Hindi naman sinabi ni Sol at Tala na kasama pala namin si Jp at si Drei. Ano kayang pangalan n'ya? Andrei? Iyon lang naman kasi iyong malapit sa Drei, diba? Pero mabalik nga, hindi naman sila sinabi sa akin nakasama pala itong dalawa, akala ko kaming tatlo lang.
Magkatabi kami ni Tala habang magkatabi si Jp at Drei, nasa gitna naman namin si Sol na tahimik na kumakain.
"Aba, Selene. Imik imik naman" siko sa'kin ni Tala habang kumakain kami, tiningnan ko lang s'ya ng may tanong sa mata. "Galaw galaw baka pumanaw"
Ngumiti lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Nagkwentuhan lang silang apat doon habang tahimik akong kumakain at kinakalikot ang cellphone ko. Nakapunta na ako sa Instagram at Twitter pero hindi parin sila tapos. Si Jp na ang nag prisinta mag bayad kaya naman pinagbigyan nalang namin s'ya.
Hindi muna kami umalis sa restaurant ng matapos dahil magpapatunaw pa daw kami. Inaalala ko iyong readings ko dahil marami rami pa iyon, isang buwan na lang at magbabakasyon na at uuwi ata kami sa Mindoro para mag summer break.
"Aalis na muna ako ha? Jp pwedeng pahatid nalang sila? May aasikasuhin lang ako" sabi ni Summer at tumayo kaya napatingin kami sa kanila. Saan naman pupunta ang isang to?
"Pwedeng padala mo nalang dito si Sugar?" Tanong ko sa kaniya. Ayoko naman maki third wheel kila Jp at Tala no?
"Pwede naman kitang ihatid" agaw pansin na saad ni Drei, Drei lang ba ang pangalan n'ya? Ano kayang full name n'ya?
"H-hindi na, kaya ko naman" pilit ko at tumingin kay Tala na animo'y nanghihingi ng tulong.
"Magpahatid ka na lang kay Drei, baka maabala pa si Sol e" tumingin si Tala kay Sol na parang balisa. "Sol, sige na. Umalis ka na mukhang nagmamadali ka e"
Hindi na umimik si Sol at umalis, bakit kaya? Balisa s'ya at parang nanginginig, bakit kaya? Itatanong ko sa kaniya mamaya.
Naiwan kaming apat sa restaurant, jusko naman. Kating kati na akong umuwi, I started to scratch my fingers, hindi rin mapakali ang paa ko sa ibaba ng lamesa kaya lumilikha ito ng tunog.
"Umuwi ka na kaya Selene? Drei pwede mo ba s'yang ihatid?" Napansin ata ni Tala na balisa ako. Thank God, gustong gusto ko na talaga umuwi.
"Sure, kukuhain ko lang iyong kotse ko" saad niya, hindi na ako naka imik dahil umalis na agad si Drei. Shit naman, hindi ako marunong makipag-usap sa ibang tao, anong pag-uusapan namin habang nasa daan?
May kaldero kaya sila? Ano ba Selene umayos ka nga. Hindi lang kasi talaga ako sanay na may iba akong makakasama. Paano kung masamang tao s'ya? Hindi naman siguro, pero hindi tayo makakasiguro pero nagtiwala si Tala kaya sure akong mabuting tao s'ya, pero hindi natin sure kasi hindi naman lahat ng mabait ay kabaitan lang ang ipapakita ang karamihan sa kanila ay may masamang pakay.
Bahala na, pag binaril niya ko siguro magpapasalamat pa ako sa kaniya. Go with the flow nalang.
Nang bumalik siya ay sinabi niyang ayos na ang sasakyan niya na nasa harap ng restaurant. I hugged Tala and she gave us more goodbyes, marami siyang sinabi kay Drei na lahat naman maayos na pinakinggan ng kaibigan niya.
Tahimik kaming lumabas ng restaurant, lumapit s'ya sa isang puting kotse, napa face palm nalang ako, it's fucking Tesla. Tesla? Wala naman akong reklamo sa mga taong may kotse na mamahalin, well we're not even rich as them kaya kahit yung motor na hindi na ginagamit ni Kuya ay iyon ang gamit ko ngayon, nasa condo nga lang.
Tahimik lang kami sa loob ng kotse, alam ba niya kung saan nya ako ihahatid?
"Are you okay? Komportable ka ba?" pang babasag n'ya sa katahimikan.
YOU ARE READING
With The Moon
Teen FictionLove is a game that two can play and both win. Selenenia is girl with traumas and can't express her feelings properly. She went through a lot at a young age, she preferred to be alone and without talking to other people, she preferred to be with her...