CHAPTER 23

82 4 2
                                    

Mean

"What is this?" she asked with a puzzled expression as she received a piece of paper in her hand. Marthy had arrived early in the morning catching her off guard as she hadn't even prepared for work yet. "Adress no'ng nakapulot kay Snowball, nag-iwan doon sa isang guard just in case na may maghanap raw." litanya nito.

Walang sabi sabi n'yang binuklat ang papel at binasa ang adress.

Nabuhayan s'ya ng pag-asa sa wakas mahahanap na n'ya ang aso. Hindi s'ya dinalaw ng antok nitong nakaraan dahil sa labis na pag-aalala. Niyakap n'ya ang kaibigan doon naman bumuhos ang luha n'ya, she's just really glad dahil nasa maayos na kalagayan ang alaga.

"You're about to strangle my precious neck, dear." awat nito sa kaniya.

She wiped her tears."I'm sorry."

"Pagkauwi mo galing sa trabaho mamaya saka mo puntahan, hindi naman kalayuan 'yan dito."

Marthy's right sa ngayon panatag na s'ya dahil nasa maayos naman na lagay ang aso kaya trabaho naman muna, she was to preoccupied na medyo napabayaan na n'ya ang sarili sa labis na pag-aalala.

Matapos ang tagpong 'yon ay dumeretso na s'ya sa pinagt-trabahuan n'yang coffee shop. Naroon na si Timothy at abala sa mga customers kaya naman dumeretso na s'ya sa kusina para gawin ang trabaho. Sila lang dalawa ni Timothy ang nakaduty at marami pang mga customer dahil weekdays kaya nahihirapan s'ya kung paano maaccomodate lahat.

"Riri, kanina pa nag-aantay 'yung sa table 6." pakli nito sa kaniya.

Dinumog pa sila ng maraming mga estudyante mula sa kalapit na unibersidad. Si Timothy ang gumagawa ng mga order habang s'ya naman ang naghahatid sa table at. naglilinis. S'ya narin ang umaasikaso sa kusina dahil hindi naman maka-alis alis sa counter ang kasama n'ya.

"Bonjour!"

Her smile vanished automatically when a man entered, carrying a laptop and an envelope in his right hand. He was dressed in a formal suit and wore glasses. He wasn't smiling as he usually did, something she had grown accustomed to. Why would he even dare to smile at her?

Dumeretso lang ito sa counter na tila ba hindi s'ya narinig sa ginawa n'yang pagbati. Inabala na lamang n'ya ang sarili sa pag-asikaso sa iba pang mga customer.

"Ayan na naman 'yung masungit." himutok ni Timothy. "Alam mo pamilyar talaga s'ya sa 'kin, parang nakita ko na s'ya sa Pilipinas dati." wika pa nito habang hinihimas ang sariling baba.

"Baka naman kamukha lang."

Umiling iling ito."Hindi e, sigurado talaga ako na s'ya 'yon." he was even snapping his fingers." Tama! Zayn Callistus 'yung model saka businessman!" kulang nalang ay sundan pa nito iyon ng palakpak, inawat n'ya pa dahil ang lakas ng boses at hindi kalayuan ang mesa ng taong pinag-uusapan nila.

"Bunganga mo."

Natawa ito." Hindi ka nagulat, siguro alam mo na talaga ano?"

"Hindi, 'di ko s'ya kilala." wika n'ya.

This is the safest way, Timothy is too talkative, and it's likely that he might bring up things that should remain hidden. Later on, she heard cheers from outside, and when she glanced in that direction, she saw a crowd of people surrounding a car. "Mukhang sikat na naman ang dumating, ayan o dinudumog." dagdag pa ni Timothy.

Naglabasan ang i-ilang mga media at may mga gwardiya pa sa labas, pumasok naman ang isang babae na s'yang ikinagulat n'ya. Umikot ang paningin nito sa buong paligid na tila ba may hinahanap.

"Si Winona 'yan 'di ba?" natatarantang wika ni Timothy.

Tinanggal nito ang suot na shades at pumokus ang tingin sa lalaking nakaupo malapit sa counter.

HOLD ME TIGHT [Devil's Obsession Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon