Wag Kang Bitter - Pang-apat na Kabanata

26 0 0
                                    

Delay masyado mga be :( Ito na, one last chap na hahaha. Enjoy :*



***

"YES! NICE!"


Sigaw naming lahat dahil sa sobrang saya at excited. Akalain mo yun? Bukod kasi na masaya at excited kami na ga-graduate kaming lahat eh may magaganap na High School ball para sa mga Seniors at Grade 9 students.


"AMSOEKSAYTED NA!" natawa na lang ako kay Cha at feel na feel yung kasiyahan sa room.


Pagbalik kasi namin ng January galing vacation, nalaman namin na wala ng JS. Syempre, k-12 na kasi ang susunod at hindi na matatawag na Junior Senior Promenade ang JS kung wala ng Junior kasi nga Gr. 9 na ang sunod samin. So parang nalungkot kami nung that time. Ga-graduate kami ng walang memorable na nangyari samin. Diba?


So, may nag-propose daw kay madam principal na magkaroon na lang daw ng acquaintance party. Makulit kasi kami na to the point na kinulit namin yung president namin na mag-propose ng kasal este proposal ng acquaintance kay mam principal. So yun, parang JS daw yun pero, mula Gr. 7 to 4th year ang kasali. Napa-WOW naman daw kami dun. Ano yun? Parang naging childrens party ang dating tapos sobrang dami namin at baka hindi kami magkasya sa pergola. Tapos sabi pa ng president namin,


"Mamaya may nagtatakbuhang bata na naka-americana at gown. Ang pangit tignan."


Yeah. Um-agree ang lahat ng 4 sections ng 4th year dun. Yung mga gr. 7 at 8 ngayon ay maliliit na tapos pagsusuotin mo sila ng coat and tie. Howasdat naman diba?


Buti na lang daw at may natanggap si mam principal na memo na papalitan daw ang JS ng High School Ball. Para siyang JS pero semi-formal. Next year pa raw sana yun kasi pang k-12 talaga yun pero dahil sa kagustuhan naming magkaroon ng JS para may remembrance bago grumaduate, pinilit namin ang lahat ng teachers pati na rin si mam principal na isali kami at yun na nga ang nangyari.


Pinagbigyan na lang kami dahil daw SOBRANG BAIT naming batch at PINAKA-FAVORITE KAMI NG FACULTY at ni MAM PRINCIPAL *insert sacasm* pinayagan kami. Magaganap ang first ever High School Ball ng school sa February 27, 2015.


Hindi pa rin mawala ang excitement sa mga kaklase ko kasi pinatugtog pa nila yung pop danthology na sinayaw namin nung 3rd year kami at sinayaw ulit ito. Nakisali na rin sina Cha at Kim kasi favorite nila yun. Napangiti na lang ako pag naririnig ko yang kantang yan.


Naalala ko ulit ang lahat.


Napatingin ako sa direction kung saan masayang-masaya si Chris na nakikipagtawanan dun sa mga sumasayaw. Mula nung pagpasok ang January ay ganyan na siya. Palaging masaya. Nasapian ata siya ng masamang espiritu nung bakasyon eh.


Nang tumunog na yung bell, nagsilabasan na lahat ng mga kaklase ko. Syempre, nakisabay na rin kami. Nang makarating na kaming pito sa canteen ay nag-reserve na sila Cha ng upuan namin para hindi kami maubusan. Palaging pa namang may stampede na nagaganap sa loob ng maikip na canteen. Yung mga lower years kasi nagtatakbuhan at ang ingay-ingay.

Wag Kang Bitter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon