CHAPTER 19

2 0 0
                                    

ANGEL POV

"Yan ba ang gusto mong mangyari Ha" sabi ni mama sakin pag labas nila jane "Wag ka ng sasama sa kanila, dahil wala kang mapapala sa kanila" bigla naman akong nainis sa sinabi ni mama

"Ma ano ba, wala silang kasalanan, ako ang may kasalanan dito at wag mo silang idamay" sigaw na sagot ko kay mama

"Yan, sumasagot ka na sakin dahil sa kanila, kakasama mo sa kanila nawawalan ka ng galang" sabi ni mama "At bakit nga ba sumasama ka pa sa mga ganong tao" mama.

"Dahil kaibigan ko sila ma" sabi ko, imbis na nag papahinga ako ngayon nag kasagutan pa tuloy kami

"Kaibigan, wala silang kwentang kaibigan ria at hindi sila makakabuti para sayo" mama.

"Yan ang alam mo ma, pero hindi mo alam na sila ang dahilan kung bakit ako nanatili sa school na yun at nag nag aaral pa rin ngayon, hindi mo alam ang totoong dahilan ma, kaya wag mo silang pag sasalitaan ng kung ano ano" sabi ko na lang kay mama, tumayo ako at nag punta ng kwarto para mag pahinga, sinarado ko ang pinto at dumapa sa kama ko, naiiyak ako dahil sa mga sinabi ni mama at nag kasagutan pa kami, aabutin nanaman ng ilang linggo bago ulit kami mag pansinan nyan ni mama

KINABUKASAN

Nagising na lang ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa balat ko, nakatulog pala ako kagabi ng hindi ko namalayan, babangon na sana ako ng bigla akong makaramdam ng sakit sa may bandang balikat ko, dun ko na naalala ang nangyari kahapon

"Gising ka na pala" ate

"Nasilaw kasi ako eh" sabi ko

"Ay sorry, binuksan ko lang yung bintana kanina nakalimutan kong isara" ate

"Ok lang" sabi ko pa

"Kamusta naman yang likod mo, masakit pa ba?" tanong ni ate

"Hindi na" sabi ko na lang, bumangon na ako at lumabas ng kwarto para kumain ng umagahan

"Mabuti naman at gising ka na anak kumain ka na" papa, kumuha ako ng plato at tsaka naupo, hindi ako nag sasalita at kumakain lang, alam kong nakatingin lang sakin si papa "Kumain ka ng marami ha" sabi pa ni papa, hindi ako sumagot at tahimik lang na kumain, maya maya lang biglang may dumating na dalawang lalake, pinsan ko "Oh kayo pala, kumain na ba kayo, halina't dito kumain na kayo" sabi ni papa sa dalawa kong pinsang lalake, tumabi sakin ang isa kong pinsan na lalake, habang kumakain ay nag uusap ang dalawa kong pinsan

"Ayoko kasi ng ulo ng manok" sabi ni harold

"Ayaw mo nun, dapat nga kumakain ka nun para maging big brain ka" natatawang sabi naman ni john

"Big brain" Harold.

"Oo para tulad ka na nung nasa ano, genius neutron, lumaki yung ulo haha" john, gusto ko sanang sumali sa usapan nila ngunit di na lang ako nag salita

"Malaki ulo" harold

"Oo yung kaibigan nya pa nga si karl at si sydney" john.

"Baka si jimmy" Harold

"Hindi si sydney nga" sabi pa ni john, nag uusap lang sila habang kumakain, gusto ko nang sumabat sa usapan sana nila para itama yung mga maling pangalan kaso pinipigilan ko talagang mag salita, pag tapos kong kumain ay tumayo na ako at nilagay sa lababo ang pinag kainan ko, pag tapos ay nag punta ako sa kwarto at nag pahinga muna saglit, nakaramdam ulit ako ng sakit sa may bandang balikat ko 'tang ina bakit kasi may kahoy dun, bwesit' sa isip ko pa, nag online na lang ako para mag libang, nakita kong online si nics kaya chinat ko sya

'Oy nics sorry kung hindi ko kayo napagtanggol kahapon kay mama' agad ko namang sinend ang message ko at naghintay ng reply nya

'Ok lang yun, nga pala kamusta na likod mo' Tanong nya

'Ok na ako' reply ko sa kanya

'Kumain ka na ba?' Nics.

'Yup kanina pa'

'Mabuti naman kung ganun Out muna ako pagaling ka' nics

'Sige sige' reply ko na lang, pag tapos ay nag patuloy na lang ako sa pag scroll ko, bigla naman pumasok si ate at nahiga sa kama nya, tinignan ko lang sya at nag patuloy sa ginagawa ko, maya maya lang ay naisipan kong maligo, nahirapan pa akong mag bihis dahil sumasakit ang likod ko kapag tinataas ko ang kamay ko, kaya natagalan pa ako sa cr, pag labas ko ng cr ay nakaupo na si ate sa kama nya at nag babasa ng libro, napatingin naman sya sakin

"Oh naligo ka na" ate

"Oo bawal ba?" tanong ko sa kanya

"Hindi naman, baka kasi hindi pa ok yang likod mo" ate

"Ok lang ako ate, siguro bukas wala na to" sabi ko

THE BAD GIRLS TRIOWhere stories live. Discover now