Wag Kang Bitter: Pang-Pitong Kabanata

49 1 0
                                    


Sa wakas, naka-update na rin dito :D May nag-aabang kasi >.< Kaway kaway naman dyan! BTW, play the video at the right side. Part po ulit siya nung movie namin. Hahaha. Sige, enjoy!

***

“San ba tayo pupunta? Kanina pa tayo lakad ng lakad?” I blurted out

 

“Basta maglakad ka na lang.” eh paano kung makapunta tayo ng mars? Baliw

 

“Eh sabihin mo muna sakin kung saan tayo pupunta.”

 

“Basta akong bahala sayo. Tara.”

Bilang lumakas yung kabog ng dibdib ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko! Ampotek! Kinikilig ako!

 

Holding Hands While Walking kami este Holding Hands While Running pala. Pwede naman kasing maglakad na lang diba?

 

Nang makalabas kami ng campus, the first thing I knew is, nasa park na kami. Take note, holding hands pa kami kaya tinanggal ko ito,

 

“Ano bang gagawin natin dito?” tanong ko ulit, baka pagalitan na ako ni Mama pag late akong umuwi

 

“Basta.” Ayan nanaman siya sa basta-basta niya eh. Dahil dun, hinawakan niya nanaman yung kamay ko. Namumuro na talaga siya.

(A/N: Play the Video at the right side para malaman kung ano ang ginawa nila Chris at Roi ~_^)

“Guys! Practice na daw!” nabuhayan kaming lahat ng malaman naming practice na. Yahooooo! Masaya ‘to!

Bumaba na kaming tatlo nila Cha at Kim at pumunta ng quadrangle para magpractice ng hataw sayaw for the Intrams. Masaya kasi shorten period lahat ng subject at syempre may tendency na wala ng klase kasi sa sobrang busy! Wuhoooohoooo!

2 weeks ang naging practice namin ng hatawa sayaw for the upcoming Intrams. Syempre pagod at hirap ang dinanas naming lahat.

“Excited na akong isuot ‘tong costume natin. Ang cute cute.”

“Yah girl. Buti na lang nag-suggest tayo na ganto ang costume natin sa Intrams.”

Sabay pakita sakin nung isang checkered na maikling palda na kulay gray at white tapos isang blouse na may weird na ribbon sa kwelyo. Mukha kaming anime nito. Tsaka idagdag mo pa yung pagkahaba-habang medyas na puti na above the knee. Anime theme nga pala kami ―_―

“Don’t you like it, Roi?” sabay bigay nung akin. Tinignan ko lang ito. “Hindi kaya tayo ma-disqualified nito?” tingin ko kasi ang ikli nung palda tapos yung blouse naman parang ang nipis.

Wag Kang Bitter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon