Just staring at her eyes, masasabi mong matapang s'ya, matatag at hindi agad agad na sisira. I'm just looking at her from afar, invited kami nila Jeff at Roman sa birthday ng kaibigan ni Jeff na Kurt ang pangalan.
Hindi ko ini-expect na nandito rin sila Tala, nasa madalim na parte ako ng bar at tinitigan si Selene, nakikipag-usap s'ya kay Kurt, nakangiti s'ya pero iba ang sinasabi ng mata n'ya.
Ilang beses na kami dumadalaw sa condo nila Tala pero hindi parin namin nakakausap si Selene, either nasa kwarto s'ya o kaya naman lalabas sa kwarto n'ya ng nagbabasa kaya hindi rin namin s'ya maistorbo.
"Makakauwi pa kaya kami? Ang lakas ng ulan" saad ni Jeff, nasa salas kami nila Tala at kumakain. Nanunuod sila ng movies habang nagbabasa ako ng libro.
"Mag patila muna kayo pag hindi parin, dito nalang kayo matulog--" napahinto si Tala sa pagsasalita ng makarinig kami ng malakas na kalabog ng pinto, napatingin kami doon.
My world stopped. Isang babae ang pumasok, may dala s'yang mga libro at basang basa ang uniform n'ya, she's wearing a gray hoodie jacket kaya naman halatang halata na basa s'ya pati ang sapatos n'ya. Nakakunot ang kaniyang noo at dere-deretsong pumasok sa kaniyang kwarto at malakas na sinara ang pintuan n'ya.
"Who's that?" Roman asked.
"Si Selene, by the way pag hindi parin tumigil 'yung ulan dito nalang kayo magpalipas ng gabi" suggest ni Sol.
"Okay lang ba s'ya?" Tanong ko habang nakatingin parin sa pintuan ni Selene. "Basa s'ya ah? Baka magkasakit?"
"Wag nalang natin istorbohin, she can take care of herself" kalmadong saad ni Tala.
Mababa ang self-confidence ko, ilang beses na ako naka tanggap ng rejection. Walang tumatagal sa akin, yung iba naman ay bigla nalang nawawala. Tutok ako sa pag-aaral pero ginagawa ko ang best ko para maging active ang aking social life. Kilala ang pamilya na kinagisnan ko kaya naman pilit akong sumasabay sa mga ginagawa nila.
My father was really strict. He want me to take a Engineering course but I choose Medicine. He doesn't agree with that, ang kailangan ko lang gawin ay panatilihing mataas ang grades ko at nasa Dean's list ako. Mahirap pero pilit kong kinakaya dahil ito ang gusto ko.
"Mapapasama ka lang sa mga nabiktima n'ya" pagbabanta ni Tala.
"Makapag sabi ka naman parang hindi mo kaibigan 'yung sinasabihan mo" biro ko at tumingin muli sa libro ko.
"She can manipulate you" may pag-iingat sa boses ni Sol. Nasa coffee shop kami na paburito nilang tambayan. Kasama namin si Roman at Jeff.
"She doesn't need you, Drei" sinserong saad ni Tala habang nakatingin parin sa'kin. "She's independent as fuck, kingina pati pag-aayos ng sirang washing machine s'ya ang gumagawa kesa ipaayos namin"
I smiled like an idiot. She can do that?
"Tamo tong taong 'to, binabalaan ka lang namin kasi she can take care of herself. She's independent, Drei. Pustahan tayo isang libo ikaw ang mas masasaktan kung magiging kayo tapos maghihiwalay"
I scoffed. "Kung papayag ako"
Tala and Sol warned me about Selene, but I don't care. If she can hurt me, I'm willing to be hurt basta s'ya ang mananakit sa'kin. She's different and I love that.
"Guys, si Drei nga pala, kaibigan ko. Same building kami tsaka nagiging kaklase ko s'ya in few minor subjects. Drei, mga kaibigan ko, si Sol at Selene" pakilala sa'kin ni Tala isang araw. Nag serve ako sa simbahan at kakatapos lang ng misa.
Wala imik si Selene habang nakikipagkamay sakin. Siguro iniisip n'yang hindi ko s'ya kilala. Well totoo naman, she doesn't know me but I know her.
Sabi ni Tala she's mentally unstable, okay lang 'yon kasi I can fix her, kaya kong punan lahat ng kulang sa kaniya. I'm fucking obsessed about someone na kailangan kong buoin kahit hindi naman ako ang sumira.
YOU ARE READING
With The Moon
Teen FictionLove is a game that two can play and both win. Selenenia is girl with traumas and can't express her feelings properly. She went through a lot at a young age, she preferred to be alone and without talking to other people, she preferred to be with her...