Out of control
"LOOK who's here." Reevan grinned at him. Nakapamulsa itong lumapit sa kanya bago s'ya inakbayan. " Matagal kang absent ah. Don't tell me mag-aasawa kana rin gaya ni Augustus?"
Demetrius just laughed na ikinailing n'ya, his crazy friend is getting married. Pero sa pagkaka alam n'ya ay nakikipagmabutihan pa lang ito sa fiance nito.
"Malabo 'yan." ani Hades. May hawak itong bote ng beer. " Sa itsura ni Callistus malamang matatakot ang babae d'yan."
Napasimangot naman ang pinsan n'ya bago binato ng unan si Hades. " Tangina, klaruhin mo naman dalawa kaming Callistus dito!" wika nito na ikinatawa n'ya.
"Magpalit ka kasi ng apilyedo."
"Tado."
He sat beside Demetrius, sa ngayon ito nalang ang makakausap n'ya ng matino. Puro katarantaduhan ang mga kaibigan nya.
"Where are you currently staying now, bud?" tanong nito.
He rest his back on the sofa. " Azien's house, nagbabantay ng kapatid n'ya." tipid n'yang wika.
Napasipol ang mga kaibigan n'ya, nangunguna si Rijax. " Kapatid huh, dilikado ka r'yan. Malilintikan ka kay Azi." malisyosong wika nito.
His forehead creased. " What the hell are you guys thinking?" he asked ridicolously, pero dahil naturingang malisyoso ang mga kaibigan n'ya malamang hindi naniwala.
"Kilala ka namin, Zayn. You won't easily agree dahil lang sa pakiusap ni Azi. Ikaw pa." Demetrius muttered while tapping his shoulder.
Khaleb groaned. "Ba't ba ang hihilig n'yo sa mas bata, halos mag kakadikit lang ang mga edad natin at lalampas na sa kalendaryo tapos yung mga chix n'yo edad disenwebe pababa.", natatawang wika nito na binatukan ni Demetrius.
"My fiance is 18 already, nasa legal age na 'yon."
"And you're 28, pare."
Rijax chuckled. "Age doesn't matter ika nga. Wag kang makialam porke't wala kang love life."
Napahawak si Khaleb sa sariling dib dib nito. "Ansakit mo naman mag salita, General. Parang hindi kita binigyan ng chix dati ah."
" Evan's here." ani Ryunivv sabay naman silang lahat na napatingin sa pinto.
Evan Montreal's eyebrows narrowed. "Problema n'yo?"
" Bising-bisi ka yata ngayon, Doc.", wika ni Khaleb.
"Halata ba? Do I look stressed? or what?" sunod sunod na tanong nito, nananatiling seryoso ang mukha.
Napailing si Damien. " Sa ating lahat, ikaw ang tinaguriang baby faced doctor. Kahit malapit ka nang mag trenta mukha ka paring bente tres anyos. Ang kaibahan lagi ka pang nakasimangot. "
"He has Korean features, what would you expect."
Evan took a glass of water. " Hindi naman siguro mukha ko ang topic dito, hindi ba?
"Sa sobrang stressed ni Montreal nakalimutan na n'yang mag tanggal ng lab coat. " ani nya.
Evan checked himself, napamaang ito nang mapagtanto na suot pa nga ang labcoat." Oh, I got really busy."
"Hindi ko alam kung porma ba 'yan ng matinong doktor, tingnan mo naman 'di mo alam kung mag peperform ba sa stage o mag oopera." komento ni Hades.
" Grabe ha! Akala ko ba si Zayn ang topic rito ba't ako yung binabato n'yo ng ganyan.", reklamo nito.
"Buti nga sa 'yo." Rius mocked. " Nung ginamot mo yung sugat ko parang 'di mo ko kaibigan."
" Aba't—"
BINABASA MO ANG
HOLD ME TIGHT [Devil's Obsession Series 2]
Narrativa generaleZAYN CALLISTUS, one of the highest-paid models, leads a dangerously dark and unpredictable life. He's known for being dark, bold, and rough around the edges, not the best at dealing with people, whether it's in a friendly or hostile manner. He prefe...