CHAPTER 15

152 8 0
                                    


Dance

RHIANNON massaged the bridge of her nose as she scanned through the pages of her reviewer, hindi na n'ya mabilang kung pang-ilang tasa ng kape na ang naiinom n'ya para lang labanan ang antok. Kinabukasan na kasi ang prelims nila so she need to review a lot. It's been a month or two magmula no'ng makita n'ya ang binata.

He never missed on checking her thru calls and texts minsan pa nga ay hindi s'ya nakakapagreply on time cause she's really busy.

Gumalaw ang upuan sa tapat n'ya ngunit hindi na s'ya nag-abalang tingnan kung sino iyon.

"Napakasipag mo naman."

Napailing s'ya saka sinara ang reviewer at nag-angat ng tingin rito.

"We have prelims tomorrow, you should be reviewing," she stated.

Sachi rolled her eyes and sipped on her cappuccino. "Prelims palang naman, don't pressure yourself too much may midterm pa."

Sa loob ng halos dalawang buwan na kasama n'ya ito sa klase ay hindi talaga ito nahawaan ng kasipagan n'ya.

"Kalokohan mo."

Humagikhik ito." I'm busy rin since I'm one with the officers, nagreview naman ako kahit papa'no."

She snorted. " Cut the crap, you're way too busy with your boys, Sach."

"And stop being a nerd, saka it's good to have them around para may pang-alis bagot. Anyways, you know Wade 'yung famous na CpE student—"

Pinutol n'ya ang sasabihin nito. "I'm not interested, Sach."

Nagsalubong ang kilay ng huli.

"Nagtatampo na 'ko sa 'yo ha, hindi mo 'ko pinapatapos. He's a good catch I'm telling you." hindi makapaniwalang wika nito.

"Kahit anong bugaw ang gawin mo, I told you I'm not interested."

Inayos n'ya ang gamit saka tumayo na dahil may susunod pa s'yang klase. Hindi na n'ya inintindi si Sachi na panay daldal sa likuran niya. Nakakaramdam na s'ya ng pagka-irita dito ngunit hindi nalang n'ya ipinahalata. Bago 'yon ay dumeretso muna s'ya sa powder room, the dark circles under her eyes are now visible. Mabuti nalang at may dala s'yang concealer kaya naman agad n'ya iyong natakpan.

Akmang palabas na s'ya ng powder room nang tumunog ang aparato n'ya. Rumehistro doon ang pangalan ng binata kaya walang pag-aalinlangan n'ya iyong sinagot.

"Hello " she greeted in a low tone. Ilang segundong walang imik ang kabilang linya kaya naman sinilip n'ya kung nandoon paba ang binata.

"You're not answering my calls," he stated in a husk.

He sounded tired and sleepy, mukhang sobrang busy nga ito ngunit nagagawa pa s'yang kumustahin.

"I was busy with school." she reasoned.

"I know, I just wanna check on you."

"I'm doing fine." agap n'ya. "I actually have to go now, may klase pa 'ko."

"I wanna see you, Rhiannon.." malamig nitong wika.

She misses him too, ngunit sa ngayon madami s'yang mga bagay na dapat unahin.

"Not now, I'm really busy." tipid n'yang saad. Hindi n'ya alam pero tila nais n'yang humingi ng tawad dito.

She heard him sigh. "Alright, make sure to eat on time and take care of yourself. I'll call you later."

Hindi na s'ya nakapagsalita ay namatay narin ang tawag, palagay n'ya naman mai-intindihan ito ng binata.

Pagbalik n'ya sa room ay nahuli pa rin n'ya si Sachi na panay ang sensyas sa kaniya ngunit hindi nalang n'ya ito pinansin.

HOLD ME TIGHT [Devil's Obsession Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon