JANE POV
Makalipas ang ilang linggo, sabado ngayon at wala akong magawa dito sa bahay, naisipan ko na lang na pumunta sa bahay nila angel kasama si nics, hindi kami nag sabi kay angel na pupunta kami sa kanila ngayon, pag dating namin sa kanila
"Tita si angel po?" tanong ko sa mama ni angel
"Wala sya dito, pupunta daw sya sa times bakit?" Taray ng mama ni angel oh, nagulat naman ako sa sinabi ng mama nya
"Sa times po ba" nics.
"Oo" sabi pa ng mama ni angel
"Ok po" sabi ko lang, umalis agad kami sa kanila at nag madaling pumunta ng times
"Ding saan natin sya dito hahanapin?" Nics.
"Maliit lang to ding, makikita agad natin sya" sabi ko, nalibot namin ang isang street ngunit hindi namin nakita si angel, naglakad na kami, nang makarating kami sa kabilang street ay may nakita akong limang babae at hindi nga ako nagkamali nandun si angel "HOY" sigaw ko, kaya naman agad silang napatingin sakin, lumapit kami at dun na nag simula ang bakbakan namin, si ghianne ang nakaharap ko, agad kong hinila ang buhok nya at kinaladkad
"Tangina ka hindi mo ba kami titigilan Ha, matapang ka kasi may kasama ka, pagbuhulin ko pa kayong dalawa ng ate mong talunan" galit na sabi ko at sinabunutan sya nararamdaman ko ang mga kuko nya, yan lang ba ang panlaban nya, nagulat ako ng marinig ko si angel, agad akong lumapit sa kanya at sinipa si ghinne na humampas ng kahoy kay angel, pag sipa ko sa kanya agad naman syang natumba, aktong susugurin ko pa sana si ghinne nang bigla akong pigilan ni angel, tinignan ko sya ng masama, bigla namang nag sialisan ang mga gaga, hindi tuloy ako nakabawi tangina kasi, tinignan ko naman si angel
"Ang sakit" sabi ni angel at napahawak pa sya sa balikat nya na pinalo ni ghinne ng kahoy
"Tang ina, bakit ba nagpunta kang mag isa dito ha, hindi mo alam kung anong pwede nilang gawin sayo kung wala kami" nagagalit na ako tang ina lang
"Sorry" Angel.
"Sorry, eh pota, anong magagawa nyang sorry mo bwesit" naiinis na sabi ko sabay padyak sa hangin, nakaka putang ina lang
"Ding mabuti pang iuwi na lang natin si angel sa kanila" nics.
"Nakaka gago, tangina" naiinis na sabi ko pa, napatingin naman ako sa braso ko na puro kalmot at bakat ng kuko ni ghianne
"Tara" inalalayan ni nics si angel at nauna ng maglakad, ako nasa likod lang nila at nakasunod, pag labas namin ng times ay naghintay kami ng tricycle at sumakay, galit na galit ang mama ni angel pag dating namin sa kanila
"Sinabi ko naman sayo wala kang mapapala kakasama sa mga yan kung hindi puro sakit sa katawan" yan ang ayaw ko, kaya ayokong napapahamak sila dahil ako ang nasisisi ako lagi ang may kasalanan dahil ako ang matanda, tangina, tumingin naman samin ang mama ni angel "Kayo umalis na nga kayo" sabi pa ng mama ni angel, tumayo na lang ako at sinama si nics palabas ng bahay nila angel, dahil baka kung ano pang magawa ko, imbis na mag pasalamat galit pa
"Pag pasensyahan nyo na si mama" kezshia, sumunod pala sya
"Wala yun" sabi ko
"Ok lang aalis na kami" nics
"Pasensya na talaga kayo, mag iingat kayo sa pag uwi ha" kezshia, nag lakad na kami palayo ng bahay nila angel
"Babalik tayo dun bukas hindi pa ako tapos" sabi ko kay nics
"Palipasin na lang kaya natin yun" nics
"Hindi pwede ding, ayoko ng sinasaktan kayo kaya hindi ko palalampasin yun" sabi ko "Kung ikaw palalampasin mo, ako hindi, kung ayaw mo din ako na lang ang babalik" sabi ko pa
"Sasama ako" bigla ng sabi ni nics
"Ok" nasabi ko na lang at sumakay na rin kami para maka uwi na, pag dating ko ng bahay ay nakita agad ako ni lory at agad naman syang lumapit sakin
"Ate anong nangyari dyan sa braso mo?" lory ng makita nya ang braso ko
"Napa away ako" sabi ko at dumeretso sa sofa para maupo
"Nakipag away ka nanaman, hay naku" sabi ni mama at kumuha kinuha ang first aid kit at ginamot ang sugat ko
"Bakit ka nanaman napa away?" Tanong ni kuya
"Hinarang kami sa times eh, ayaw kaming tigilan kaya pinatulan ko na pero nakatakas pa rin, lugi kami eh apat sila tatlo lang kami" sabi ko
"Sa times, ano namang ginawa nyo dun?" tanong pa ni kuya
"Pupunta dapat kami ng McDo, kaso hinarang kami kaya ayun napa away na" sabi ko
"Kailan ka naman titigil sa pakikipag away mo jane, puro sugat na lang napapala mo dyan, kailan mo bang balak tigilan yan" mama.
