Wag kang Bitter: Unang Kabanata

150 3 5
                                    

Hello! Sorry sa sobrang delay ng update nito. Ang bagal ko magsulat T___T  Hope you enjoy it.

***

Una ko siyang naging bestfriend. We meet each other nung naging magkaklase kami nung 2nd year kami. Kayear ko naman siya nung first year kaso hindi kami magkaklase. First impression ko sakanya,

EVERY-GIRLS-DREAM

Hindi ko alam bakit ganun pero unang tingin mo kasi sakanya yun ang masasabi mo.

So, first day of school, malamang chika-cihka na yung ibang mga kaklase ko. Kala mo kung ilang taon sila hindi nagkita. Ang totoo, nagkaroon ng shuffle. Nahiwalay ako sa mga kaklase ko pero may mga nakasama naman ako. The next thing I knew is,

"Nasa Star Section kayo." pageexplain samin ng Teacher namin

Nagulat ako at ang iba pa. Seriously? Bakit ako napunta dito? Waaaaah! Nakakatakot daw sa Star Section. So ibig sabihin, matalino ako? AKO? Tsk! Baka napadpad lang ako dito ―ὠ―  Gusto ko magtransfer ng section!

"Pahiram nga ng Science book pwede?" napalingon naman ako sa nagsalita

Lalaki siya. At ubod ng gwapo! As in! Yung mata niyang may spark at yung ngiti niyang nakakatunaw. Nakakatulala yung kagwapuhan niya!

"Miss? Pwede ba?" nabalik lang ako sa realidad nung may kumakaway na sa harapan ko

That was our first encounter. Ang awkward nuh? Day passed by, palagi ko na siyang nakakausap. Seatmate ko kaya siya. Although minsan minsan lang siya magsalita. Pag may kailangan lang yan kumakausap.

"There will be a Practicum regarding our topic." sabi nung MAPEH teacher namin

Napanga-nga na lang ako. Oh noes! Dance pa man din yung topic namin ngayon which means, you need a partner. Pero sino?

Palingon lingon lang ako sa buong room at napayuko. Sige sila na ang may partner. Asar!

"Uhm, pwede ikaw na lang partner ko." napalingon naman ako sa babaeng nagsalita

Malamang kay Chris siya nagtatanong. Alangan naman sakin? Like hello.

Wag Kang Bitter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon