Wag Kang Bitter: Panglimang Kabanata

71 1 0
                                    

Tapos ko na yung script namin kaya nakapag-update na ako dito. Buti na lang. Pagod na ako dun -,- So, enjoy po ang update.

***

“Grabe talaga! Feel niyo na yung bakasyon guys?” palukso-luksong talon ni Cha habang lumalabas kami ng room

 

“Hindi pa, grabe andaming requirements. Ilan na napapirmahan mo?” iritang tanong ni Kim

 

“Grabe! Tatlo na lang. Yung isa si mam science tapos si Teacher.” Sagot nito

 

“Sino yung isa?”

 

“Si Mam Principal!”

 

“Geh! Buti ka pa.”

 

“Ilan pa ba sayo?” tanong ko, “Lima pa.” malungkot na sagot nito.

 

Hayy buhay. Second year life is almost done. Tatapusin na lang ‘tong clearance and voila! Bakasyon na! Kakatapos lang kasi nung graduation namin nung isang-isang araw at eto kami ngayon, nagpapapirma na para matapos na lahat.

 

Nasa state of shock pa rin ako na nakapasok ako sa top 10. Unexpected yun. Pati yung kay Chris―Oh, nevermind.

 

“Bili muna tayo ng fishball. Gutom na talaga ako.” Dinala kami ni Kim dun sa harap ng school kung saan may nagtitinda ng fishball, “Kaya nga, kastress magpapirma.” Pagsang-ayon ni Cha

 

Kumain lang kami dun sa fishballan dahil sa sobrang stress. Andami kasing requirements na pinapa-require. ANU DAW? Hahaha basta yun. Mga notebook na punit punit na, mga project na tinapon na. Dapat sa una palang, sinasabi na yun ―,―

 

Matapos namin sa fishballan ay bumalik na kami ng school para tapusin na yung clearance namin. Ayoko ng bumalik bukas. Nakakatamad na eh.

 

“San pala kayo magbabakasyon?” biglang natanong ni Kim, “Ako sa Ilocos daw sabi ni Mama ko.” Sagot ni Cha

 

Hmm, wala pa namang nasasabi sina Mama sakin eh, “Ikaw, Roi?”

 

“Hindi ko pa alam eh.” Kibit-balikat kong sagot

 

Habang naglalakad kami, may biglang sumigaw na familiar voice, “ROI!!”

 

Napatingin sila Cha at Kim sakin. Pinilit kong kausapin sila through eyes at mukhang nagets naman nila, kaya sumunod na sila sakin. Medyo binilisan kasi namin yung lakad namin na para bang wala kaming naririnig.

Wag Kang Bitter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon