CHAPTER 5

391 13 4
                                    

Cuddles

BOREDOM can kill. Nakakailang punit na s'ya ng papel sa bawat maling design na ginagawa n'ya, sinusubukan n'yang mag concentrate pero maski iyon ay 'di n'ya magawa, kasalukuyan n'yang ginuguhit ang gown na pinadesign ng kaibigang si Marthy para sa debut ng pinsan nito.

Hindi pa s'ya gano'n ka bihasa pero sa tulong ng kaibigan ay hindi na s'ya gaanong nahihirapan.

Napanguso s'ya nang mapatitig sa tumbler n'ya na wala na palang laman, puno naman iyon nung umakyat s'ya at hindi n'ya namalayang naubos na pala.

She stood up with the tumbler in her hand, tahimik s'yang nag tungo sa kusina. It is early in the morning at hindi n'ya alam kung bakit naisipan n'yang gumising ng maaga para mag guhit.

Kasalukuyang nagluluto si Manang Selly, ngumiti ito sa kaniya habang kumukuha s'ya ng tubig sa water dispenser.

"Good morning hija, nasa gym si Sir Zayn."

Napalunok s'ya at napamasid dito, muling pumasok sa utak n'ya ang senaryo sa loob ng dressing room kahapon. Isa iyon sa dahilan kung bakit late na rin s'ya nakatulog kagabi.

"Umm hindi ko naman po tinatanong." naguguluhang wika n'ya.

Natawa ito." Alam kong curious ka kaya sinabi ko na, baka kasi nahihiya ka lang magtanong."anang nito at bumalik na sa pagluluto.

It doesn't even make sense though.

Nagpaalam na s'ya saka umakyat, ngunit sa halip na sa kwarto n'ya ang tungo ay sa gym s'ya dinala ng kanyang mga paa. Madalas mag work out si Azi kaya mahalaga na may sariling gym sila.

Sa France ay madalas din syang mag work out pero light lang, hindi s'ya nagbubuhat ng mga heavy equipments.

Tahimik n'yang tinulak ang pinto pabukas, kasalukuyang nagpupush ups ang binata at maging s'ya ay napalunok nang makitang wala man lang itong suot pang itaas. Nahuli n'ya ang pag tagaktak ng pawis nito mula sa likod hanggang sa mga braso nito.

"Do you need anything?" he asked while doing push ups.

Hindi na s'ya nagulat na napansin s'ya kaagad nito kahit pa wala s'yang ingay na pumasok, masyadong malakas ang pandama at pandinig nito gaya ng kapatid n'ya.

He suddenly stood up, kinuha nito ang towel na nakasabit sa gilid saka iniabot sa kanya kunot noo n'yang tinitigan 'yon.

"What?" she asked, confused.

"Wipe me."

Tumaas ang kilay n'ya." Excuse me?"

"No more rants, just do it." wika nito at pumikit.

Her hands trembled when she started wiping his body with the towel, nag mistulang nag pupunas lamang s'ya ng mesa sa gaan ng pag kakapunas n'ya. Medyo nahihirapan s'ya dahil matangkad ang binata, hanggang dibdib lang yata siya nito.

Nang umabot ang kamay nya sa bandang leeg nito ay tumingala ang binata. His adams apple moved when her hands went down to his shoulders and chest.

"Done." anang n'ya at ibinalik rito ang towel.

Akmang tatalikod na s'ya paalis nang marinig n'ya ang boses nito.

"I won't apologize for what I've done yesterday.." he said in a deep baritone voice.

"What?",

"I liked it anyway."

Hindi n'ya makuha kung anong nais iparating ng binata, kung anong dahilan kung bakit s'ya nito hinalikan kahapon at kung bakit pa ito binabanggit sa kaniya.

HOLD ME TIGHT [Devil's Obsession Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon