DISCLAIMER
This is a work of fiction, Names, Characters, businesses, Places, Events, Locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance of actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.
Please be advised that this story contains mature themes and strong language that are not suitable for very young audiences. Read at your own risk
This story or any portion thereof
may not be reproduced or used in
any manner whatsoever without the
express written permission of the
author for the use of brief quotations in
a book review.The author of this book did not take
or undergo in any proper training of
Writing. Please be considerate of her
any mistakes (Spelling. Grammar etc.)
in writing this fan fiction.PLAGIARISM IS A CRIME.
☽
"Tingin ko, Selene. Dapat mag seryoso ka na, jusko ang haba na ng listahan na nireto namin sayo ni Sol pero lahat walang epekto sa'yo, kung hindi mo sinusungitan, ghino-ghost mo" dakdak ng kaibigan ko habang nakatingin sa kalawakan ng Manila.
Sumimsim ako sa aking apple juice at nilagay sa noo ang suot kong salamin. "Alam mo, mag seseryoso naman ako kung alam kong seryoso din sila sa akin"
Sol chuckled. "Alam mo naman, Tala. Sobrang galing kumilatis ni Selene, tititigan lang n'ya malalaman n'ya agad kung manloloko ba o hindi"
"Nako naman, iwan mo na kasi 'yang past mo, Selene. Ilang taon mo na bang dala-dala 'yan" Tala said. Nagkibit-balikat lang ako at binalik ang tingin sa libro na binabasa.
Tama nga naman, dapat iwanan na natin yung past at wag na dalhin sa present. Nakatira kami sa iisang condo dito sa Manila, taga Mindoro talaga kami pero ng maka graduate kami ng fourth year ay napagpasiyahan namin na lumipat dito, buti nalang maraming koneksyon dito sa siyudad ang pamilya ni Sol kaya mabilis kaming nabigyan ng condo.
Tiningnan ko ang buong condo, puro white, brown at black ang kulay. May iilan ding halaman sa gilid. Pagkapasok sa pinto namin ay merong sala sa kanan, may dalawang mahabang sofa at may dalawa ding isahan lang na upuan, white iyon habang may coffee table na black sa gitna. Sa kaliwa naman ay kusina na agad namin at meron doon na counter top na salamin. Tatlo ang kwarto at tig-iisa kami.
Dalawang taon na din kami dito, tuwing Pasko at Bagong Taon lang kami umuuwi sa Mindoro dahil talagang pinagbubutihan namin ang pag-aaral.
"Ano naman kung may bago na agad s'ya? Mas maganda parin naman ako" Tala said with a drunk voice. Lumiko ang usapan at napunta sa kaniya, tinutukoy niya iyong Engineering student na ka m.u n'ya at na ghost ata s'ya.
Napatampal ako sa aking noo. "Puro ka 'Mas maganda ako sa bago niya' anong magagawa ng ganda mo e, pinalitan ka na nga"
Natawa si Sol sa sinabi ko kaya naman mas lalong naging kawawa ang mukha ni Tala, namula na ang mata n'ya kaya tumigil si Sol sa pagtawa.
"Nako, kuhain mo yung cellphone n'yan baka mag drunk text iyan. Nakakahiya" utos ko kay Sol kaya naman agad siyang lumapit kay Tala at kinuha ang cellphone niya at binigay sa akin.
Mukha lang akong walang pakealam sa ginagawa ni Tala pero nasasaktan ako para sa kaniya, hindi namin s'ya tinuring na prinsesa para lang paiyakin ng isang lalaki. Like, what the hell did he do to our princess? Ngayon lang naglasing ng ganiyan si Tala. Kaya ako kahit anong reto sa'kin ni Tala at Sol ng mga kilala nilang lalaki hindi ko talaga pinapatulan. I mean oo nilalandi ko pero hindi ko siniseryoso kasi alam this this generation just want to explore.
Bukod sa may trauma ako, marami din akong issue sa buhay, trust issue, anger issue at kung ano ano pa. Mahirap din akong kausap, paiba-iba ang mood ko. Five years na rin noong huli kong boyfriend, nitong mga nakaraang taon puro m.u o nakakausap ko lang, pag hindi ko nagustuhan ang paraan ng pakikipag-usap, gino-ghost ko nalang.