"Kapag pinatigil na ako ng baby ko" nakangiting sabi ko
"Sagutin mo na kasi manliligaw mo" sabi ni kuya
"Wala namang nanliligaw sakin" sabi ko
"Wala daw, sus ate kilala ko na nga yung iba eh" lory.
"Wala na yung mga yun, hindi naman sila tatagal sakin eh" natatawang sabi ko pa
"Ayan, malinis na yan ha" sabi ni mama, nakita ko naman ang braso ko na parang nawala ang mga sugat sa sobrang linis, di ko manlang naramdaman yun "Kain na" dagdag pa ni mama at tumayo na para magpunta ng kusina, sumunod naman kaming tatlo para kumain na rin
"Wala nga ba talagang nanliligaw sayo?" napatingin naman ako kay mama dahil sa tanong nya habang kumakain
"Ma, may umaamin lang sakin pero di nila ako kayang ligawan ng matagal, paasa lang daw ako, alam ko naman yun" sabi ko
"Kung liligawan ka ba nung lalake na nag bigay sayo ng box sasagutin mo?" tanong ni kuya na agad ko namang ikinagulat
"Ha, sinong lalake?" Tanong ko kay kuya
"Yung nag bigay sayo ng box na maliit, akala mo di ko nakita yun" sabi ni kuya, napaisip pa tuloy ako
"Ahh, di ko naman kilala yun eh, hindi ko na rin naman nakikita yun" sabi ko
"Pano nga kung ligawan ka nya sasagutin mo ba?" pag unlit pa ni kuya
"Ewan ko, kung magugustuhan ko sya, kung mag kakaroon ako ng feelings sa kanya malay mo" sagot ko
"Meron pang isa, lagi kang sinusundan nung lalake na yun" sabi pa ni kuya
"Sino naman?" Tanong ko
"Aba malay ko kung sino yun, pero feel ko type ka nun" kuya.
"Paano mo naman nasabi na type ako nun?" tanong ko
"Eh lagi ka nyang sinusundan eh at sa ginagawa nya nakikita kong gusto nyang malaman kong safe ka bang nakakauwi" sabi ni kuya
"Ano bang itsura?" Tanong ko
"Basta maliit lang din sya, matangkad ka pa nga dun eh" sabi naman ni kuya, parang nakilala ko tuloy agad
"Ah, Hayaan mo na lang yun" sabi ko "Bukas pupunta ulit ako ng times kasama ko si nics" sabi ko sa kanila pag tapos kong kumain
"At ano namang gagawin mo dun, reresbak ka nanaman?" kuya.
"Oo, babawi lang ako kahit sa isa sa apat na yun" sabi ko
"Tumigil ka" sabi ni mama
"Sabi mo nga eh" natatawang sabi ko na lang, nanood pa muna ako bago nagpunta ng kwarto ko para makapag pahinga
END OF CHAPTER 18
NEXT CHAPTER NA READ WELL🤗