CHAPTER 11

3 0 0
                                    

ANGEL POV

Papunta na kami ni nics sa bahay nila jane ngayon para sunduin sya "ang gara mo nics, bakit di ka pumunta kahapon" sabi ko kay nics habang naglalakad

"Eh, nilagnat ako eh" sabi nya

"Ha, ayos na ba pakiramdam mo?" Nagugulat na tanong ko pa at hinipo ang leeg nya kung mainit ba, nagulat naman ako ng bigla nyang tanggalin yun, nakakapanibago lang

"Ayos na ako" sabi nya "Oh, nandito na pala tayo" napatingin na lang ako sa bahay nila jane "Oy tara na" pag aya nya pa at naunang pumasok sa loob, sumunod na lang ako sa kanya, nagulat lang kasi ako sa ginawa nya kanina, dumeretso naman kami sa loob ng bahay nila jane dahil naka bukas naman ang pintuan nila

"Oh nandito na pala kayo, sandali tatawagin ko lang si jane maupo muna kayo dyan" sabi ng mama ni jane na nagmamadaling umakyat sa taas, naupo lang kami ni nics pero sa kabilang upuan sya umupo, agad nya namang nilabas ang cellphone nya, tahimik lang akong nakatingin sa kanya, iniisip ko pa rin yung kanina 'teka bakit parang napaka bigdeal naman sakin nun' sa isip ko pa, nagulat lang naman talaga ako sa ginawa nya, hindi ko pa kasi naranasan yun, kahapon din si jane sinigawan nya ako dahil nag pupumilit akong sumama sa kanya, hays ganun ba talaga sila, sakto namang pag baba ni tita kasama si jane napatayo agad ako, diko alam kung bakit

"Nandito na pala kayo" Sabi ni jane "Kumain na ba kayo?" Tanong nya pa

"Oumm" sagot ko, ngumiti sya sakin kaya naman napangiti rin ako, tumingin sya kay nics na nag cecellphone pa rin

"Ding, ikaw kumain ka na" Tanong nya kay nics "tara kain tayo" dagdag pa ni jane

"Nag Kape na ako" sagot ni nics

"Di ka na kakain?" Tanong ulit ni jane

"Nagkape na nga ako, busog na ako" nics.

"Bahala ka nga dyan" sabi ni jane kay nics, pumunta sya sa kusina nila, gusto ko sanang sumunod kaso baka hindi ako pansinin kaya umupo nalang ulit ako, di rin sya nag tagal lumabas sya galing kusina nila na may dalang plato na may laman na pagkain nya, inilapag nya sa mesa ang plato at tumingin sakin "Gusto mo magkape?" Tanong nya sakin

"Tubig na lang" nakangiting sabi ko

"Milo? Milk? Ayaw mo?" Tanong nya ulit

"Tubig na nga lang hahaha" natatawang sabi ko, ang kulit nya kasi

"Kuha ka" sabi nya "Joke Lang hahaha, wait lang" dagdag nya pa, bumalik sya sa kusina nila para kumuha ng maiinom namin, napatingin ako kay nics na tahimik na nagcecellphone, hinayaan ko na lang, dumating din naman si jane, umupo sya sa tabi ko at nilapag sa harap ko ang isang mag, gulat akong napatingin sa kanya, ngumiti naman sya "Alam kong favorite mo yan eh kaya yan na lang" sabi nya napangiti naman ako, diko aakalain na ipagtitimpla nya pa ako nento, para akong biglang kinilig AHAHAHA

"Ayiee thanks" nakangiting sabi ko sa kanya, ngumiti naman sya at kumain na, pero si nics wala pa ring imik

"Kamusta naman kahapon?" Tanong ni jane sakin

"Ayos naman, masaya na hindi" sabi ko

"Ha? hakdog, bakit?" oh diba parang siraulo lang

"Masaya na hindi, masaya kasi may pag kain, hindi dahil wala kayo" nakangusong sabi ko at sumandal sa sofa nila

"Babawi na lang ako" sabi nya sakin at ngumiti kaya naman napangiti na lang din ako, sa ngayon palang bawing bawi na sya sakin eh, tumingin naman sya kay nics "Ding, uso mag salita no" sabi ni jane kay nics kasi hindi pa rin sya nag sasalita kami lang ni jane nag uusap, tumingin naman sya samin

THE BAD GIRLS TRIOWhere stories live. Discover now