CHAPTER 4

392 17 5
                                    

Pissed

"I'M really sorry hija, hindi na kita naisama dito sa Bataan alam ko kasing pagod ka. " wika ng kanyang ina mula sa kabilang linya, hindi pa s'ya nakakaligo nang bigla itong tumawag kinaumagahan upang kamustahin s'ya.

"No worries, Mom.."

"Nandiyan naman si Zayn, kapag may kailangan ka sa kanya ka magsabi. May tiwala naman ako kay Zayn na hindi ka n'ya pababayaan." puno ng kasiguraduhang wika nito. Sabagay bestfriend ito ng kapatid n'ya at parang anak na rin yata ang turing ng Mommy n'ya rito.

Mukhang mas may tiwala pa nga ang mommy n'ya kay Zayn kesa sa kaniya.

She nodded." Alam ko po 'yon."

"If you need anything just ask him, may pang shopping ka pa naman d'yan hindi ba?"

Napangiwi sya dahil do'n, hindi na kasya ang perang nasa ATM n'ya pang shopping at sa pag kakaalam n'ya ay hindi pa ulit iyon nalalagyan ni Azi.

"Actually Mom, wala na talaga."

"Oh dear, ganito nalang kapag mag s-shopping ka kay Zayn ka mag sabi, okay?"

Napamulagat s'ya." What? Pwede naman akong manghingi kay Azi."

"Hindi kasi makontak ang kuya mo, malamang naka-off na naman ang phone n'ya dahil may photoshoot, kay Zayn kana muna magsabi. I told him na s'ya na muna ang bahala sa mga pangangailangan mo habang wala kami."

Oh c'mon.

Napahilot s'ya sa sariling sintido, it's not that easy as one, two and three to ask him for money. Kilala n'ya yon' mas madamot pa 'yon kaysa sa kapatid n'ya.

"But, Mommy.."

"Parang kapatid na rin ang turing sayo ni Zayn, si Azi na rin naman ang mag babayad sa mga magagastos mo incase, wag ka lang papasobra."

Kapatid.

If only her dear mother knew. Hindi hawak ng isang kapatid ang ginawa nitong paghaplos sa kaniya, it is really more than that. Kahit alam n'yang kaibigan lang ito ng kuya n'ya pakiramdam n'ya mali ang ginagawa n'ya.

Her mom treats Zayn like her own son too, at kung malaman lang ng kanyang ina ang mga pinag gagawa ay talagang mapapagalitan s'ya. How could an 18 year old girl seduce her brother's best friend like that?

Juskolord

"Rhiannon.."

Napunok s'ya." I'm still here, Mom. May iniisip lang kailan pa po kayo uuwi?"

"Hindi ko pa alam sa ngayon, napakarami ko pang aasikasuhin dito. Kahit gusto ng kuya mo na s'ya na ang umasikaso hindi pwede dahil mahalaga ang photoshoot na gagawin nya."

She heard about it too, sa pag kakaalam n'ya ay ang mga modelo ng VS ang kukunan nito. She suddenly remembered Zayn, Modelo nga rin pala ito.

"Wag kang masyadong mag pasaway dyan ha, nakakahiya kay Zayn. Disi otso kana pero napakapasaway mo parin." natatawang wika nito.

"Mommy!"

Her mom chuckled." Basta ang mga paalala ko sa 'yo."

"Don't worry, Mom. Mag iingat ka po riya'n. I love you."

"I love you too, sweetheart."

Matapos mag paalam sa ina ay agad na n'yang ginawa ang morning routine n'ya. Saka na s'ya bumaba at dumeretso sa dining area, Zayn was sitting at the counter while making brewed coffee. Hindi na s'ya nito tinapunan ng tingin nang maupo s'ya sa tapat nito.

He's wearing black polo and jeans, then an expensive watch on his wrist.

"Are you done checking me out?" he spoke coldly without looking at her.

HOLD ME TIGHT [Devil's Obsession Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon