Wag Kang Bitter - Panglabing-isang Kabanata

23 0 0
                                    

Yown. Natapos ko din 'to. Ito na siguro yung pinakamahabang nasulat ko. Hahaha eh kasi naman base yung JS nila sa JS namin so na-enjoy ko ang pagsusulat. Even the small details sinulat ko na rin. So, ilang chaps na lang 'to wuhoooo! Dedicated to sa ka-Louisian Empire (III-St. Louis) ko. Miss ko na yung highs school life :(

Enjoy!




***

Nagaalalangan pa akong lumabas ng kwarto ko dahil sa Fuschia Pink kong gown na suot ngayon. Waaah! Feeling ko ampanget ko. Kakalabas lang nung nag-ayos sakin at tinignan yung mukha ko.

 

―_―

 

Tsk! Sabing wag makapal eh >.< Pinilit kong ayusin ang make-up na nilagay nung baklang nag-ayos sakin. Tsk! Tsk! Sabi kasi kay Mama na ako na lang eh.

 

Habang busy ako sa pag-aayos ng mukha ko, nag-vibrate ang phone ko,

 

"Hello?"

 

["San ka na?"]

 

"Asa bahay pa lang. Nasa pergola ka na?"

 

["OA naman nito. Mamaya pa kami pupunta. Sige bye, magpapaayos na ako."]

 

At binabaan na ako ng phone Kim. Tsk! Bakit kasi ako pa yung napiling usherette sa JS Prom namin ―_― Napilitang umattend ng maaga. Tsk! Tsk! Tapos, tapos,

 

"Insan―S-sino ka?!" nagulat ako sa biglang pumasok sa kwarto ko, "Bakit ka andito? At tsaka, bakit mo suot yang gown ni Insan?"

 

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa inasal ni Insan o matatawa talaga ako? Epic nung mukha!

 

"Anong ngini-ngiti mo dyan―?" natigilan siya bigla dahilan para matawa na ako ^O^

 

"Insan? Ikaw ba yan?" dahil dun, napahagalpak na ako sa kakatawa. Sheyt! Hindi ako makahinga dito sa gown ko.

 

"Ikaw ba talaga yan?" lumapit na siya sakin at sinusubukan kong patahimikin ang sarili ko pero,

 

"BWAHHAHAHAHAHA!"

 

"Insan naman eh." Napapunas ako sa mata ko dahil malapit na akong maiyak sa kakatawa, "Hindi nakakatawa." Napa-cross arms siya saka umupo dun sa dulo ng kama ko

 

"Hahahaha kasi naman, hahahaha. Yung mukha mo hahahahahahah!" whooo, hindi na talaga ako makahinga sa kakatawa. Nagfa-flash kasi sa utak ko yung itsura niya na poker face na epic na pangit na mukha ni Insan. Whahahaha

Wag Kang Bitter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon