Ginawa ko ng 15 chapters 'to. So bale dalawa na lang. Yehey! Hahaha. Malapit na. Wala akong alam sa ma-drama scene so pagpasensyahan kong ganto yung kinalabasan. Salamat sa mga nagbabasa nito. Magpakilala kayo sakin dali haha
Enjoy :)
***
After nung incident na yun, mas lalo akong na-confuse kay Chris pati na rin kay Quennie. They're acting weird and it's killing me. Wala naman na akong pake sakanila pero damn! Hindi ko maiiwasan.
"Ayos ka lang, Roi?" napalingon ako sa katabi kong parang nag-aalala sakin.
"Ah oo. Ayos lang ako." Saka ko nginitian si Francis
Magta-tatlong buwan na dito si Francis sa school at sa section namin siya napunta. Masaya naman kami nila Cha na bumalik na si Francis at kaklase pa namin siya. Nakasabay rin siya sa mga lessons at mukhang advance pa yung nalalaman niya. May plano atang mag-valedictorian 'to ah.
"Roi, sino nabunot mo?" lapit sakin ni Cha at sumunod naman si Kim
"Bawal daw sabihin."
"Ang daya naman neto oh." Saka siya nag-pout. Ew! Hindi bagay!
Kakalabas lang kasi ng adviser naming si Mam Weng at kakatapos lang namin magbunutan para sa Christmas party. Akalain mo yun, ilang buwan na lang eh graduate na kami. Ang bilis ng panahon nuh?
"Ikaw, Francis?"
"Secret." Saka siya ngumiti ng kakaiba. Nakakatunaw talaga yung mga ngiti niya. Mas lalo siyang pumu-pogi eh.
"Pakamatay na kayong dalawa ha? Badtrip." Saka nag-walk out si Cha. Problema nun? Menopause na ba siya?
"Nag-away kasi sila ni Ivan. LQ ata. Ewan." Explain naman ni Kim. Kaya naman pala eh
Ganito lang kami sa mga nakaraang buwan. Palagi na rin naming kasama si Francis every recess at lunch. Wala kasi siyang kakilala masyado sa classroom at bagong lipat lang siya so parang op daw siya. Mabilis lang namin siyang nakakasundo. Mas lalo na ako.
Ako ang pinaka-close niya sa lahat. Bukod sa katabi ko siya sa room eh ako palagi ang kinakausap niya pag lumalabas kami or such. Aaminin ko, masaya siyang kasama. Mabait, gentlemen, may sense of humor kausap at maalalahanin. Bigla ko siyang naalala kay Francis. Ganitong-ganito siya sakin nun. Hindi ko nanaman maiwasang malungkot na magalit na maiyak pag naalala ko siya.
Napailing na lang ako. Hindi mo na dapat siya iniisip, Roi. Bakit? Iniisip ka pa ba niya? Mahal ka pa ba niya? Ha? Hindi na, Roi. HINDI. NA.
Hindi ko naririnig yung mga sinasabi ni Francis sakin kasi nakatingin ako sa pintuan.
Masaya sila. Nagtatawanan. Para bang mahal na mahal nila ang isa't-isa. Para na nga silang mag-syota eh kahit wala pa akong naririnig na sila na. Bakit ganun? Kahit anong iwas ko at balewalain yung mga nakikita ko, eh nasasaktan pa rin ako?
BINABASA MO ANG
Wag Kang Bitter (Completed)
Teen FictionWag kang bitter! All Rights Reserved 2014 Winz-Oppa