Wag Kang Bitter - Pang-sampung Kabanata

21 0 0
                                    

Dedicated 'to sa mga ka-Louisian Empire ko dyan! Yuhoooo hahahaha naalala niyo 'to? Ito kasi yung ilang preparation namin nung JS prom namin. Hayy. Nakakamiss. Hanggang alaala nalang siya.

Hindi ko na masyadong inedit 'tong part na 'to, natatamad na kasi ako -_-

Enjoy!



***


Dumiretso agad ako sa canteen nang malaman ko na andun si Chris at may kausap na babae. Bigla akong kinabahan. Baka huli na ang lahat. Baka naghahanap na siya ng date. Psh! Binilisan ko na yung pagtakbo ko hanggang sa madaanan ko sina Kim at Cha na pabalik na rin ng room.

 

Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo at sinigaw na pupunta akong canteen kasi andun si Chris. Tumang-tango naman sila ng nakakaloko tapos tumawa sila. Mga baliw.

 

Malayo ang canteen sa room namin. Dadaanan mo pa kasi yung buong court tapos yung faculty, office, at yung elem department. Psh! Napapagod na ako pero sige lang. Baka hindi ko na siya maabutan.

 

Nang makapasok na ako sa canteen ay napahinto ako saglit para habulin ang hininga ko pero nilibot ko agad yung paningin ko sa canteen at nakita ko agad yung likod ni Chris sa may left side na may kasama ngang babae.

 

Lumapit ako sa part nila habang nangangatog yung binti ko at buong katawan ko sa sobrang kaba ko. Okay, Roi. Ihanda mo na yung sarili mo sa pwedeng mangyari. Hindi ako mapakali eh.

 

Nang nasa likuran na nila ako, naramdaman siguro nung babae na may tao sa likod nila at humarap siya sakin. Teka, parang...

 

"A-ate Roi? Anong nangyari sayo?"

 

Nagulat na lang ako. Kaya pala parang familiar. Sumunod namang tumingin si Chris sakin na nagulat din.

 

Kung hindi ako nagkakamali, Christine ang pangalan niya. Yung kapatid ni Chris na babae. Minsan ko na siyang nakita nun. Tapos pinakilala niya ako. 1 year lang ang agwat nila at kasalukuyan siyang sophomore ngayon.

 

Bigla akong nagpakawala ng isang malaking buntong hininga at para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Grabe! Napahawak narin ako sa tuhod ko at napayuko sa sobrang pagod habang hinahabol ko pa rin yung hininga ko.

 

"O-oy? A-anong nangyari sayo?" hindi ko pinansin si Chris kasi busy ako sa paghinga. Hindi ko na kaya. Ang layo kaya ng tinakbo ko!

 

"A-ate Roi? Ayos ka lang ba? Para kang tumakbo sa marathon. Upo ka, Ate." Pinaupo naman ako ni Christine dun sa gitna nila kaya medyo gumaan yung pakiramdam ko.

 

"A-ano bang nangyari sayo? Ito oh. Inom ka muna." Agad kong hinablot yung inalok ni Chris na tubig at saka nilagok yung kalahating natira...

 

TEKA!?

 

Bago pa ako makapag-react eh naubos ko na yung tubig at muntik na akong nasamid kaya napa-ubo ako ng unti.

Wag Kang Bitter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon