CHAPTER 20

162 3 0
                                    

Friends who are fools

''YES, Mom. I'm totally fine here, I never skip meals just like what I've promised,'' she assured her mom via call. She's at the coffee shop after her break. Hindi n'ya ininda ang lamig galing sa labas, it's freezing outside due to winter season but it didn't stop her from getting an iced latte which is her favorite. 

Her mom snorted.'' Itigil mo nga muna 'yang diyeta diyeta na 'yan. Ang kuya mo na ang napapagalitan ko rito dahil tingin ko maling desisyon talaga na diyan ka papag-aralin.''

She sighed.'' Mom, I'm taking care of myself very well.''

''Iba parin kapag nandirito ka sa Pilipinas. Iyong tungkol sa pag-iwas mo kay Zayn palagay ko'y hindi na kailangan.'' litanya nito na ikinakunot ng kaniyang noo.

''Ano namang kinalaman no'n sa usapan natin?'' napahagod s'ya sa sariling buhok.

''He's no longer here, hija. After quitting to modeling industry he never showed up.''

Nagsalubong ang kaniyang kilay.'' He quit?!''

Since when? Bakit hindi n'ya nabalitaan? Sabagay hindi nga pala s'ya nanonood ng news o kaya nama'y nagbabasa ng diyaryo kaya malamang hindi n'ya rin alam. Pero bakit naman kaya umalis ito sa mundo ng pagmomodelo, as far as she remembered he loves modeling so much.

''He did, in fact. He quit a month after you left, which saddened me and led me to question your brother about it. He stated that his main priority is their business with Kennan. That's understandable though...''

It's not.

Napasintido na lamang s'ya habang nakikinig sa litanya ng ina. Masiyado s'yang abala sa pag-aaral at sa pagdedesinyo na ipinapasa n'ya kay Marthy. She's way too busy and didn't even bother to surf on the internet. Masiyado na pala siyang nahuhuli sa balita.

''Anyways, have you heard the news?''

Tumaas ang kilay n'ya.'' About?''

''Colleen's fiancee, Rius."

Oh, she knows about that. Nais pa nga sana niyang umuwi ng Pilipinas para damayan ang kaibigan niyang buntis kaya lang ay sobrang hectic talaga ang sched n'ya. Pinepressure pa s'ya ni Marthy lalo na't may paparating na fashion show.

"Yeah, I contacted Colleen already."

"Poor thing, I'm planning to pay her a visit later so I need to prepare now. Good bye for now, my daughter. I love you."

She smiled." I love you more, Mommy."

Matapos makuha ang order n'ya ay nagtawag na s'ya ng taxi at umuwi na sa condo na kinatitirhan n'ya. Inuna muna n'yang magligpit ng kalat pagkatapos ay nagligpit na before she went to the bathroom. 

Once the bathtub was ready and at the right temp, she removed her covers and got in. The warm water helped to take all her body pain away, parang nabubugbog na kasi ang katawan n'ya sa pinagsabay na aral at pagtatrabaho. Trabaho narin kasi ang ginagawa n'ya para kay Marthy. Kinuha n'ya ang aparato sa tabi at nagscroll-scroll muna sa internet habang sumisimsim ng wine.

Sa hindi malamang dahilan nahanap na lamang n'ya ang sarili na hinahanap na ang username ng insta ng binata. Wala itong mga bagong post, ang huli ay ang pagiging ambassador pa nito sa isang kilalang brand. She just sighed and put her phone on the side.

It's been seven months ever since she left. Magmula noong napagdesisyonan na ng kapatid na ipadala s'yang muli sa ibang bansa ay tuluyan na s'yang nawalan ng koneksyon sa binata. He never reach for her, she can't blame him though. Sinunod n'ya ang sinabi ng kapatid nagpokus s'ya sa pag-aaral at ngayon ay nasa ikatlong taon na s'ya ng kolehiyo. Aaminin n'ya na unang buwan ng pagbabalik n'ya sa France ay hindi nawala ang binata sa isip n'ya. She badly want to call him and hear his voice pero pinigil n'ya ang sarili.

HOLD ME TIGHT [Devil's Obsession Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon