CHAPTER 16

3 0 0
                                    

NICS POV

Nagpapahinga ako sa kwarto ko ngayon ng biglang mag vibrate ang cellphone ko, agad ko namang kinuha yun at tinignan ko sino ang nag messages, napaupo ako ng makita ang pangalan nya

"Good evening Sam how are you?" Messages nya

"Ok lang Naman ikaw ba?" Mabilis na reply ko sa kanya

"Ok lang din naman ako dito"

"Nga pala kailan balik mo dito sa pilipinas, miss ka nanamin" messages ko

"Hindi ko alam baka sa next year pa"

"Sabihan mo ako kung kailan ha" Reply ko pa

"Oo ba, kumain ka na ba?" Tanong nya

"Tapos na kanina pa, ikaw ba?"

"Hindi pa nga eh nagugutom na rin ako" Reply nya

"Edi kumain ka na dyan baka pumayat ka HAHAHAHA" reply ko sa kanya

"Oo nga eh, sige kakain na muna ako Byebye" messages nya

"Sige Ingat ka dyan" reply ko

"Yeah kayo din dyan pakamusta na lang kay jane miss ko narin kayo sabihan ko na lang kayo kapag babalik na ako dyan" messages nya

"Sige sige" last messages, hindi na sya nab reply kakain na siguro sya

Nakahiga na ulit ako, nag scroll na lang muna ako sa Facebook hanggang sa antukin ako, tinabi ko na ang cellphone ko at natulog

KINABUKASAN

Breaktime na namin bago kami bumaba ng hagdan may tatlong babaeng humarang sa dadaanan namin, yung nasa gitna sya yung babaeng kinaladkad ni jane, nagulat ako ng bigla silang lumuhod sa harap namin "Gusto ko lang humingi ng sorry dahil sa nagawa ko" pag hingi ng sorry ng nasa gitna kay habang nakatingin kay jane "Patawarin mo na ako sorry talaga hindi na mauulit promise, sorry na sa mga sinabi ko" dagdag nya pa, naghihintay ako kung anong sasabihin ni jane ngunit hindi sya nag salita at nilagpasan lang yung tatlong babae, susunod na sana kami kay jane ng biglang magsalita ulit ang isang babae "Patawarin mo na ako jane please" nag mamakaawang sabi ng babae, mag kakilala nga sila, nag patuloy lang sa pag lalakad si jane na parang walang narinig, sinundan lang namin si jane "Ayoko pang umalis dito anong gagawin ko" rinig kong sabi ni joyce habang umiiyak, hinayaan ko na lang din at nag patuloy sa pag lalakad papuntang canteen

"Jane bakit naman ganun ka, kawawa naman si joyce humihingi na nga ng sorry sayo" sabi ni angel

"Wala naman akong pake dun" sabi ni jane

"Ding feel ko aalis sya dito sa school kapag di mo sya pinatawad" sabi ko "Narinig ko kasi sabi nya ayaw nya pa daw umalis dito" dagdag ko pa

"Edi umalis sya, di ko naman sya kaano ano" sabi pa ni jane

"Ang sama mo naman jane" Angel

"I know, masama talaga ako at wala akong pakealam" sabi ni jane, wala na ata siguro talaga syang pakialam, pangalawang beses ko pa lang sya nakitang ganyan, nung grade 9 kami ganto din ang nangyare

"Joke lang ikaw naman hindi mabiro" biglang sabi ni angel

"Ok" sabi na lang ni jane bago bumili sa canteen, nandito na kami ngayon sa swing biglang may lumapit samin na dalawang lalake

"Hi miss sungit" sabi ng isang lalake habang nakatingin kay jane, tinignan ko si jane, magkasalubong na ang mga kilay nya, tinignan nya ang dalawang lalake

"Wala ako sa mood wag kang umepal" sabi ni jane at lumingon na lang kung saan

"Tara na baka masapak tayo nyan boses palang nakakatakot na eh" sabi ng isang lalake

"Natakot ka ba pre, tara hahaha" tatawa tawa pang sabi ng isang lalake at umalis

"Manliligaw mo ata yun jane" sabi ni angel, tinignan ko si jane at hindi nga ako nag kamali sa napansin ko

"Ding nag susuot ka pala ng kwintas" sabi ko

"Oo naman bakit" Tanong nya

"Ngayon lang kita nakitang nag suot ng kwintas eh" sabi ko

"Weh?, nung grade 9 may kwintas din naman ako di mo ata nakikita yun, yung kwintas na sinusuot ng mga gangsters hahahaha" sabi nya

"Hindi ko lang siguro napansin" sabi ko, mga ilang saglit lang bago kami bumalik ng room

LESSON

LESSON

DISMISS

"Gala tayo" sabi ni jane bago kami makalabas ng room

"Yay ang init tapos gala" sabi ko

"Mamaya na lang hapon" sabi ni angel

"Pwede rin" sabi ni jane

"Sige sige mamaya na lang" sabi ko

"Ate sama ka?" Tanong ni angel kay rhea

"Hindi ako pwede eh" sabi ni rhea

"Sayang naman kung hindi ka makakasama" nagulat ako sa sinabi ni jane, hindi naman sila masyadong close ni rhea

"Strict kasi parents ko" rhea.

"Ipapaalam ka namin, saan ba banda bahay mo?" Tanong ni jane, naisip ko na siguro gusto nya maging kaibigan tong si rhea, friendly si jane mapili nga lang

"Oo ate ipapaalam ka namin" sabi ni angel habang nag lalakad

"Hindi na,marami din akong gagawin sa bahay, sa susunod na lang siguro" sabi ni rhea "Una na ako" nakangiting dagdag nya pa bago umalis, sumakay na rin kami para makauwi agad

"Chat nyo ko ha, Ingat" sabi ni jane bago bumaba ng tricycle

THE BAD GIRLS TRIOWhere stories live. Discover now