Wag Kang Bitter: Pangatlong Kabanata

72 1 0
                                    

Short update. Sorry. Sisimulan ko na kasi yung isang short story ulit. Dapat nga naupdate na ngayon kasi relate siya sa simbang gabi. Oh well ganun talaga. Enjoy ^_^

 ***

"C-chris?"

 

"Roi?"

 

Halos naninas ang buo kong katawan at hindi pa rin makapaniwala sa lalaking kaharap ko ngayon. Ni hindi ko na rin maramdaman yung konting float na nabuhos sakin kanina.

"Ay! Sorry ha." At bigla na lang siyang lumapit sakin para punasan yung natapon sakin.

Hindi ako makagalaw. Nasa aftershock parin ako. Si C-chris ang kaharap ko ngayon. Ang lalaking... lalaking...

"Ano pong meron dito?" may biglang lumapit samin na babae, "Dito po tayo."

Inalalayan kami nung babae dun sa staff room para maassist kami. Hindi naman grabe yung float na natapon sakin.

 

"Roi anun―" biglang pumasok sina Cha at Kim sa staff room at napanga-nga silang dalawa sa nakita niya. "PORN! My poor virgin eyes!" at napatakip si Cha ng mata niya. Sapakin ko kaya 'to.

"Gaga! Anung porn ka dyan." Kinalma ni Kim yung sarili niya bago siya magsalita, "A-anung ibig sabihin nito? Roi halika na!"

Bigla nalang akong hinila ni Kim palayo kay Chris na nabigla sa ginawa ni Kim, "T-teka lang―"

*Blag*

 

***

"Ano ba kasing nangyari ha?"

"Hindi mo man lang sinabi samin."

"Huy! Sumagot ka nga!"

 

Hindi ako makapaniwala na makikita ko siya. Makakausap. After  1  year. Isa lang ang pumasok sa isip ko. Yun yung binigay niyang―

 

*Paaak*

 

"Omygosh! Kim bakit mo sinampal si Roi?!"

"Wala sa katinuan eh."

Nasapo ko yung kanang pisngi ko na nasampal ni Kim at hinaplos ito, "Bakit mo yun ginawa Kim?!" I exclaimed with a death glare. God! Masakit yun ah!

"Kita mo, effective."

 

"Tsk!"

Iniwas ko na lang yung tingin ko at napatingin na lang dun sa mga batang naglalaro. Bumabalik nanaman yung alaala namin. Ganito rin. Yung mga batang walang alam kundi maglaro lang.

Wag Kang Bitter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon