Sobrang haba po neto. Haha! Hindi ko na hinati sa dalawa kasi hassle lang. So, yeah. It's done. Natapos ko na. Hindi ako magaling sa ending, more on sa una at gitna ako, so sana pagpasensyahan niyo na kung ganyan kinalabasan. Yan lang kaya ko. Hahaha. Edit ko na lang pag sinipag ako.
Salamat sa pagbabasa nito ;) IV- St. Ignatius of Loyala, para sainyo 'to :*
***
Roi's POV
Heto na naman ako, naga-abang ng bago sa storya ko---
Napatay ko agad yung phone ko nung sumunod yung kantang yun. Ano ba yan! Ang sarap sarap ng pakikinig ko dito tapos senti ang sumunod? Dinadamayan ata ako ng panahon ah? Argh! Shet sumasakit nanaman yung ulo ko kakaisip!
"Tapos ka na, Insan?" Rinig kong sabi ni Insan sa labas
"Saglit lang." Tsaka ako humarap sa salamin at inayos ulit yung buhok ko.
Ito na... High School ball na namin.
Ang bilis ng panahon grabe. Akalain mo yun, ilang oras na lang eh HS Ball na namin. Parang kahapon lang yung 'date' na nangyari samin. Fresh pa kasi sa utak ko lahat eh. Sobrang fresh hindi nabulok! Hahaha! Kidding aside.
Pero sa totoo lang, nawi-weirduhan na ako sa mga kinikilos ng mga kasama ko lalo na sila Cha at Kim. Idagdag mo na rin si Chris na sobrang nagbago simula nung January until now...
February 14
Para na akong natatae na ewan. Parang gusto kong tumayo at lumabas na lang pero hindi ko magawa. Yung tuhod ko kasi nangangatog na at feeling ko sasabog na ako dito!
"Uy, Roi, magsalita ka naman dyan. Mukha kang ewan dyan!" Nagtawanan yung iba habang nakatingin silang lahat sakin pati siya nakitingin. Sundutin ko mga mata nila eh!
Shet! Di ko na kaya ito!
"C-cr lang ako." Sabi ko sabay tayo sa inuupuan ko. Buti naman at nakatayo ka na Roi
"Ok ka lang ba?" Alalang tanong ni Chris na katabi ko kanina pa
Tumango lang ako tsaka umalis na dun sa pwesto nila. Hindi ko na ata kayang manatili dun.
"Roi bumalik ka ha!" Rinig kong sabi ni Kim pero hindi ko na ito pinansin at nagmadali na lang akong maglakad papunta sa Cr.
Nagkulong agad ako dun sa isang cubicle at dun na lumabas yung kanina pang gustong lumabas. Ang sakit kaya. Ang hirap kaya magpigil ng ihi nuh. Nang matapos na akong umihi ay naghugas na ako ng kamay at naghilamos ng mukha.
BINABASA MO ANG
Wag Kang Bitter (Completed)
Genç KurguWag kang bitter! All Rights Reserved 2014 Winz-Oppa