"Ang tigas ng ulo, sabing iwan na n'ya ang pagiging criminal lawyer n'ya at delikado nga. Ayan ang natamo, may bala sa katawan, tatanga tanga kasi," rinig na rinig ko ang maingay na bunganga ni Tala kahit nakapikit ang mata ko.
"Paano tayo makakapag sampa ng kaso n'yan? Ang daming politiko na nakabangga ng babaeng 'yan," dagdag pa ni Sol, halatang stress silang dalawa.
"Pustahan tayo pag gising n'yan magpupumilit 'yan umuwi at magtatrabaho," rinig ko ang demonyong si Kurt.
"Hala, hayae s'ya, mamamatay s'ya d'yan. Sa sobrang tapang iniisa isa ata ang mga kurap na politiko," dagdag ni Tala at halata ang gigil sa boses.
"That's normal, Tala. She's a criminal lawyer for three years syempre doon n'ya natutunan kung paano maging matapang," medyo kalmado na ang boses ni Sol.
"Ingay niyo," sa wakas ay minulat ko na ang aking mata at agad naman silang lumapit sa akin. "Shet nasa impyerno na ba 'ko?"
"Tang ina mo!" Sigaw ni Tala sa'kin at niyakap ako.
"Makaarte naman, di pa naman ako patay. Layo sa bituka," mayabang kong saad at umupo, naramdaman ko naman agad ang kirot sa likod ko. Lumayo sa'kin si Tala at tinitigan ako.
"You need to stay here for three to five days," my body stiffened because of that deed voice. "We need to examine your wound, we need to wash that twice a day, also need to change the bandage every day. So you have to stay here for three to five days because the Nurse will give you antibiotics," nakatingin lang s'ya sa akin ng deretso habang may stethoscope sa leeg niya. May hawak din s'yang papel at may hawak din s'yang ballpen. "Get well for your child," tumingin ito may Kurt bago lumabas ng tahimik sa kwarto.
Walang nakapagsalita sa amin, tanging kuliglig lang ang naririnig namin.
"Gago, sinong anak ko?" Naguguluhan kong saad at napakamot sa ulo ko.
Then boom. I remember our first encounter last day, akala ba niya anak ko si Skyliah?
"Gago pre, sinong anak mo?" Barumbadong saad ni Kurt at siniko ako bago umupo sa tabi ko.
"Malay ko diyan, praning na ata sa daming operasyon n'ya,"
"Ay wow, bitter lang te?" Singit ni Tala at umupo rin sa kama ko.
"Nasaan si Skyliah?" Tanong ko at tumingin kay Sol at Tala
"Nasa daddy n'ya," sabay nilang sagot.
Hindi ako umimik at tumango nalang, nagdala sila ng mga pagkain sa loob ng hospital room ko. Kanina pa palang umaga na discharge si Skyliah kaya hindi nila kasama ngayon dahil magpapahinga daw.
I contacted my secretary to moved my meetings next day. Hindi ako pwedeng magtagal dito dahil may last trial pa akong pupuntahan at kailangan kong mag review ng kaso ko. Oo nasa iisang ospital kami ni Drei kaso himala pa sa himala kung pupuntahan ako no'n dito sa kwarto ko. Sa totoo lang, wala pang isang araw akong naka confine pero bagot na bagot na ako.
Kinagabihan ay umuwi na silang tatlo, I asked Kurt too na dalhin dito sa kwarto ko ang mga importanteng papeles na nasa opisina ko. Day off bukas ng secretary ko kaya hindi ko s'ya pwedeng guluhin. Nakakabagot.
Pinapanood ko lang 'yung langit habang nakatingin sa labas ng bintana. Pinapanood ko iyon habang gumagalaw ang mga ulap. Sabi ko sa sarili ko dati na babawiin ko kung anong akin pag nakabalik ako sa Pilipinas, pero ngayon na nasa iisang ospital na kami , hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa.
Isang katok aa pinto ang umingay sa buong kwarto ko. Wala naman ng dadalaw sa'kin kasi gabi na, kakaalis lang din nung tatlong tukmol.
"Kung papatayin n'yo 'ko, please wag ngayon. Nagdadrama pa ako," saad ko habang nakatingin parin sa bintana. Maraming bituin ang nasa langit at kumukutikutitap iyon.
YOU ARE READING
With The Moon
Teen FictionLove is a game that two can play and both win. Selenenia is girl with traumas and can't express her feelings properly. She went through a lot at a young age, she preferred to be alone and without talking to other people, she preferred to be with her...