C21

20 2 0
                                    

WARNING: HARRASSMENT AND DEATH

"Saan tayo?" Tanong ko kay Drei ng maabutan ko s'yang naghihintay sa labas ng school. He's wearing his eye glasses, white Celine tshirt and brown slacks white black shoes. Gwapo.

"Drive in movies," he simply said. Hindi ako umimik at sumama nalang sa kaniya. I'm still with my uniforms, hindi ko alam kung magpapalit pa ako kasi biglaan ito. Pumasok kami sa kotse n'ya, may mga snacks na nando'n sa likod.

We talked about school this day habang papunta sa drive in movies na tinutukoy niya. Hapon palang kaya kulay kahel ang langit, kitang kita rin ang buwan na lumitaw agad, hindi iyon buo pero maganda parin.

Magsisimula palang ang movie ng dumating kami, we stayed inside his car. The movie begins we're just watching it. Binigyan niya ako ng blanket kaya pinatong ko iyon sa aking katawan, he opened the snacks kaya kumuha din ako doon. We silently watched the movie.

Kinuha n'ya ang kamay ko hinawakan iyon, hindi ako pumalag at nanuod nalang, nasa kabilang kamay ko ang snacks na binigay n'ya sa'kin kanina. Pinainom n'ya ako ng apple juice habang hawak n'ya kaya para akong bata na pinapainom n'ya.

He's brushing my fingers by his thumb, malamig sa loob ng kotse pero binibigyan ako ng init ng kamay n'yang nakahawak sa akin. He kissed my hands kaya napatingin ako sa kaniya, nakatingin lang s'ya sa kamay ko at hinahaplos iyon. Hindi naman s'ya nanunuod e.

"Alam mo, mahal. Natatakot ako mag propose sa'yo sa future," bigla n'yang saad kaya natawa ako habang nakatingin sa screen.

"Bakit naman?"

"Baka kasi hindi ka sumagot ng 'oo'. Baka i-reject mo ako, magmamaktol talaga ako,"

Nanuod nalang ulit ako dahil wala naman ata s'yang balak manuod kasi busy s'ya sa kamay ko. Suddenly, I felt a cold mental wrapped to my annulary finger. I looked at it. There's a simple silver thin ring, may maliit na diamond sa gita, kumikinang iyon pag nagalaw nag kamay ko. Kasyang-kasya iyon sa palasingsingan ko. My eyes widened and I looked at Drei.

"Don't worry that's not engagement ring," he chuckled before kissing the finger that have the ring. "This is a promise ring, love. Kaharap ang buwan, ang langit at ang milyon milyong bituin sa langit, pinapangako ko na aalagaan kita sa abot ng makakaya ko. I will keep you in my arms, you will be the mother of my childrens, ikaw lang ang magiging Mrs. Javillonar, ikaw lang ang ihaharap ko sa altar. Mahal kita, Attorney Cilvestre"

My eyes watered because of his confession, para s'yang magsasabi ng wedding vows. Tumulo ang luha ko dahil sa sayang naramdaman, uminit ang puso ko dahil nakikita n'ya ang sarili nya kasama ako sa hinaharap. Mas binibigyan n'ya ako ng dahilan para kumapit at manatili.

Love is the only warrior who in the battle of feelings, instead of fighting for itself, fights for the sake of others. All things where you persevered in time, All things where you worked real hard with all that you have, Are worth every ounce of investment you've made. Those moments where you felt unworthy? Disregard them then because you are more.

"Mahal babawi ako ha?" Malambing n'yang saad bago ako iwan sa stall ng isang street foods, mamimili sana kami pagtapos nito pero May nag-text sa kan'ya at kailangan daw s'ya kaya umalis ulit.

Hindi sa nagiging maarte ako pero hindi n'ya kasi gawain na iwan ako sa isang lugar ng ako lang mag-isa, kung may emergency man s'ya minsan, ihahatid n'ya muna ako sa condo bago s'ya umalis.

"Babawi talaga ako, mahal. Sorry," hinalikan n'ya ang noo ko bago umalis. Tahimik kaming nag aaral sa loob ng library kaso kanina pa tumutunog ang cellphone niya kaya napalabas s'ya ng librarian.

With The MoonWhere stories live. Discover now