Hindi ko na rin mabilang kung ilang lalaki at babae ang nakakausap ko, minsan mga taga ibang bansa pa ang nirereto ni Tala sa'kin pero wala parin talagang effect.
Minsan may nagugustuhan ako pero maya maya maiisip ko 'yong past ko at bigla nalang ako mawawalan ng interes yung iba naman pag alam kong niloloko lang ako hindi ko na kinakausap. I don't know why pero tinatamad na akong mag entertain ng mga bagong tao sa buhay ko. Gano'n at gano'n din naman kasi ang nangyayari, ikukwento ko iyong buong buhay ko tapos in the end of the day parehas lang kami mawawalan ng interes sa isa't isa, kaya nakaka pagod na rin.
Sa mundong ito, wala naman talagang permanente, lahat aalis, lahat magsasawa, lahat magbabago kaya nakakatamad nang kumilala ng bago.
"Hi, kanina pa kayo?" Sabi ni Tala na kakadating lang dito sa coffee shop na madalas namin tambayan pag walang klase. Pare-pareho kaming nasa first year college pero magkakaiba ang course namin.
"Kakarating ko lang din, si Selene ata kanina pa" sagot ni Sol, naka upo silang dalawa sa harapan ko. Maraming libro ang nasa lamesa at lahat iyon ay sa akin.
"Okay lang, nagbabasa lang naman ako" sagot ko at sumimsim sa aking kape.
"S'ya nga pala, may chika ako" saad ni Tala at tumawa. Nagkatinginan kami ni Sol at parehas na umiling.
"May bago ka na namang lalaki?" Tanong ni Sol at agad naman na tumango si Tala. Tingnan mo nga namsn, parang kagabi iiyak iyak sa amin tapos ngayon may iba ns namang kaharutan. Hanga na talaga ako.
"Yung ex ko kasi nagparamdam, alam n'yo ba yung sabi? Kung pwede daw ba s'ya manligaw ulit" tumawa s'ya kaya pinagtinginan kami. "Pinaglaruan ko lang naman kasi iyon noong highschool, hindi ko naman aakalain na babalik siya ngayon"
"Iyong Obsanga ba iyan?" I asked and she nodded. "Seseryosohin mo naman?"
She sighed. "Siguro? I don't know, titingnan ko pa"
Nanahimik muna kami ng dumating ang isang waiter, nag order silang dalawa habang nagpadagdag naman ako ng kape at isang dark chocolate.
"He also invited us, birthday kasi nong kaibigan n'ya kaya gusto n'yang pumunta tayo. Malapit lang sa condo yung bar" sabi agad ni Tala pag alis ng waiter.
"Sa bar?" Tanong ni Sol.
"Kakasabi lang diba?" Pambabara ko kaya inirapan niya ako ng pabiro. Dumating na ang order namin kaya naman kumain muna kami ng kaniya-kaniyang cake namin habang nagbabasa ako.
"So tuloy tayo ha? Mamaya na iyon" pangungulit pa ni Tala. Aangal sana ako pero tinaas niya ang kaniyang kamay na tila pinipigilan akong magsalita. "Ngayon nalang ulit, kelan pa ba iyong huli nating punta sa bar? Noong birthday pa ni Sol, January pa, February na ngayon"
"Aba, makapagsalita ka akala mo naman isang dekada na ang lumipas, last month lang iyon mare" pakikipagtalo pa ni Sol sa kaniya habang umiinom ng orange juice.
Paano ako nakakapag-aral nito kung ganito kaingay ang mga kasama ko? Oo maingay din naman ako pero hindi palagi, hindi ako katulad nitong dalawa na cinareer na ata ang pagiging madaldal. Lalo na si Tala na akala mo nagtatawag ng pasahero para sa jeep.
_____
End of Chapter One.
I hope you are blessed with a heart like a wildflower.
Thank you and Enjoy reading.
YOU ARE READING
With The Moon
Teen FictionLove is a game that two can play and both win. Selenenia is girl with traumas and can't express her feelings properly. She went through a lot at a young age, she preferred to be alone and without talking to other people, she preferred to be with her...