maagang makarating kela angel dahil ngayon na ang birthday ng ate nya, pag tapos kong mag bihis ay lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba
"Si kuya?" Tanong ko kay mama
"Nasa taas pa ata" sagot ni mama
"Jane anak wag kayong gagawa ng gulo dun ha" sabi ni papa sakin
"Hinding hindi po" sagot ko, sakto naman bumaba na si kuya at nakabihis na
"Tara" pag aya ni kuya "Alis na kami ma, pa, alis na kami" pag papaalam ni kuya
"Oh sige mag iingat kayo, pasabi na lang kay kezshia na happy birthday" sabi pa ni mama
"Yang kapatid mo bantayan mo yan" sabi ni papa kay kuya
"Opo akong bahala" sabi pa ni kuya
"Oh sige na, mag ingat na lang" sabi na lang ni mama
Lumabas na kami ni kuya at naglakad palabas ng street namin at naghintay ng tricycle, di rin naman nag tagal ay may dumating ng tricycle at sumakay na kami, sa
likod ng driver naka pwesto si kuya at ako naman nandito sa loob, kaya kasama si kuya dahil classmate sya ni kezshia kaya inimbitahan sya, kahit ayaw nya pumayag pa rin sya dahil kasama naman daw ako, pag dating namin kela angel ay sumalubong sakin ang ate nyang si kezshia, lumapit sya at bumeso pa"Mabuti naman at nakapunta ka" sabi nya sakin
"Syempre naman, malakas ka sakin eh" nakangiting sabi ko "Gift ko, happy birthday" sabay abot ko ng gift sa kanya
"Ayiee salamat, upo ka muna" sabi nya sakin
"welcome" tinignan ko naman si kuya na nakatingin lang kung saan "Kuya, ikaw?" Tanong ko kay kuya
"A-Ha?" Gulat na sabi ni kuya
"Ayaw mong umupo?" Tanong ko sa kanya
"Ah, sige umupo ka na, tabi tayo" sabi nya pa, 'ano kayang nangyayari dito kay kuya'
"Kuya, kanina ka pa tulala, sino ba tinitignan mo?" Tanong ko sa kanya
"Ah, wala yun" sabi nya "Ay nga pala kez, happy birthday, regalo ko sayo oh" sabi ni kay kezshia at inabot ang regalo na kanina pa ata hinihintay ni kezshia
"Salamat kala ko wala akong regalo galing sayo eh" kezshia.
"Happy birthday daw sabi nila mama" sabi pa ni kuya
"Ay Oo nga pala bakit hindi nyo sila sinama?" Tanong ni kezshia
"Marami pa daw kasi silang gagawin at magsisimba pa sila mamaya" sabi ko
"Ah, pasabi salamat hehehe" kezshia.
"Si angel?" Tanong ko
"Nasa kwarto pa ata" kezshia.
"Ahh ok" sabi ko na lang, napansin kong wala si nics pero nandito naman si kuya josh, tumayo ako at lumapit kay kuya josh "Si nics, di mo kasama?" Tanong ko kay kuya josh
"Ay oo nga pala bakla ka, nandun sa bahay maga ang mata, wala pang tulog yun eh kaya hindi nakasama, ewan ko ba dun Bakit hindi natulog" josh.
"Pwede ko ba syang puntahan?" tanong ko
"Hoy, hoy, hoy, saan ka pupunta?" Biglang singit ni angel lakas ng boses nya sakit sa tenga
"Mabuti pa ngang puntahan nyo na lang di namin makausap eh" biglang sabi ni josh