CHAPTER 5

3 0 0
                                    

JANE POV

Di ko manlang namalayan na nakatulog na pala ako kagabi, napatulala ako sa kisame ng bigla kong maalala ang panaginip ko, pag tingin ko sa orasan mag aalasingko pa lang naman, kaya hindi na muna ako nag madaling maligo, pag tapos ko bumaba na ako, wala pa sila angel, nakita ko si kuya na kumakain

"Yow brother" bati ko kay kuya, napatingin naman sya sakin

"Oh, aga mo atang nagising, kain na" sabi sakin ni kuya, kumuha muna ako ng plato at kutsara bago nag sandok ng makakain ko, napansin ko na mabilis kumain si kuya

"Bilis mo naman, patapos ka na agad" sabi ko kay kuya

"Oo kailangan ko din kasi pumasok ng maaga, sakin kasi binigay yung Susi ng room namin" kuya.

"Ahh wawa ka naman" sabi ko

"Hindi naman hahahahaha" sabi nya pa at tumingin sa relo nya "Hayst aalis na pala ako, sige na aalis na ako mag Ingat ka ah" sabi ni kuya at dali dali naman tumayo at inilagay sa lababo ang pinggan nya

"Kape mo?" Tanong ko

"Ge sayo na yan kailangan ko ng umalis, yung mga sinabi ko sayo ah wag mong kalimutan, mag Ingat sa pag pasok ok" sabi nya sakin sabay kuha nang bag nya sa upuan "Sige na alis na ako, Ma papasok na po ako" pag paalam nya pa kay mama bago tuluyang lumabas

"Ingat" pahabol ko pa, sakto namang dating nila angel at nics habang nakatingin kay kuya

"Good morning po tita" bati pa nila kay mama at nag Mano pa

"Oh nandyan na pala kayo, kumain na ba kayo, kain na kayo dun, nandun na si Jane" pag kasabi ni mama napatingin agad sila sakin at ngumiti pa

"Salamat po tita" sabi pa nila kay mama at pumunta sakin

"Wow aga naman ng prinsesa" nakangising sabi ni Angel.

"Himala ata no hahahahaha" nics.

"Kain muna kayo" sabi ko, tumayo muna ako para kuhaan sila ng pag kain, naupo naman sila "May tanong ako sainyo" sabi ko, tumingin naman sila sakin "May kilala ba kayong mark?" Tanong ko

"Mark hmm, ah si legazpi classmate natin si mark ghil legazpi" sabi ni angel

"Bakit mo natanong jane?" nics.

"Nanaginip kasi ako tapos naalala ko lang mark yung pangalan nya pero diko matandaan yung mukha amp" sabi ko

"Ayyiee baka nga si legazpi yun tapos sya yung makakatuluyan mo HAHAHAHAHA" sabi pa ni angel na kinikilig pa, tsaka sya kumain

"Yak, asa pa, bilisan nyo na lang kumain para makapasok tayo ng maaga" sabi ko

"Hala nag mamadali sya, ayiieeee gusto ng makita si legazpi" angel na kinikilig na parang ewan

"Amp" pinakyuhan ko naman sya

"Joke lang maka ano agad eh" sabi nya pa mabilis lang kaming natapos sa pag kain kaya naman maaga din kaming nakarating ng school mag liliwanag pa lang, makalipas ang ilang oras

LECTURE

LECTURE

LECTURE

BREAK TIME

Nasa canteen na kami para bumili ng pagkain "assignment, assignment, assignment" sabi ni nics "hayst assignment agad second days pa nga lang" reklamo nya pa, pag tapos namin bumili ay nagtambay ulit kami sa swing para kumain

"Madali lang naman yun, kung nakinig ka" sabi ko

"Lahat naman madali sayo kahit pa mag kamali mali sagot mo" Angel.

"Hindi naman kasi lahat tama duh normal lang na magkamali" sabi ko

"Sus palusot mo bulok" nics.

"Amp, bakit walang uod?" Tanong ko

"Kadiri ka naman jane anong uod uod pinagsasabi mo lutang ka?" Nics

"Amp hahahaha, sabi mo kasi bulok, sabi ko bakit walang uod hahahah, tapos sasabihin mo lutang ako, hangal ka" sabi ko "diba kapag bulok inuuod, di mo gets, sige isipin mo" dagdag ko pa, walang nagsalita nag iisip ata sila amp, hanggang sa naubos na namin ang pag kain namin

"Oy nics si Elle ba yun?" Tanong ni angel kay nics, napatingin naman kami kung saan nakatingin si angel, amp si Elle nga

"Baka kamukha nya lang diko masyadong makita eh, saan ba?" tanong pa ni nics, Malabo nga pala mata neto, bakit kasi hindi dinala yung eyeglass, sinipa ko ng mahina si angel at umiling, sensyales na wag na lang nyang sabihin kong ano man ang nakita namin

"Ay hindi pala kala ko si Elle kasi kahawig kapag naka side view" biglang sabi ni angel "Tara na ubos na pagkain natin eh" dagdag nya pa

"Nakalimutan ko kasi yung eyeglass ko sayang hahaha" nics.

"Bakit kasi hindi mo dinala, ang ganda mo nga kapag May eyeglass eh" sabi ko

"Sus pogi kaya ako" nics.

"Never kang naging lalaki nics ano ba yan" Angel.

"Cute na Lang HAHAHHA" nics.

"Mga kalokohan talaga HAHAHHAHA" natatawang sabi ko

"Oy si legazpi oh nakatingin sayo, ayieee" sabi ni angel habang tinuturo pa si legazpi na nasa taas

"PAKE?" Tanong ko

"Crush mo diba" Angel

"Gago diko crush yan, nahihibang ka na ba?" sabi ko pa

"Joke Lang HAHAHHA, masyadong ka namang ano eh" angel.

"Tara nga dito" sabi ko sakanya at umakbay sa kanilang dalawa ni nics

"Ayieee yung prinsesa inlove" pang aasar pa ni angel

"Angel alam mo bang ikaw lang maingay dito" nics.

"Luh maingay daw, ganun ba kalakas boses ko?" Angel

"Kita mo, di mo alam diba hahahaha" puro kulitan hanggang makarating sa room

LECTURE

LECTURE

DISMISS

Lumabas na agad kami ng room, habang nasa hagdan nag salita si angel "Jane, ang hinhin nung rhea no" angel.

"Sinong rhea?" tanong ko

"Yung new student" angel.

"Ah oo, bago pa lang kasi" sabi ko na lang, sumakay na rin kami ng tricycle para makauwi agad, pag ka uwi ko sa bahay walang tao, wala si mama wala si kuya at si lory nasaan naman sila, sinarado ko ang pinto bago tuluyang umakyat at pumasok sa kwarto ko, nag bihis lang ako ng pambahay ko at tsaka bumaba para kumain ng tanghalian

THE BAD GIRLS TRIOWhere stories live. Discover now