Nawalan ako ng gana kaya mabilis lang 'to. It's either 1 or 2 more chaps then done. Tapos na 'tong story hahaha! Ayoko ng magsalita, enjoy :)
***
Pagkatapos ng JS namin na yun, nag-start nang manligaw si Chris. Hindi ko alam kung ano yung isasagot ko nun kasi nabigla ako sa sinabi niyang yun. Sobra akong nangatog at grabe lang yung kabog ng puso ko. Parang sumabog na nga eh. Tapos yung fireworks na pinalipad eh wala akong narinig nun. Napatango lang ako nun tapos niyakap na niya ako.
Mga 2 and a half years ko lang naman siya sinagot este weeks pala. Sino ba naman kasing hindi o-oo sa lalaking yun? Alam kong gentlemen siya at mabait pero mas lalong naging alam mo yun. Yung naging mas maingat siya at sobrang protective sakin. Palagi niya akong sinusundo sa bahay. Magkasama kami palagi sa lunch at walang palya niyang pinaparamdam kung gaano niya ako kamahal.
He's the perfect boyfriend.
Hindi ko pinagsisihan na sinagot ko siya. Na maging boyfriend ko si Chris De Vera. Hindi niya ako iniwan hanggang sa matapos ang school year. Tapos honor pa kami nung Graduation kaya sobrang saya namin. Hanggang bakasyon nga eh palagi niya akong binibisita sa bahay. Kulang na lang eh dun na siya tumira samin. Masaya rin sina Mama at Papa saming dalawa ni Chris ganun din si Tita Alex. Botong-boto silang lahat sa'min.
Nang dumating ang buwan ng mayo, naging malungkot kami pareho ni Chris. Magbabakasyon kasi ulit kami sa probinsiya nila Mama and sad to say hindi rin pinayagan si Chris kasi may pupuntahan din sila. LDR ganun? Hahaha pero hindi nawala yung communication namin ni Chris. Segu-segundo atang tumatawag sakin pag hindi ako nagte-text. Hindi rin nawala yung ka-sweetan niya sakin at mas lalo akong naiin-love sakanya. Pero yun nga, may hangganan ang lahat.
1 week before enrollment namin, ay nakauwi na kami galing probinsiya. Nagtaka ako kasi hindi nagparamdam si Chris sakin sa tawag or text man lang. Bigla akong kinabahan nun hanggang sa makauwi kami. Sinubukan ko siyang tawagan or text pero wala. Hindi ko alam kung anong nangyari sakanya.
Dumating ang enrollment namin. Good thing nakasabay ko siyang magpaenroll. Kakausapin ko na sana siya kung anong nangyari sakanya at bakit di siya nagpaparamdam nun, pero naunahan niya ako. Dinala niya ako dun sa pinag-usapan namin nung pumayag akong maging date niya sa Prom. Bumibilis nun ang kabog ng dibdib ko. Pakshet, feeling ko may hindi magandang mangyayari ngayon. Sobrang seryoso ng mukha niya at sinabing,
"Break na tayo."
Akala ko nga Joke lang yun eh. Tumawa pa ako pero ang seryoso pa rin ng mukha niya. Medyo naasar ako nun sakanya. Ano yun? Yung halos 2 years na pagsasama namin (yung mg sweet moments namin kahit hindi pa kami.), ganun ganun na lang yun? Wala na? Break na? Ganun? Oh bitch please.
Medyo naiiyak na ako nun kasi hindi ko matanggap yung dahilan niya. Ayaw na niya sakin. Nawawalan na siya ng gana sakin. Nawawala na rin yung pagmamahal niya sakin. Ang sakit lang kasi sakanya pa galing yun. Para akong tinorture ng isang milyong beses at hindi ko alam ang gagawin ko. Nakita ko rin na nangingilid na rin yung mata niya. Naiiyak ba siya? Pwe. Matapos niyang itapon yung pinagsamahan namin, iiyak siya. Hindi ba siya masaya?
Nagulat na lang ako nung niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ko alam kung bakit niya yun ginawa. Basta ang alam ko, galit ako sakanya. Galit na galit.
Tama na nga ang pagpa-falsh back, Roi. Sinasaktan mo lang ulit yung sarili mo. Hahaha. Natatawa pa rin ako sa sarili ko kasi para akong tanga.
"Tinatawag na tayo dun oh," tumayo naman kami ni Cha nang dumating si Kim
Kakatapos lang ng Gr. 7 na magperform at susunod naman na yung mga Gr. 8. So bale, malapit na kami.
BINABASA MO ANG
Wag Kang Bitter (Completed)
Genç KurguWag kang bitter! All Rights Reserved 2014 Winz-Oppa