Wag Kang Bitter: Pangapat na Kabanata

60 1 0
                                    

Siguro nga madaming nalilito sa story na 'to kasi andaming flashback. Sorry, ito kasi yung flow ng story ko. Try niyo na lang po intindihin. Ginagawa ko naman po nang mas maayos para maintindihan niyo po kaya pagpasensiyahan niyo na lang po. Enjoy the update na lang po :D

Note: Lahat ng mga italic, flashbacks po lahat yun okay?

***

“Girl! Sandali lang!” may naririnig akong sigaw mula sa likod ko at tsaka mga yabag kaya napalingon ako.

 

“Roi! May good news kami! Dalawa pa!” pagsisigaw ni Kim sa harapan ko at parang hingal na hingal sila

 

“Anu ba yun?”

 

“Napost na yung result ng final exam at tsaka meron na din yung top 10 sa buong second year.” Pagi-explain ni Kim

 

“Oh tapos?”

 

“Ageh! Ampangit naman ng reaction. Nagpagod pa kaming hanapin ka tapos yan ang reaction. Kastress!” Cha freaked out while rubbing her head out of frustration

 

“Anu bang meron?”

 

“PASOK KA SA TOP 10!” aba’t sabay pa silan―

 

“WHAAAAT?!” I almost freaked out nung sabihin nila nang sabay ito

 

“Yup. Top 5 ka. And you know what, tie kayo ni Chris. Diba good news?”

 

Good news nga ba? Pero, hindi pa rin ako makapaniwala na pang 5th ako. Bulakbol naman ako ah. Hayst. Iba na talaga ang panahon ngayon.

 

“Congrats girl. Blowout ah. Sabay na kayo ni Chris. Red table na yan!” pag-aaya ni Cha

 

“Wala akong pera. Hindi ko nga alam kung bakit ako nasali dyan.”

 

“Hay naku, wag ka ngang magmaang-maangan. Alam naman naming, palagi kayong nag-aaral. Baka nga kasama mo si Chris nag-aaral eh. Sama naman kami para maging top 1 kami ni Cha diba?”

 

“Yah yah!” parang batang pagsangayon ni Cha

 

“H-hindi naman kami magkasamang nag-aaral eh.”

 

“Deny queen ka talaga.” We are about to walk nang tumigil si Cha

Wag Kang Bitter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon