Kris POV
Birthday ngayon nung dalawang bestfriend ko si Joyce at Lexi. Syempre pagka gising ko agad tinext ko muna si Lexi
Lexi Kapatid:
Happy Birthday Kapatid! Ingat ka palagi. Dito lang ako always. Lovelots <3
Tapos nagthank you naman siya. Maya maya tinext ko naman si Joyce.
Joyce Bestfriend:
HAPPY BIRTHDAY BURECHE! Antanda mo na. Ahihihihi :") Libre mo ko ah? Ingat ka. Labyu Bestfriend :*
Bureche ang tawag ko sa kanya kasi dati nung maliliit pa kami, nanunuod kami ng cheche bureche noon. Tapos lagi nyang ginagaya si Bureche, kaya ayun bureche na ang tawag ko sa kanya. HAHAHA. Maya maya nagreply na rin siya.
From Joyce Bestfriend:
Salamat Botchog. Labyu too :* HAHA. Wala pera. :P Pwede ka ng lunch? Nagluto si mama eh. Punta kayo. Pang saten saten lang to.
Niyayaya nya ko ng lunch sa kanila nag luto daw kasi si Tita Minda. Gustong gusto ko yung luto niya ang sarap sarap kasi. The Best talaga. Nireplyan ko siya sabi ko sige, sasabay nalang ako kay rick. Dapat nga iinisin ko muna kaso birthday nya eh, patawad muna. HAHAHA. Mga quarter to 10 naligo nako, nagayos tapos mga 11:15 nagkita kami ni Rick sa Starbucks sabay na kami pumunta kila Joyce. Pagdating namin dun nandun na sila Lexi kasama family nya tapos syempre nandun si Joyce parents nya at si Ate Rachel at Kimbert. Maya maya lang kakain na. Bago kumain binigay muna namin nila Rick at Joyce yung gift namin kay Lexi. Gift ko kay lexi ay relo, yung gustong gusto nyang relo. Gusto nya yun bilin kaso nung time na yun wala siyang budget tapos nung binalikan na nya out of stock na kaya naghanap ako nun. Tapos buti naka kita ko sa MOA last stock na nga eh, bute nakaabot ako. Pagkatapos naman kumain kay Joyce naman kami nagbigay ng regalo. Binigyan sya ni Lexi ng Bag tapos binigyan siya ng dress ni Rick. Yung sakin mamaya ko na ibibigay.
Kris: Che, yung sakin mamaya na ah. Para special.
Joyce: Wuju. Pa special special pa. Kfine. Lahat naman ng binibigay nyo sakin special eh.
Rick: Sinosolo eh. May pa special pang nalalaman eh.
Kris: Eh Syempre, Best Friends kami eh.
Syempre best friends kami eh. Tsaka kasi parang ang lapit lapit ng loob ko sa kanya. I feel her special. Special rin naman si Lex sakin, pero iba si Joyce eh. Ewan ko ba. Ang gulo.
Rick: Ganun? Bakit? Ikaw lang ang Best Friends? Kami ni Lexi hindi? Nakoo! Pare, napaghahalataan kana. Ayieee.
Kris: Ewan ko sayo Rick! *Binatukan*
Rick: Anu ka ba naman pare. Pakealaman mo na buhay ko, wag lang buhok ko.
Lexi: HAHAHA. Tama na nga yan. Rick, samahan mo ko bili tayo ng ice cream.
Joyce: Sherbet nalang para maiba naman.
Lexi: Osige sige. Tara Rick.
Rick: Tara.
Yun buti umalis si Lexi at Rick, kami lang ni Joyce naiwan dito sa may sala. Yung parents kasi ni Joyce nasa kwarto nila pati yung mga kapatid nya, yung family naman ni Lexi nauna ng umuwe. Eto na yung time para ibigay ko sa kanya yung gift ko.
Kris: Joyce Ching Ching!
Joyce: Bakit?
Kris: Eto yung regalo ko oh. *Sabay abot ng isang box*
Joyce: Ano to?
Kris: Usong buksan.
Joyce: Kfine. * Binuksan ang box na may laman na kwintas na heart ang shape* Teka parang alam ko tong kwintas na to.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (KRISJOY)
Hayran KurguWHAT IS MEANT TO BE WILL ALWAYS BE. A Story of Love and Friendship.This is about Krisjoy ( feauturing Derlex.) :) <3