81

4.5K 253 73
                                    


iMessage
Today 12:49 AM

Mrs. Takahashi

Mrs. Takahashi:
Ah, Miss Guevarra, ikaw ba 'yung kakauwi lang kanina sa apartment?

Salacia:
Opo

Hala, did I wake you up po ba?

Narinig ko rin po kasi na tumahol 'yung aso niyo, sorry, nag-overtime kasi ako sa work

Don't worry po, nilock ko naman po 'yung gate

Mrs. Takahashi:
Okay lang, hija, walang problema

Palagi ka na lang yatang nag-oovertime?

Salacia:
Ah opo, para double pay din po

Kailangan ko rin po kasi ng pera para pambayad ko po sa review center para sa board exam namin this September

Every weekend po kasi 'yung review ko

Mrs. Takahashi:
Ano ngang i-tetake mong board exam, hija?

Salacia:
Optometry board exam po

Mrs. Takahashi:
Iyong doktor para sa mga mata?

Salacia:
Yes po

Mrs. Takahashi:
Mahal ba 'yung binabayad mo sa review center?

Salacia:
Medyo po...

Pero okay lang po, may trabaho naman po ako

Kaya pa naman

Kapag siguro nakapasa na ako, makakabawi po ako sa gastos

Mrs. Takahashi:
Naaawa na talaga ako sayo, hija

Pumayat ka kasi, 'nung unang araw mo sa apartment, may laman pa yang katawan mo, ngayon, parang nilulunod mo na sarili mo sa trabaho

Sabi naman sa kin ni Mr. Sorensen, ibibigay ko sayo 'yung savings mo in case of emergency

Emergency naman siguro 'yang pagrereview mo kasi para naman 'yan sa edukasyon mo

Salacia:
Po...?

Mrs. Takahashi:
Oo

Boyfriend mo ba si Mr. Sorensen?

Salacia:
Hindi na po

I mean, naghiwalay na po kami

Mrs. Takahashi:
Ah, ganun ba? Nakakalungkot naman

Pero bago ka kasi lumipat dito sa apartment, binayaran na ni Mr. Sorenson yung buong renta mo sa isang taon actually

Sinabihan niya lang ako na huwag ko munang ipaalam sayo, yung binabayad mong renta sa 'kin every month, dinedeposit ko 'yun sa bangko, instruct sa 'kin ni Mr. Sorenson, savings mo daw 'yun at ibibigay ko kapag may emergency o at the end of the year

At ngayon, ibibigay ko sayo 'yung mga na-i-save mo, niwithdraw ko kanina, para naman makatulong sayo, saka hija, huwag ka na magbigay ng renta, tutal nabayaran naman talaga ni Mr. Sorensen ang buong renta mo sa isang taon, para naman makatipid ka

Salacia:
He really did that?

Mrs. Takahashi:
Oo, kahit sinabi 'nun na kailangan mong matuto kung paano mabuhay mag-isa

Halata namang may malasakit pa rin sayo

Sige, hija, ibibigay ko sayo bukas ang pera, gamitin mo pambayad sa review mo para 'di ka palaging mag-oovertime sa trabaho

Magpahinga ka na

Read 1:11 AM

Royally Wicked (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon