CHAPTER 24

82 4 1
                                        

Rain


''May lakad kaba?'' tanong sa kaniya ni Timothy kakagaling lang nito ng kusina at may suot pang apron. Panay kasi ang sulyap n'ya sa malaking wall clock na nakasabit sa dingding, she recieved a text last night from the one who's keeping Snowball. Ayon dito ay makukuha daw n'ya ang aso ng alas otso ng gabi dahil ginagabi raw ito galing sa trabaho.

Mag-aalas syete palang naman pero dahil nais n'yang makasiguro na makakaabot s'ya ay hindi n'ya inaalis ang titig sa orasan. Ang problema nga ay hindi s'ya makaalis alis sa counter dahil maya't maya ay may customer sila, she also didn't want to leave Timothy behind again, like she did last time, as she had gained nothing and ended up embarrassed.

Mukhang dininig ng Diyos ang panalangin n'yang hindi na muling makadaupang palad ang binata at hindi na n'ya ito muling nasilayan pa sa cafe na ipinagpapasalamat n'ya. She couldn't stand when he's around.

''Kukunin ko kasi 'yung aso ko mamaya.''

"Hey, you're leaving me again, This is the second time in a row," Timothy exclaimed dramatically, making her laugh. Despite the misfortunes she had encountered, she could still say she was lucky to have such a kind coworker.

''Oo na hindi na. Pero anong oras ba tayo magsasara?'' tanong n'ya.

Napatingin si Timothy sa paligid.''Dapat alas nuwebe pa pero dahil may kailangan kang habulin ngayon at nababasa ko na d'yan sa maganda mong mukha ang pag-aalala magsasara na tayo ng quarter to eight, pwede naba 'yon?''

Napangiti s'ya saka niyakap si Timothy, hulog talaga ito ng langit sa kaniya.''Salamat!''

Inalis nito ang braso n'yang nakapulupot sa leeg nito.''Ganiyan kaba matuwa? Nananakal?Katakot ha.''

Binigyan n'ya ito ng peace sign saka bumalik na sa ginagawa, saktong 7:45 gaya ng inaasahan ay nagsara na nga sila. Tinulungan n'ya muna si Timothy maglinis ng iilang kalat at magpunas bago s'ya pumunta sa locker n'ya para makapag-palit. Saktong pagkalabas n'ya ay umuulan pa nga, napabuga na lamang s'ya ng malakas habang nakatingin sa maitim na kalangitan.

''Nananadya ka talaga ano?'' tanong n'ya sa kawalan.

Wala kasi s'yang dalang payong, ang masama pa doon wala na si Timothy kaya wala s'yang mahiraman ng payong kung may extra pa man sa loob. Ipinatong na lamang n'ya ang bag sa kaniyang ulo saka tumakbo papunta sa tinawag n'yang taxi. Medyo may kanipisan pa man din ang suot n'ya kaya agad na bumalot sa kaniya ang lamig.

After being dropped off at the right location, she quickly made her way to the well-known condominium. It was a popular one, so she didn't have any trouble finding it. Mabuti na lamang at mabait ang guard kaya pinayagan s'yang makapasok dahil para na s'yang basang sisiw.

Nasa pinaka-itaas ang unit nito, pagkarating doon ay nag doorbell na s'ya ngunit walang nagbukas, makailang beses 'yon kaya napagtanto na n'yang wala pang tao.

She glanced at her wristwatch; it was only 7:15.

''Baka natraffic lang...'' pagkumbinsi n'ya sa sarili kahit halos mangatog na s'ya sa lamig dahil nga nabasa s'ya ng ulan. Nasundan pa iyon ng makailang bahing.

She took her phone from her bag and tried calling the owner, but it didn't answer. She left a message, but as expected, there was no reply. She sat down next to the door because her feet were sore, and it was already 8:00, adding to her fatigue from work.

Patayo tayo s'ya at tinitingnan ang mga taong lumalabas ng elevator ngunit sa pagkadismaya n'ya ay hindi ito sa dereksyon n'ya pumupunta.

She tapped her feet on the floor to keep herself awake. Her clothes had already dried from getting wet in the rain earlier.

HOLD ME TIGHT [Devil's Obsession Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon